Forty Four

3.5K 106 4
                                    

Forty Four

Katulad ng nakagawian ay inihinto ko ang kotse sa isang sikat na Bar, ginamit ko ang VIP Card ko. Wala naman siguro sila dito at hindi naman ito ang palaging tinatambayan ng mga magtropa.
Nakakaindak kaagad na tugtog ang naririnig ko sa entrance palang ng Bar. Naupo ako sa isang table at pinanuod ang mga taong sumusunod sa tugtog. Umorder na rin ako ng maiinom sa waiter na umiikot ikot.

Makaraan ng ilang minuto ay may naupong mga babae sa unahan ng pwesto ko, sobrang hapit na hapit ang mga suot nila at kulang nalang ay maghubad sila dahil sa sobrang revealing ng mga pananamit nila. Napaismid ako at inilayo sakanila ang tingin ko.

Maya-maya ay may pinagusapan sila na lalong nagpapukaw ng atensyon ko.

“Did you know Jasper Madrigal?” sabi nung babaeng medyo wavy ang buhok. Biglang gumalaw ang tenga ko sa sinabi niya. Lumipat din ako ng upuan at sobrang lapit ko na sakanila para lang marinig ko ang pinaguusapan nila.

“Yes. Sino ba naman ang hindi nakakakilala doon. He own this Bar, diba?” sabi nung tatlo. Napalunok ako sa sinabi nila at hinintay ang sasabihin nung babae.

“I tried to seduced him dahil sa pagkakaalam ko, wala daw pinapalampas na babae yun.”

“Tapos?” sabi nung isa.

Biglang kinabog ang dibdib ko sa sinasabi nila. “But he didn’t respond to what I’m doing. He just sit at hinayaan akong halikan siya. Para siyang gamit lang na hindi man lang nagre-respond.”

“Really?” di makapaniwalang taong nung isa.

“Then yung rumor about sakanya wala lang yun?”

Hindi na nagsalita yung mga babae at nagsitayuan na ulit sila sa pwesto nila at nagtungo sa dance floor. Naiwan akong nakatulala doon habang pino-proseso ang mga narinig ko. Napangisi ako ng mapakla sa mga naiisip ko.

So yung nakita ko, wala lang yun? Pinagmasdan ko sa Dance floor yung babaeng nagsalita kanina at may pagkakahawig nga ito sa nakita ko 2 months ago.

Bakit ba naman kasi ang daming mga malalandi sa mundo.

Dumating na ang order ko at isahang lagukan ko lang iyon. Umorder ulit ako. Nakakailang baso na ako ng beer ng maramdaman ko ang pagtabi saakin ng isang pamilyar na babae.

Saan ko nga ba siya nakita?

Umorder din siya ng maiinom ngunit hindi alak, juice lang ang inorder niya.

“Dito lang pala kita makikita.” Sabi niya. Naalala ko na kung sino siya, isa siya sa mga kaibigan ni Jasper. Cheska ang pangalan.

Nginitian ko siya. “Tagal mo nawala ah.” Sabi niya saakin.

“N-Nagbakasyon, tumakas sa mga bagay bagay” walang prenong sambit ko.

Natahimik siya at tumitig saakin. “Jasper is devastated when you break up with him.” Napalunok ako sa mga sinasabi niya.
“H-Hindi ko dapat ito sinasabi sayo but I think you need to go with him. Hindi na siya kumakain on time, palagi niyang fino-focus ang sarili niya sa pagta-trabaho we’re worried na baka bumigay na ang katawan niya.Ayaw niyang makinig saamin.” May inilabas siya sa bag niya na phone. Nagsalubong ang dalawa kong kilay ng makita ko ang phone ko.

“Papaanong?” lumipat ang mga mata ko sakanya at sa phone

“I saw you 2 months ago, Elren you’ve misunderstood everything.” Biglang nagunahan sa pagpatak ang luha sa mata ko.

“I know hindi naman dapat tama ang gagawin ko, but please as his friend kahit tawagan mo lang siya at sabihing kumain siya. We will be thankful. Please. And I am not telling you na balikan siya but please kahit isang tawag lang.” Naiwan akong tulala habang patuloy na lumalandas ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa mata ko.

Iniwan na akong magisa ni Cheska samantalang ang ingay ng buong paligid ay nawala na sa pandinig ko.

