Thirty Five

3.2K 89 0
                                    

Thirty Five

Pagod kong inilagay ang bag pack ko sa sasakyan ni Dad. Naupo na din si Mom sa tabi niya.

"Wala ka ng nakalimutan?" tanong niya saakin.

"Opo, Dad." Tanging naging tugon ko at nagpaalam na sa mga taong nakangiti habang winawagayway ang kanilang mga kamay saamin.

"See you again..." sabi ko habang nakadungaw sa bintana. Nang nasa byahe na kami ay nilamon na ako ng antok dahil sa sobrang pagod. Almost 6 days akong walang tulog dahil sa mga pagtulong namin sakanila. Home for the agent kasi ang pinuntahan namin kaya buong lingo kaming busy na tinitingnan ang mga matatanda.

"Elren saan mo gusto magpa-drop-off?" tanong saakin ni Mom.

"Sa bahay nalang Ma. Bukas nalang ako babalik ng Condo" Nag okay lang ito at tuluyan na nga akong nilamon ng antok.

Pagkagising ko ay malapit na kami sa bahay, almost 5 hours ang naging byahe namin at kita ko rin ang napapagod na mukha ni Dad dahil sa pagmamaneho. Kinuha ko lamang ang Bag ko at tinulungan na silang ibaba ang mga gamit na dala namin galing sa Community.
Tamad akong naupo sa Sofa namin sa Sala at hinilot-hilot ang aking mata.

"Magpahinga kana." Sabi ni Mom at umakyat na nga ako patungong kwarto. I miss my bed, ilang buwan din akong hindi nakahiga dito. Tinanggal ko lahat ang mga gamit na nakalagay sa katawan ko at nahiga. Kinuha ko din ang charger ko dahil almost 1 week akong walang balita sa nangyayare sa mundo.

Naka-generator lang kasi ang community at nakakahiya naman na makicharge kung tipid na tipid sila.

Super dead ang phone ko kaya naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang mabuksan ito. Pagkaopen ay sunod sunod na mga messages ang mga nareceive ko.

Halos puro kay Enid, panay ang tanong niya kung nasaan ako. And even Hanrem. At ang mas marami ay galing kay Jasper.

Binasa ko isa isa ang mga text niya.

"Where are you?"

"I feel empty."

"I miss you badly."

"Can I go there?"

"Jogging tayo? Wala ka nga pala. Never mind."

"Its Friday, makikita na ba kita bukas?"

"Where the hell are you"

"Im in front of your house but I still didn't see your shadow."

"Im so damn worried."

"Elren! Please answer back"

Hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi ko habang ramdam na ramdam ko ang frustration niya sa mga text. Dali-dali akong tumayo at nagtungong cr. Naligo ako at nag-ayos, hinigit ko na din sa pagkaka-charge ang phone ko at kinuha ko na din ang dala kong Bag. Nagtungo akong kusina para makapagpaalam kila Mom.

"Mom." Tawag ko sakanya. Nagluluto na ito.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Condo."

"Akala ko dito ka kakain? At matutulog?" Malambing ko lang siyang inilingan at hinalikan na sa pisngi.

"I'll go ahead. May lakad pa pala ako."

"Pero-" umalis na ako sa kusina pero naririnig ko pa ang pagsigaw ni Mom. "Magpaalam ka sa Dad mo." Aniya kaya sinunod ko naman.

Naabutan ko si Dad na nagdidilig ng mga halaman niya sa Garden.

"Dad!" tawag ko ng pansin niya.

"Oh?" tiningnan niya ako.

"Aalis ka? Hindi ka dito matutulog?" sabi niya nagdidilig padin.

"M-May lakad ako Dad, next time?"

Sinamaan niya ako ng tingin... "Enid, akala ko ba matatapos na ang 6 months na contract mo. After nun, bumalik kana dito." Bigla akong napayuko sa sinabi niya.

"P-Pero Dad?"

"No, ayokong naruon ka sa building ng lalaking iyon. I Don't care if you are already in love with him pero dito ka after na ng contract. Okay?" Wala sa loob akong napatango sa sinabi niya. Hinalikan ko lang siya sa pisngi at tuluyan ng nagpaalam.

Naglakad ako papalabas ng village at napaisip. Napatingin ako sa kalendaryo ko sa Phone at 15 hours ko nalang siya makakasama in 3 Weeks and after that, I no longer have a Jasper in my life.

Tamad akong nag-para ng Taxi at nagpunta sa Condominium. Pagkarating ko doon ay inaasahan ko siya na nasa labas ng Unit ko katulad noon pero wala akong nakitang bakas niya, nagtry din akong mag-doorbell sa Unit niya pero wala pa siya.

Napahinga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa Unit ko. Napapikit ako habang nakatanaw sa Balkonahe. Sinikap kong namnamin ang paligid na nakikita ko dahil hindi ko alam kung kailan ko na ulit ito makikita.

Maybe after our Contract its either tatanggapin ko ang offer ni Enid o uuwi ako saamin. But the point is aalis na ako sa Unit na ito.

Napasulyap ako sa Kalendaryong halos mapupuno na ng pulang marka...

Tinitigan ko ito ng maigi at nagbabadya ang luhang gustong lumabas sa mata ko. Paulit ulit kong tinuturo ang the 30th of this month at mas lalo akong napapaiyak dahil sa mga naiisip ko.

Naiiyak akong magisip sa oras na sumapit na ang araw na iyon. Kaya ko na bang bitawan ang kamay niya? Kaya ko nabang lisanin ang gusali at unit na ito?

Mas lalo akong napapaiyak sa mga thought na iyon. Pinunasan ko ang luha ko sa aking Mata at plastic na ngumiti sa sarili.

Siguro naman kaya ko diba? Babalik lang naman ako sa dating wala pang Jasper sa buhay ko.

Katulad nga ng sinabi ko kay Enid. I can handle it.

Sana, sana lang talaga.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now