One

6.9K 192 5
                                    

One

Kaagad akong napabalikwas habang tamad na tamad na pinatay ang alarm clock na hindi matigil sa kakatunog. Pinatay ko lang ito at naupo na sa kama habang nagiinat inat.

Nagtungo kaagad ako sa banyo para makaligo at makapasok na. Inabot lamang ako ng ilang minuto roon at lumabas na ng nakatapis, naghanap ako ng medyo formal na damit at nag-make up at siniguradong nakalock ang pinto sabay umalis. Halos patakbo na ang ginawa ko habang patungo sa sakayan ng jeep, sila Mommy naman kasi kinuha pa ang sasakyan ko. Nahihirapan pa tuloy akong mag-comute papasok.

Iyon bang pakiramdam na ang ganda mo pumasok, mandirigma kana dumating sa trabaho. Hay! Buhay trabahanti.

Masigla akong binate ng mga estudyante ko, kaya kahit na medyo pagod ay ngumiti din ako sa kanila bilang tugon. May ibinigay lamang akong mga ilang pahina sa libro nila at iniwan ko na muna sila sandali.

Nagtungo ako sandali sa Teacher Office upang kunin ang natitirang materyales na gagamitin ko sa pagtuturo ng kumunot na naman ang noo ko dahil sa makakasalubong ko.

Andito na naman siya?

Ngumiti ito ng napakalapad at babatiin sana ako kaso inirapan ko lang siya at pumasok sa Teacher Office, kinuha ko lang ang mga kukunin kong materyales at lumabas na ulit.

Mabilis niya akong hinarangan sa pinto. Tinitigan ko siya ng kakaiba.

“Ano na naman ba ang kailangan mo?” iritableng sambit ko sakanya.

Ngumingiti parin siya na parang tanga. Asan na yung pagiging maldito niya kahapon? Bakit instant change kaagad siya ngayon. Huwag niya sabihin saaking may multiple personality disorder siya.

“Wala lang.” nakakalokong sambit niya.

“Tigilan mo yang pag-ngiti mo, mukhang kang tae” ani ko at nilisan na siya. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya sa sinabi ko.

Naramdaman ko ang biglang pagvibrate ng phone ko habang naglalakad palayo sa mokong na iyon. Pagtingin ko sa caller ay si Mom ito.

“Yes Mom.” Tanging tugon ko.

“Good Morning…” kaagad kong sinamaan ng tingin itong lalaking parang tangang nasunod sunod saakin.

“Bakit Ma?”

“Free ka ngayong Saturday diba? Pumunta ka sa Manila Hotel, doon ka maghintay sa may Restaurant doon. Balita ko masarap daw ang pagkain doon.”

“Bakit?”

“May blindate ako para sayo.” Sinamaan ko ulit ng tingin itong lalaking panay ang sunod saakin.

“Ma, ayoko niyan.” Pagrereklamo ko.

“Elren, sumunod ka na lang at wala namang mawawala kung ime-meet mo yun. Gusto ko ring mag-ka apo Anak.” Napahinga ako ng malalim at tsaka nag goodbye sakanya sa kabilang linya.

Huminto narin ako sa paglalakad at tiningnan ng masama itong lalaking ito.

“Ano bang problema mo?” inis na turan ko sakanya.

“About sa will” napairap ako sa kawalan.

“So?”

“We need to discuss about it” itinaas niya ang kamay niya tanda ng pagsuko “Hindi na kita pagsasabihan ng mga masasakit na salita. Nabigla lang din ako kahapon.” Aniya

“Pero napapaisip pa din ako, paano mo nga pinikot sila Lolo?” dugtong pa niya
Inibahan ko siya ng tingin at lumapit sakanya. “Ganito mo ba binibihag mga babae mo. Hindi uubra saakin yan.” Tanging naging sambit ko at naglakad na ulit.

“Hindi ah, y-yung about sa will-“ humarap ulit ako sakanya.