Ipinikit ko ang mata ko upang mawala ang luhang dumadaloy. Bigla kong naalala ang mga mata niyang nangungusap at malungkot kanina. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at walang alinlangang lumabas ng Bar na iyon.

Pinaandar ko ang sasakyan ko patungong  Condo niya. Masaya pa akong binate ng mga staffs doon na matagal ko ng hindi nakikita. Kinakabahan ako habang papalapit ng papalapit ang elevator. Nang iniluwa na ako ng foor ay dali-dali kaagad akong nagtungo sa Unit niya, nakakailang doorbell na din ako pero walang nagbubukas. Hanggang sa manghingi ako ng tulong kay Hanrem na nasa kabilang Unit.

Nagulat pa siya ng makita ako na naruon pero tinulungan niya na rin akong makahingi ng duplicate copy ng Unit ni Jasper.

Walang kabakas-bakas niya akong nakita roon sa loob. Mabilisan akong nagtungo sa Ref at naghanap ng maluluto. Ipinagdarasal ko nalang na sana ay hindi niya ako makita na naruon.

Ilang minuto ang lumipas at tapos na ako magluto. Kumuha ako ng sticky note sa bag ko at nagsulat doon.

“I heard you’re not eating, please eat it.” Tinatakan ko lamang ito ng pantatak ko sa mga bata at sinulyapan ang buong unit at nagdesisyong umalis.

Nakahalukipkip pa si Hanrem habang tinititigan ako.

“I’ve been trying to contact you, are you okay?” salubong niya saakin. Walang gana lang akong tumango at iniabot sakanya ang susi ng Unit ni Jasper.

“H-Hindi mo na siya hihintayin.” Napailing ako.

“Hindi na.”

“Why?” Tiningnan ko lang siya at tsaka naglakad na palayo.

~*~
Hindi ako makalunok habang kumakain ng mga pagkaing dinala ni Mom. Nakakatuwang isipin na mas nag-su-suffer pa pala siya saakin? After what Cheska told me yesterday, I saw the desperation in her eyes. They are really worried kaya heto ako ngayon, nawawalan na rin ng gana sa pagkain.

Pinilit kong tanggalin ulit ang sakit na nararamdaman ko at pinilit na maging masaya sa pagbubukas ko ng pinto.

“Are you ready?” tanong saakin ni Enid. Tumango na lamang ako at tsaka kami sabay na umalis sa lugar na iyon. Wala ako sa sarili habang nagmamaneho patungong hospital, sasamahan ko kasi siya na magpa-check up ngayon since may surgery si Jelan.

Ang dami niyang kwento ngunit tango at ou lang ang sinasagot ko kahit na hindi ko naman talaga naintindihan ang sinasabi niya.

“Enid…” Bigla akong naiyak sa pagputol ko ng mga sinasabi niya.

Inihinto ko ang sasakyan sa tabi at seryosong tumingin sakanya. “It is really okay if I go back with him.”  Sandali siyang natigilan sa mga sinasabi ko at mahigpit ang pagyakap saakin.

“Bakit mo ako tinatanong? Dapat sarili mo ang tinatanong mo. Hindi ko naman hawak ang desisyon mo.” Tanging hikbi lang ang lumalabas sa saakin.

“Akala mo siguro hindi ko napapansin na itinatago mo saakin ang problema mo, kilala kita Elren. You are there when I need a friend at nandito din ako sa tuwing kailangan mo ako. Kaya nga inaaliw nalang kita sa paraang alam ko dahil ayokong maramdaman mo ang pakiramdam ng mag-isa.” Mas lalong humigpit ang yakap ko sakanya. After nang iyakan namin iyon ay dumiretso na kaagad kami sa Hospital.

Ilang minuto ko siyang hinintay habang chine-check up siya sa loob. Matapos nun ay nagtungo kami sa E.R at nagbabakasakaling naruon si Jelan. Pinahintay lang kami sandali sa Information Desk ng may makita akong pamilyar na lalaking nakahiga sa di kalayuan.

Iniwan ko sandali si Enid at dahan dahang nagtungo sa kinaruruonan nung lalaki. Hinawi ko ang kurtina at biglang nanginig ang buo kong katawan ng makita ko siyang nakahiga at walang malay sa kamang iyon.

Tuluyang bumagsak ang katawan ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam  anong nangyare but I just want to hug him. Is it really okay if I love you now?

And I am afraid na makita kang ganito. Not in my entire life na naisip kong makikita kita rito.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now