Twenty Seven

3.2K 99 0
                                    

Twenty Seven

“Ma’am kaya niyo pa po ba?” naramdaman ko ang pagalalay saakin ni Tony. Para akong tangang tinitingnan siya habang tumatango. Hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa dami ng nainom ko but still kailangan ko paring umuwi.

“Gusto niyo po bang tawagan ko ang boyfriend niyo” Winawagay way ko sakanya ang hintuturo ko. Para sabihing hindi na.

“No. Baka makaistorbo ka pa.”

“Pero!”

Tumayo ako ng tuwid at mapupungay na tumingin sakanya. “Kaya ko pa.” at ngumiti ulit. Palihim akong umalis sa Bar na iyon at kinuha ang Bag ko, naglapag lang ako ng cash sa Counter at tuluyan ng umalis. Hindi na rin ako nagpaalam sa busy na si Tony dahil alam kong pipigilan lang niya ako.

Nahihilo akong kinukuha ang sasakyan ko ngunit hindi ko ito makita kaya nag-grab na lamang ako ng taxi. Ilang minuto akong paupo-upo sa kalsada habang napapsimangot sa tuwing nilalagpasan ako ng Taxi.

“Yah! Magbabayad ako.” Sigaw ko sa isang taxi na dumaan.
Nakakalima na sila at limang beses na din nila akong tinatakasan. “ANO BA!” sigaw ko doon. Winawagayway ko pa ang Bag ko at naglalakad sa kalagitnaan ng kalsada.

Para akong baliw na tumatakbo sa bawat sasakyan na nakikita ko.  May humintong isa at sinigawan ko.

“Huy, kung magpapakamatay ka. Huwag mo kaming idamay!” napasimangot ako at pilit na idinilat ang aking mga mata. Blurred siya sa paningin ko.

“Hindi ako magpapakamatay Kuya, gusto ko lang umuwi ng maayos.” Balik kong sigaw sakanya. Matapos nun ay pinaharurot niya na ulit ang sasakyan.

“SUPLADO.” Sigaw ko dito bago tuluyang mawala sa paningin ko ang ilaw ng sasakyan niya.

Naupo ako ulit sa gilid ng kalsada at nagbilang ng mga sasakyan. Napatingin ako sa buting walang humpay na kumikinang sa paningin ko.

I wish I was that too…

And then suddenly, may taxi nang huminto sa harap ko. Galak na galak pa akong sumakay doon at sinabi ang buong address ng tirahan ko. Kapansin pansin din na parang may katabi ako. Tiningnan ko lang siya at malapad na ngumiti.

Para siyang babae sa paningin ko.

“Okay ka lang po ba diyan Mam?” narinig kong tanong saakin nung Driver.

“Yes Sir.” Sabi ko pa dito with military salute.

“Mukhang lasing po ata si Ma’am, akala niya pinapasakay ko siya.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“No its okay. At least naging good Samaritan ako kahit ngayong gabi lang…” sagot nung babae. Tinitigan ko siya ng maigi dahil ang labo labo talaga ng mukha niya saakin.

Nginitian ko siya ng nakakaloko habang napapapikit na ang aking mata.

“Are you living in that Condominium?” Nagising ako at sumagot ulit. “Yes Sir.” Hyper na sagot ko ulit.

Narinig ko ang halakhakan nila sa loob ng sasakyan kaya sumali din ako. Omygod. Why I can’t control myself?

Napansandal ulit ako at kumuha ng pera sa Bag ko. Dali-dali kong inabot ito sa Driver with matching tips pa at tsaka nagpaalam ng makita ko na ang nag-gagandahang building sa harap ko.

“Thank you and Good night.” At sinarado ko na ang sasakyan.

Hindi ako makaayos sa paglalakad habang humahakbang patungong Elevator. Binati din ako ng mga staffs at isa isa ko lang silang pinagkikindatan.Pagkapasok ko sa Elevator ay hinintay ko lang ang pagtunog at paghinto nito.

Napahinga ako ng malalim habang binabagtas na ang kahabaan ng Hallway patungong Unit ko. Ngunit bago iyon ay masama akong tumingin sa kaharap ng Unit ko at sinipa ang pinto nito.

“HOY! Akala mo siguro. Naiinis ako sayo… Nang-gigigil ako. YAAAH!” para akong baliw na kinakausap ang pintuan ng Unit niya.

Bigla ko na namang naalala ang sinabi saakin ni Tony. Omygoddddd! Ang inosenteng isip ko ay narurumihan.

Sinipa ko ulit ang pintuan niya and this time mas malakas kaya mas nagimpact sa paa ko ang sakit.

“ANG SAKIT!” daing ko doon at napasandal sa pinto niya at--- Naramdaman ko ang biglaang pagbukas nito, at…

Napalunok ako dahil maagap niya akong nasalo.

“Lasing ka ba?” sabi niya. Napalunok ako sa posisyon naming dalawa. Nakahawak siya sa likod ko habang sinasalo ako, nagkatitigan kaming dlawa.

“No.” mabilis na sagot ko. Ang labo niya sa paningin ko.

“Yah, bakit mo ba bigla biglang binubuksan ang pinto?” Bigla akong namula. Kumawala ako sa pagkakahawak niya at tumayo ng maayos ngunit naisip ko, hindi nga pala ako makatayo ng maayos dahil sa alak.

“Malay ko ba na ikaw ang nagwawala sa labas.” Nakita ko pa ang paghalakhak niya sa harap ko.

“…At-at hindi ako lasing. Ano ba!” Lumapit siya saakin na animoy hahalikan ako. Pero inamoy niya lang ako.

“Hindi pala Lasing ah.” Napasandal ako sa pinto niya dahil umiikot na naman ang paningin ko.

Pinaningkitan ko siya dahil blurred talaga ang paningin ko sa paligid. Naalala ko na naman ang sinabi saakin Tony.

Lakas loob akong humakbang papasok sa Unit niya pero ang dami kong nababangga na gamit dahil sa way ng paglalakad ko. Naninigurado lang ako na baka nandito pa si Girl.

Naramdaman ko ang pagalalay niya saakin hanggang sa maupo ako sa couch niya. Napapapikit nadin ang aking mga mata dahil sa epekto ng alak.

Pero paano yung babae? kailangan ko pang siguraduhin na wala dito yun. At kailangan ko pang makasigurado kung ano ba ang ginawa nila dito.

Bigla akong kinabahan sa mga naiisip ko at pinilit na tiningnan ang lalaking nakatalikod saakin. Kahit na malabo siya sa paningin ko, malinaw na malinaw sa bawat tibok ng puso ko ang anyo niya.

At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, nakikita ko nalang na naglalakad ako patungo sakanya.

At walang alinlangang niyakap siya ng patalikod.

“Hindi mo naman ginawa yun diba?” huli kong sambit at tuluyan ng nakatulog. Damn this alcohol.

Hindi ko man lang nasulit ang bisig niya.

VOTE, COMMENT

Dating In ContractWhere stories live. Discover now