“Hindi pa ba kayo tapos sa pag-i-scam sakin? Kahapon pang sarado ang isip ko sainyo at lalong lalo na sayo.”

Napahinga siya ng malalim at tumingin saakin. “Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na hindi nga kami nang-i-scam.”

“At ilang beses ko din bang sasabihin sainyo at sayo na hindi rin ako interesado?” pumasok na ako sa loob ng klase, naiwan ko na itong may sasabihin pa sana saakin sa labas.

Yung kaninang iritableng emosyon ay pinalitan ko ng masaya habang nakaharap sa mga bata. Lumipas ang oras ng napakabilis at ngayon ay uwian na.

Napahawak ako sa aking batok habang naglalakad na palabas ng school ng biglang humarang na naman saakin ang lalaking ito.

Hindi pa ba siya umuuwi? Huwag niya sabihing maghapon lang siyang naghintay saakin.

“Naghintay ka maghapon?”

“Hindi no’ kakarating ko lang. Di naman ako magaaksaya ng oras di-“ Ano pa bang aasahan ko sakanya. Still jerk. Tss.

“Bakit inakala mo ba na naghintay ako?” nakakaloko pa siyang ngumingiti ngunit agaran ko ng tinalikuran at naglakad.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“None of your business.”

“Matapos kitang hintayin dito” so naghintay nga talaga siya. Buti nga sayo.
Palihim akong napangiti sa sinabi niya at naglakad lang.

“Hindi ba natin paguusapan yung sa Will?” sigaw niya habang nakakalayo na ako sakanya.

“Hindi ako interesado. Maghanap kayo ng ibang maloloko.” Sigaw ko din.

~*~

Nakita ko na naman ang sarili ko sa loob ng Bar na palagi naming iniinuman ni Enid. Nakakamiss lang yung babaeng yun, hanggang ngayon wala parin siya. Masyadong sinusulit ang Honeymoon nilang dalawa.

Tinungga ko ulit ang isang baso ng vodka.

“Wala ata kayo kasama ngayon.” Napangiti ako sa sinabi noong Bartender.

“Wala, nasa honeymoon.” Simpleng sagot ko.

“Kinasal na pala si Mam Enid.” Nakakaloko akong tiningnan nung Bartender.

“Kayo po Mam kalian?” Aba, bastos to ah.

Napangisi ako ng mapakla. “Mukha ba akong may jowa?”

Biglang natahimik si Kuya at binigyan ulit ako ng maiinom…
“So kung wala po kayong jowa, bakit po kayo palaging nainom?”

“Hindi naman siguro para sa may jowa ang pagiinom diba? Gusto ko lang, bakit ba ang dami mong tanong?” sinamaan ko na siya ng tingin. Natawa naman siya sa tinuran ko at hindi na ulit nagsalita.

Biglang sumama ang timpla ko ng may biglang tumabi sa tabi ko.

“Ren?” hindi makapaniwalang tanong niya saakin.

“Yup.” Tipid na sagot ko at hindi na ulit tumingin sakanya.

“Woah, sinong magaakala na makikita kita dito. Tanda mo pa ako?” aniya.

“Ou.” Walang ka-inte interes na sagot ko.

“Saan ka ngayon? Si Enid nasaan?” tanong niya kaagad saakin.

Binigyan ko siya ng pamatay na tingin. “Hindi mo ba nahahalata na ayaw ko makipag-usap sayo.”

Napangisi naman kaagad siya… “Simula nung High School ayaw mo saakin, pati rin ba ngayon. Sige na doon na ako sa mga kasama ko, but it’s nice to see you again.” Inirapan ko nalang siya. Mukhang napahiya ko ata siya. Bahala na.

Pwes, it’s not really nice to see you again.

Natatamaan na ako ng alak ng mapasulyap ang tingin ko kay Rem na nakikipag-kwentuhan sa mga kasama niya. Napasmirk ako habang tinitingnan siya.

Ang dahilan kung bakit ayoko ng magmahal ulit. Pst!

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon