Twenty
May pilyong ngiting sunilay sa labi ko habang tinititigan siya na ngayon ay nasa harap na namin ni Martin.
"Excuse me, Do I know you." Tanong nito sa seryosong nakatingin na si Jasper sa harap ko.
Tinititigan niya ang kamay nung Martin na nakakapit sa balikat ko. Napahalukipkip ako.
"Mind if you get your hands off of her." Napainom ako ng juice dahil sa tono ng pananalita niya.
"Excuse me?"
Hinayaan ko silng magpalitan ng mga salita habang ako naman ay napapahalukipkip lang. Proof pala ah, ayan palamon ko sayo ang proof na yan.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko ng iniluwa kami Hotel.
"What are you doing?" Galit na litanya niya saakin. Napangisi lang ako ng mapakla.
"You said to me that you need proof diba? Then thats it." Lumapit ako ng napakalapit sakanya. "Hindi mo naman kasi nililinaw na ako pala dapat ang magselos."
Blanko ang reaksyon ng mukha niya habang titig na titig saakin.
"And by the way, its not me who wants to date that guys, Mom." Paglilinaw ko, mamaya kasi pagisipan na naman ako ng lalaking ito.
Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay niya at pilit na pinakalma ang sarili nito. Hinila niya ako paalis doon at sapilitang dinala sa kotse niya.
"Yah, dala ko sasakyan ko." Sabi ko sakanya. Kumakawala ako sa loob ngunit ang bilis niyang masarado ang pinto. Naiinis ako!
May pasok pa bukas at kailangan ko yung sasakyan ko.
Iritable akong naupo habang hindi siya pinapansin, nakatingin lang ako sa labas habang pinapatay na siya sa isip ko.
Ilang minuto siyang nagmaneho o baka oras. Hininto niya ang sasakyan sa mataas na lugar na kung saan ay makikita mo ang nagagagandahang gusali at mga ilaw na likha ng mg iyon.
Ayoko sanang bumaba pero hinigit na naman niya ako palabas doon.
"Ano ba!" Pagpupumiglas ko.
"We need to talk."
"Wal kong sasabihin"
"Ako madami." Sabi niya. Napasandal ako sa pinto ng sasakyan habang nakatungkod na naman ang dalawa niyang kamay sa pagitan ko. Iniwas ko ang tingin sakanya.
"Yes, I admit. I am jealous. I. Am. Fucking. Jealous." Pinilit kong itago ang namumuong ngiti sa labi ko.
"So?" Tinitigan ko ang mga mata niya.
"But I am resisting myself to fall in love with you. Because of that goddamn contract." Frustrated siyang nakatitig sa mga mata ko.
"So if you dont want me to ruin all your Blind date, just please think of me. We only have 21weeks. I only have 25 days to date you. Please make it memorable with me."seryoso ang boses niyang sabi saakin.
Napalunok ako sa mga titig niya.
"Pagiisipan ko." Tanging naging tugon ko at lumayo na siya saakin.
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan siyang nakamasid sa paligid.
Nakatitig lang ako sa likod niya.
"About sa nangyare nung nakaraang gabi" tumingin siya saakin. Hindi ako makatingin sakanya kaya pinilit kong yumuko na lamang.
"Im sorry, galit lang ako nung mga oras na yun." Naramdaman ko ang pagtabi niya saakin at sumandal na din sa kotse niya.
"I know." Malambing na sabi niya. "But next time make sure na sinasabi mo saakin lahat." Tumingin siya saakin. "And also dont ever ask me again if I am your boyfriend because I am."
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
"Then sino yung kasama mo kanina?" Nanlaki ang mata ko sa naging tanong ko. Omo!
Humarap siya saakin at pinaningkitan ako.
"Hindi ako yun." Pagtatanggi ko. Mas lalong lumawak ang ngiti niya."Hindi rin ako." Sabi niya.
Lumapit siy saakin. "So you are also jealous ha."
"Tss. Asa!"
"Then bakit mo tinatanong?" Napalunok ako sa sinabi niya. Peste kasing bibig to ayaw nalang manahimik.
"Wala lang, nagtatanong lang." Kinorner niya ulit ako. Nakatungkod na naman ang mga kamay niya sa pagitan ko. Hinuhuli niya ang mga tingin ko.
"Ang babaero mo." Sabi ko sakanya mas lalong lumawak ang mapang akit niyang ngiti.
"Bakit? Nakukuha na ba kita?" Nagtama ang mga mata naming dalawa.
"H-hindi, mga galawang babaero kasi ang posisyon mo ngayon."
"Psh!" Tagos sa sistema ko ang mga titig na binibigay niya. Napalunok ako.
"Dalawang beses na din kitang nahuhuling nakikipag date." Bulalas niya.
"So?"
"I want you to stop it." Aniya.
"Then kausapin mo Mom ko, siya naman may gusto nun"
"Really, then gusto mo narin bang ipagpaalam ko na yang kamay mo." Pinaningkitan ko siya ng mata. At mas lalo siyang lumapit saakin hangang sa naramdaman ko na ang bawat paghinga niya sa tenga ko.
"Because I will ask their permission to marry you." Biglang kumabog ng napakalaks ang puso ko at naitulak ko siya.
"S-subukan ko lang." Nauutal na sambit ko. Nakakaloko na naman siyang ngumiti.
"I am expecting na ba na wala ng Blind date akong makikita?" Hindi ako makasagot sa sinabi niya.
Napatitig lamang ako dito at hindi ko malaman ang nararamdaman ng puso ko. Para akong tumatakbo ng milya milya sa sobrang lakas ng kabog nito.
Hindi ko na din mabilang kung nakailang lunok na ba ako dahil sa presensya niya.
Lumayo ako ng konti sakanya upang maghanap ng hangin. Pakiramdam ko ikamamatay ko ang pagbilis ng puso ko.
Naupo ako sa damuhan at pilit na pinakalma ang sarili, ipinikit ko din ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pgdampo ng labi niya saaking pisngi.
Sa pagdilat ng mata ko ay nakita ko ang mapupungay na mga mata niya.
Handa na ba ako? Handa na ba akong mahulog sayo? Sasaktan mo rin ba ako? Mamahalin mo din ba ako?
Sana sabihin mo ng mas maaga, para titigilan ko na.
Am I really falling to this womanizer guy?
Handa na ba akong sumugal ulit?
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
Dating In Contract
General FictionElren Vasquez is a No Boyfriend Since birth type of a girl, handa na siyang tumandang dalaga. Jasper Darwin Madrigal is a playboy at handang handa na itong maglaro ng samut saring babae, what if they meet not by accident but they are bind to meet be...