Twenty One

3.5K 98 0
                                    

Twenty One

Jasper POV

Hindi ko maitago ang aking ngiti habang pinagmamasdan itong babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hinayaan ko siyang matulog habang nasa Parking na kami ng Hotel. Kanina ko pa siya pinagmamasdan hanggang sa makita ko na ang pagdilat ng mga mata niya.

"We're here." sambit ko sakanya. Tumingin lang siya saakin at kinuha ang bag niya na nasa likod.

"I'll have to go." aniya at akmang aalis na sa kotse ng bigla kong hinigit ang kamay niya at pinaulanan ito ng halik.

"Goodnight kiss." bulong ko pa. Susuntukin na sana niya ako kaso mabilis akong napaiwas. Galit siyang umalis sa sasakyan at nagmartsa patungong sasakyan niya. Pinanuod ko lamang ito at sinundan. Sabay na din kaming umuwi, nauuna lang nang konti ang sasakyan niya at ng nasa tapat na kami ng mga Unit ng bawat isa ay masama na naman niya akong tiningnan.

"Subukan mo lang na halikan ako uli, papatayin na talaga kita." Napangiti na lamang ako at pinanuod na tuluyang nagsara ang pinto ng Unit niya.

Pagod kong inihagis ang neck tie ko sa couch at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Kinuha ko din ang phone ko na nasa bulsa at nakatanggap ng text.

Kaagad sumilay ang ngiti ko habang nakita ko ang pangalang "Contract Girl". Nagtext siya ng Goodnight with Emoticon.

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko dahil sa ginawa niya, it is my first time reading her first ever message to me.

Ilang minuto kong tinitigan ang text niyang iyon hanggang sa makarinig ako ng doorbell. Inilapag ko lang ang phone ko at tamad na pinagbuksan ang tao sa labas.

Tiningnan ko lang si Lolo habang dire-diretso ang pasok niya sa loob.

"Bakit hindi ka nagrereport sa status niyo ni Ms. Vasquez" unang litanya niya saakin. Tamad lang akong naupo sa upuan.

"Lo, hindi naman siguro dapat sa lahat ng oras alam niyo lahat." sabi ko rito. "At isa pa, para namang wala kang binabayaran na susunod saakin." napatikhim siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin.

"W-wala ah!" pagtanggin niya pa.

"Psh."

"Basta if hindi mo kaya, then sabihin mo lang. I am willing to give her to Henrem." Napangisi ako ng mapakla.

"No, I can handle it." matigas na sambit ko.

"Did she know na if ever na hindi mag work ang sainyo may possibility na si Henrem naman?"

"No." sagot ko.

"Really? Then bakit may picture ako na magkasama silang dalawa at naguusap." Napakunot noo ako sa sinabi ni Lolo. So inadmit niya rin na sinusundan niya nga si Elren.

"Kailan?"

Naupo na si Lolo sa harap ko at seryosong tiningnan ako.

"I dont know, diba dapat its your job to know?" Napatulala ako sa sinabi ni Lolo at hinayaan ko lang siyang maglibot sa buong Unit samantalang balisa naman ang isip ko sa kakaisip ng sinabi niya.

Did Hanrem know the Will?

Bago umalis si Lolo ay may binigay siyang isang litrato. Litrato sa Lobby na kung saan ay makikitang naguusap nga silang dalawa.

Did Hanrem really approach her? hindi ako mapalagay, gusto kong tanungin si Hanrem about this. At gusto ko ring tanungin si Elren about this picture.

Halos buong gabi akong hindi makatulog sa kakaisip. Pagsapit ng alas singko ng umaga ay lumabas ako ng unit at nagsimula mag-work-out. Almost 2 hours akong tumatakbo ng makita ko na ang sarili ko na pabalik na sa Unit. Bago tuluyang pumasok ay napahalukipkip muna ako sa labas at pinagmasdan ang pintong hangang ngayon ay nakasarado padin. Its already 7:30am, baka kagigising palang niya. Pumasok na ako sa loob at nag-shower naghanda narin ako para sa pagpasok. Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko at kaagad akong napapikit dahil sa tawag ni Rey, my secretary.

"Yes." sagot ko.

"Sir this is to remind you, your schedule this day po."

"By this Morning po, you have a meeting with the Chairwoman" kaagad akong napapikit sa sinabi niya at nagsuot na ng neck tie.

"and by 1:00pm, you have to check the marketing strategy of our investor" Hinayaan ko siyang magsalita ng magsalita habang inaayos ko ang ayos ko ngayong araw. Paglabas ko sa Unit ay kaagad na napangiti ang aking labi ng makasalubong ko siya.

"Nice timing." "bulalas ko at sinabayan na siya sa paglalakad.

"Wrong timing for me." pambabara naman niya saakin.

Nakafloral dress siya ngayon, siguro kasi friday. At malamang wash day sakanila. Napansin ko rin ang back pack na dala niya.

"Aalis ka?" tanong ko sakaya ng makapasok na kami sa Elevator.

"Yep.|

"Saan?" sinamaan niya ako ng tingin.

"Malayo sayo. Bakit mo tinatanong?" hindi ako nagsalita sa tanong niya dahil masama na naman niya akong tiningnan ako. Gustong gusto ko talaga siya kapag sinasamaan niya ako ng tingin. Ang cool lang.

"Wala lang?" sagot ko

"Ayoko nga sabihin, mamaya sundan mo pa ako." aniya. Napahalakhak ako, kahit hindi mo naman sabihin, malalaman at malalaman ko padin. Isang tawag ko lang kay Lolo.

Natahimik kaming dalawa at seryoso ko siyang tiningnan.

"Elren..." malumanay na tawag ko ng pangalan niya.

"Hmmm" hindi siya tumitingin ako.

"Did you know Hanrem?" wala sa loob na tingin ko at nagtama ang mga mata namin.

Hindi siya sumagot but I know, sinasabi ng mga mata niyang kilala niya ito.

And right at that monent may nakutubuan ako sa tingin niyang iyon, iba ang pinapakita ng mga mata niya.

Sinubukan ko itong basahin pero bigo ako. Napatikhim siya at mabilis na umiwas nang tingin.

"Why?" Wala sa loob na sambit niya. Naramdaman ko din ang panginginig ng boses niya.

"W-wala lang" Maybe its not the time para tanungin siya.

And maybe its also not my time to know about her and Hanrem.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now