Seventeen

3.6K 109 2
                                    

Seventeen

Chineck kong maagi ang Unit bago ako tuluyang lumabas, dala ko narin ang mga materials na pinagpuyatan kong gawin kagabi para sa mga bata. Siguradong ganadong ganado na naman ang mga iyon.

Naghihintay na ako ng Elevator ng may mapansin akong lalaking naghihintay din, sinulyapan ko kung sino ito at si Rem ang nakita ko.

Naka-tuxedo ito at nakasalamin.

"Papasok kana?" sabi niya habang natingin sa relo niya. Tumango ako.

"Maaga pa ah." Sabi niya.

"Hmmm, mag pe-prepare pa kasi ako." Bumukas na ang elevator at pinauna niya lang akong pumasok, siya nadin ang pumindot nang floor.

"Parking ka?" tanong niya saakin at tumango din naman ako.

Biglang kumabog ang dibdib ko habang nasa harap ko siya at naghihintay ng floor namin. Sinuri ko din ang presensyang taglay niya, he is matured now compared dati, business man na business man na din ang datingan niya. I also heard na magkasama sa trabaho si Jasper at siya. Siguro kasi mag-pinsan silang dalawa?

Medyo lumaki rin ang kanyang pangangatawan, although may kalakihan naman ito way back high school. Kaya nga ako namangha at nabihag niya diba?
Napalunok ako at pilit na winala ang tingin sakanya. Nauna na itong magpaalam saakin, tiningnan ko lang siya na blangko ang tingin at tsaka huminga ng malalim.

It must be good if ako ang nilapitan mo noon at saakin ka nagpakilala? Napapangiti nalang ako sa mga iniisip ko. Pagkarating ng Parking ay mabilis ko nalang din minaneho ang aking sasakyan at maagang nakarating sa School.

Napaaga nga ata talaga ako sa dahil halos ako palang ang tao sa school maliban sa guard. Nagtungo kaagad ako sa classrrom at inayos ang mga materials sa table ng aking mga estudyante. After ko ipe-prepare ang mga iyon, naghintay na lang ako hangang sa dumami na sila.

Naging maayos ang naging takbo ng klase, natuwa din ang mga estudyante sa mga pinapagawa ko, nung naghapon din ay nag Outside activity sila kaya medyo naaliw din dahil nakisali kaming mga tacher doon.

Pauwi na rin ng makatangap ako ng tawag galing kay Enid.

"Oh!" sagot ko sakanya.

"Free ka now?" tanong niya

"Why?"

"Just Miss you. Punta ka dito, dala mo sasakyan mo?"

"Ou. Then dito kana din matulog." Sabi niya nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Why? Uy, may asawa ka ng tao. Hindi kana dalaga."

Narinig ko ang pag-ngisi niya sa kabilang linya. "Ou nga, pero palagi naming busy." Huminga ako ng malalim at umayon na lamang sa sinabi niya.

"Punta ako diyan, but I cannot promise na diyan ako matutulog."sabi ko. Pinatayan na niya ako kaya ifinocus ko na lamang ang atensyon ko sa pagmamaneho patungo sa Unit nila.

Makaraan ng ilang minuto ay nakangiti niya kaagad akong sinalubong ng yakap. Lasing siya?

"Yah, bakit ka umiinom ng hindi ako kasama." Inis na litanya ko sakanya habang iginagaya na niya ako papasok. May hawak pa siyang bote ng beer.

"That's why I call you at tada- youre here. My bestfriend." Inilapag ko ang bag ko sa couch at nagtungo nadin sa table kung saan siya umiinom.

Sumubo ako ng chips habang siya naman ay hinainan ako ng alak. "Di pa nga ako kumakain." Bulalas ko sakanya.

"Owww, I thought sanay na yang lamang loob mo sa alak." Ngumisi nalang ako at tinungga ang binigay niyang alak. Tinuro ko siya.

"Bakit ano bang problema?" paguuna ko sakanya. Alas siyete pa lang ng gabi pero nagiinom na kami.

Ngumiti ngiti siya saakin. "Wala naman, I just want to see you." Sumubo agad ito ng alak.

"Ano nga? Huwag mo nang gawing excuses yan. Alam ko may behind, whats with Jelan? May nangyare ba?" sabi ko rito. Natahimik siya sa sinabi ko.

Huminga muna ito ng malalim bago magsumbong na parang bata saakin. "I mean-Ou, were married pero bakit nararamdaman kong hindi. He's not here when I am bored, he's not here when I am alone. Wala din siya dito kapag gusto ko nang may kasamang kumain. All about him, hindi ko maramdaman."

Napairap ako sa kawalan. "Malamang, may trabaho kaya yun and hindi lang yun, he need to prioritize his patient dahil buhay ng mga ito ang kapalit."

"Bakit? marami naman siyang kasamahan doon. Why they can't handle it." Tumungga ulit ito ng alak.

"Noon after our accident, doon ko siya unang nakita alam mo ba kung gaano ako na-amaze sakanya. He is really incredible Enid. I mean sinong magaakala na ang tatahimik noon at kasa-kasama lang natin will become a one of the best doctor here in Philippines. Kaya rin siguro grabe yung burden sakanya." Litanya ko.

Tinitigan niya ako ng makahulugan. "I was also amazed that time Ren, pero when reality hit us parang gusto ko nalang na hindi siya naging Doctor. He didn't even spare a time for me. Makakausap ko lang siya ilang segundo and then tatawagin din kaagad siya. Sometime I wonder, kung hindi sana siya umalis noon baka nag-nurse ako para palagi ko siyang nakikita."

Halos maubos ko ang iniinom kong alak dahil sa paguusap naming dalawa. "Baka nga, you are really into him that time. You are his greatest follower" napahalakhak ako habang nakatingin sakanya. Binato lang niya ako ng kinakain namin at uminom ulit.

Inibahan din niya ako ng tingin. "How about you, ano na ang balita? Did he score already?" Napapangisi ako sa sinasabi niya.

"Score?" tumango tango siya.

"I think so..." lumapit ako sakanya at bumulong.

"He kiss me 2 times." At angg aga, sinasabunutan ako. My god, ibang klase kiligin.

"Woah...wait. I can't contain my excitement" sabi niya habang hindi maitago ang malawak na pag-ngiti niya. Napangisi na lamang ako sa sinabi niya.

"Really? Diba first kiss mo? Ano feeling?" Tanong niya. Ewan ko, nalalasing na ata ako at halos lahat ng tanong ng babaeng ito ay sinasagot ko na.

"At first siymepre, gusto kong pumatay-"natigilan ako sa pagsasalita at seryosong tumingin sakanya, naghihintay lang ito ng sasabihin ko...

"Yung second?" dugtong na tanong niya.

Napalunok ako bago magsalita. "I feel butterflies in my stomach." At sinapak naman niya ako ngayon. What the hell!

Napapahimas ako sa pisngi ko habang siya naman ay napapatalon talon sa tuwa at paulit ulit na sinasabi.

"Finally Ren is in love"

"Finally Ren is in love"

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now