Eight

4.2K 138 10
                                    

Eight

Jasper POV

Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina, She's really incredible. Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho ng bigla akong makatanggap ng tawag galing kay Jel.

"Yes." sagot ko.

"Where are you, we're already here. Ikaw nalang hinihintay." aniya. Kaagad akong napa-uturn dahil sa nareceive kong tawag. Nakalimutan kong may meet-up nga pala kami ngayon. Pagkarating ko roon ay isa-isa kaagad akong sinasalubong ng mga bawat babaeng nakakakita saakin. Mapang-akit ko lang silang kinindatan habang isa-isa silang humahalik sa pisngi ko.

If Elren see me like this, maniniwala na kaya siya na hindi lang ako basta basta sinasabunutan, I am really starting to like that woman. Tamad akong naupo sa kung nasaan ang Tatlo, matatalim nila akong pinagtitinginan. Napakibit balikat na lang ako habang nagsasalin na ng alak sa baso.

"What?" kaagad silang nagiwas ng tingin at sinuri ako ng maayos.

"Tell us, whats with that annoying smile?" tanong ni Jel saakin.

"None. Im not smiling." madiing sambit ko.

"Then wheres your girl? We thought papakilala mo na." ani pa ni Rio saakin.

"Chillax lang guys, Elren is not that kind of girl na sasama lang saakin ng basta basta." Pilyo nila akong tinuro turo.

"So Its Elren, Elren?" makahulugang tanong ni Jel.

"Elren Vasquez." sagot ko sa mga tanong nila.

"So Elren Vasquez pala ang pangalan ng papakasalan niya." ani ni Rio.

"So how was it? Pumayag ba?" Napairap ako sa mga pangaasar nila saakin.

"Nope but we can date instead." Biglang nanlaki ang mga mata nilang dalawa.

"Seryoso tinanggihan ka?" kaagad akong napasulyap sa tahimik na si Raiden. Napansin ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Did he just smile? Parang ang tagal ko ng hindi siya nakikitang ngumiti.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko dito sa dalawang naghihintay ng isasagot ko. "Ou nga." Inilabas ko ang papel na kaninang hapon pa nasa bulsa ko.

Ito yung Contract namin na medyo nalukot na.

Wala akong nakita sakanila kundi ang nakakainis na paghalakhak, walang humpay din ang pagpapalakpak nila na animoy natutuwa sila kay Elren.

sapilitan kong kinuha ang Cotract na hawak nila.

"I am wanting to meet that girl, she is just impressive." Inibahan ko ng tingin si Rio.

"I mean siya pa talaga nagsulat na Never Fall In Love, did she know that you are every womans dream?" dugtong na tanong niya.

Nahihiya akong tumango sa sinabi niya.

"Really..." sabay silang nagtawanan ni Jel.

Napainom na naman ako ng alak habang iritable sa mga nagiging reaksyon niya.

"Is she really sure na hindi siya maiinlove sayo?" pangaasar pa lalo nila saakin.

"Siguro." wala sa loob na sagot ko.

"Ginamitan mo ba ng mga linyahan ng isang Jasper?" ika ni Rio.

"Yep."

"Then anong sinasabi sayo?"

Sandali akong napaisip. "Tomboy daw siya at walang epekto sakanya ang mga sinasabi ko" Mas lalong hindi ko na sila makausap ng matino dahil sa sobrang tawa nilang dalawa. Fuck.

Dating In ContractWhere stories live. Discover now