Eighteen

3.4K 110 1
                                    

Eighteen

“2ND round?” kaagad akong napapikit sa sinasabi ni Enid. Natatamaan naman na din ako pero mas Malala siya, kanina pa ata alas tres ng hapon nag-umpisa ito sa paginom.

“Huwag na, dito na lang tayo.” Sabi ko sakanya pero mapilit siya. Hinawakan niya ang mukha ko.

“No. Hindi ka pa lasing…” gumegewang na sambit niya, kanina ko pa tinatawagan si Jelan pero ayaw niyang sagutin. Tinutulak niya ako palabas ng Unit, kahit anong pigil ko sakanya ayaw niya magpa-awat. Nasa Elevator na kaming dalawa ng kinuha niya saakin ang phone ko at nagtago sa sulok. May tinatawagan siya doon.

“Hi, Jasper.” Kaagad nanlaki ang mata ko sa kausap niya. Pinilit ko ring kunin sakanya ang phone pero hindi ko makuha. Naiinis na ako sa inaasal niya at dumadagdag pa itong si Jelan na ayaw man lang sagutin ang mga tawag ko.

“We would like sana for second round. Is your Bar, open?”

“YAH!” sigaw ko sakanya nag-shh lang ito saakin at nangitingiti na. Omygosh! Bakit niya pa kinontak yung babaerong yun? Mas lalong nagiinit ang ulo ko sa ginagawa niya.

“Oh sure, alam naman siguro ni Ren diba? Okay thank you.” Aniya at mapupungaw ang matang tumitingin saakin, iniabot niya na rin saakin ang phone ko.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
“Yah, bakit hindi nalang kasi tayo matulog. Ou na papayag na ako na dito matulog sa tabi mo.” Sabi ko sakanya. Nag-No.No siya gamit ang kanyang kamay at hinila akong lumabas ng Elevator. Jusko nakapambahay lang siya na pantulog at ako naman ay nakayapak lang. Saan kami pupuluting dalawa, papapasukin kaya kami nung Bar guard?

~*~
Naiinis akong tinitingnan ang Guard ng Bar. Kanina pa nga nagiinit ang ulo ko sa mga nangyayare, another na naman ito.

“No, Ma’am bawal po kayo dito. We strictly not entertain this kind of dress.” Ipinakita niya saamin ang Proper Dress na nakasabit sa protocol nila.

“No. Kilala namin ang may-ari dito. I mean boyfriend niya.” Itinuturo pa ako ni Enid habang nakakapit na siya doon sa Guard. Pilit ko siyang hinihila doon.
“Umuwi nalang kasi tayo.”

“NO. WALANG UUWI.” Napahinga ako ng malalim, sa susunod hindi na ako pupunta kapag nag-ayang maginom tong babaeng ito. Nasaan na ba kasi si Jelan?

Kinuha ulit ni Enid ang phone ko at tinawagan si Jasper. Wala akong magawa kundi tingnan siya, halos mawala-wala na ang pagkalasing ko dahil sa behavior niya?

JELAN PAPATAYIN TALAGA KITA!!!!
Lumayo ako konti para tawagan si Jelan, for god sake sagutin mo naman. Nakakailang tawag na ako ng makita ko na ang presensya ni Jasper sa Guard.
Gusto kong itapon ang phone niya sa mukha niya kapag nagkita kaming dalawa. Swear!

“Oh, Jasper. It’s me, Enid” Nanlaki ang mata ko ng tumatalon talon doon si Enid.

“Enid?” tumango tango naman si gaga. Sinubukan ko ulit kontakin si Jelan at sa wakas narinig ko na ang napakawalang kwentang boses niya sa kabilang linya. GALIT AKO, GALIT NA GALIT!

“YAH! JELAN” sigaw ko sakanya.

“What? Why?”

“Alam mo ba kung nasaan kami ni Enid ngayon? Nasa Bar kami. Baka naman pwede mo akong tulungang i-uwi siya, nakapambahay siya at nakayapak kami pareha?” sarkastikong sambit ko.

“What are you doing there.” Iritableng sambit niya.

“Might as well ask yourself? Kung bakit nagpapakalasing tong kaibigan ko diba?” matapos nun ay pinatay na niya. Wala na akong narinig pa sakanya. Naramdaman ko ang paghigit ni Enid sa kamay ko at itinapat  ako kay Jasper. Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. Nakita ko na lang ang pag-iling niya sa nakita saamin.
Frustrated siyang tinanggal ang suot niyang sapatos at isinuot saakin, tiningnan niya rin ng masama ang Guard at wala din itong nagawa kundi ibigay kay Enid ang sapatos niya.

Nangiti-ngiti lang itong kaibigan ko samantalang Nahihiya ako!

Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Itinanggal niya ang coat na suot niya at ipinatong saakin, ngunit mabilisan ko din itong tinanggal at inilagay sa baliw kong kaibigan. Medyo normal pa naman ang suot ko.

“Let’s go inside.” Aniya at inalalayan kaming dalawa. Tiningnan niya lang ng masama ang guard.

Dinala niya kami sa hide-out nila, naruon din ang tatlo niya pang mga kaibigan. Bigla tuloy akong nahiya, mga kilala pa naman ito sa PR Insudtry. At parang pinahiya ko din yung dalawa dito nung last meeting namin.

“Look who’s here.” Bati nung dalawa saamin. Bigla kong tinakpan ang nakakalokong bibig ni Enid, ngingiti na naman kasi ito. Awkward nalang akong tumingin sakanila at tipid na ngumiti.

Tiningnan lang ako ng kakaiba ni Jasper na nasa harap ko. Panay din ang text ko kay Jelan kung nasaan na ba ito? 

Maya maya ay naramdaman ko na lang na nakatulog na itong peste kong kaibigan. Kaya lang ba kami nagpunta dito ay para makatulog siya? Kainis!

“You really manage to go here na ganyan ang suot?” ani nung Jel ata. Napalunok ako sa sinabi niya.

“H-Hindi ko kasi mapigilan-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita kong bigla ng bumukas ang pinto. Naka-hospital gown pa si Jelan ng makita ko.

“YAAAH” Sigaw ko sakanya ng magtama ang paningin naming dalawa. Iniwan ko muna si Enid doon at hinila siya palabas. Mukhang nagulat ko pa ata ang lahat ng tao doon.

“Ikaw Jelan ah, tigil tigilan mo ko sa trabaho mo. Alam mo ba kung gaano nagsu-suffer si Enid sayo. At nakikita mo ba ang itsura ko. I was literally drag here.” Inis na inis na sambit ko sakanya.

“Sorry, iuuwi ko na siya. Some other time nalang natin ito pagusapan.” Aniya. Napahawak ako sa ulo ko. Tuluyan na ngang nawala ang pagkalasing ko. Gusto kong sumigaw dahil sa galit sa kanilang dalawa. Ano bang problema nila saakin? Bakit ako palagi ang naiipit sa gulo nilang dalawa.

“Ayusin mo yang problema niyo ah. Sumasakit ulo ko sainyong dalawa.” Huling sambit ko at tuluyan na itong pumasok sa loob para kunin si Enid.

Nakita ko ang masamang tingin sakanya ni Jasper samantalang nagtataka naman yung tatlo. Wala siyang salita habang pasan pasan si Enid, sinundan ko lang siya ng tingin pababa. Napapapikit na lang ako sa mga nangyayare. Pumasok ulit ako sa loob para magpaalam ng bigla akong hilain ni Jasper at itabi sa tabi niya.

“Saan ka pupunta?”

“Going home?” seryosong sambit ko

“No.”

“Why?” Madiing sambit ko

“You still didn’t explain kung ano ang nangyare.” Ika pa niya.

Huminga ako ng malalim at masama siyang tiningnan. “Look, I’m not in the mood to explain everything to you. Can I go home?”

“No you still didn’t.” Napairap na ako sa kawalan at tumayo na sa harap niya.

K. Fine! Hindi nga pala ako ang tipo ng babae na kailangan pang magpa-alam. Ngumiti lang ako sa tatlo tanda ng pamaalam at nagmartsa na palabas doon.

Nasa Parking na ako ng hinigit niya ulit ang braso ko. “What the hell Elren?”

“Ano bang problema mo?” galit na sambit ko sakanya.

“I just want an explanation. What happen?”

“Bakit ba kailangan mo pang panghimasukan lahat? Kung ayaw kong sabihin, ayoko!”

“Look, gusto ko lang naman malaman kung bakit ganyan ang itsura niyo? Siguro naman as youre boyfriend kailangan ko ding malaman.”

“Boyfriend? Real or Fake? Just to inform that we are just dating. Nothing more than that.” Huli kong sinabi at umalis na sa harap niya.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now