Forty Three

3.4K 110 0
                                    

Forty Three

Tamad kong inilapag ang dala dala kong bag sa Unit ko. Tiningnan ko din ang sarili ko sa salamin. Omygod! Naging Tan ang kulay ng katawan ko, ang mala porselana kong kulay ay naging kayumanggi and yet I love myself for that. Mas bumagay saakin ang ganitong kulay ng balat.

Sino ba naman ang hindi mangingitim sa araw-araw kong pagbibilad sa araw. Dagat ang naging panangga ko upang makalimot sa pait ng ibinibigay saakin ni Jasper.

Tinext ko kaagad si Mom upang ipaalam na nakabalik na ako.. Bago na din ito dahil nawalan na ako ng pag-asa na mahanap ang luma at tama na rin iyon para wala na akong kontak sakanya.

Narinig ko ang pag-alingawngaw ng doorbell sa loob ng unit kaya agaran ko naring binuksan iyon. Nakita ko si Jelan na may bitbit na iba kong gamit. Nahihiya kong kinuha ito sakanya at nagpasalamat. Matapos nun ay naligo na lamang ako para makatulog na, medyo late na din kasi. Bukas ko nalang aayusin ang mga gamit ko.

Bago tuluyang mapapikit ay napatingin muna ako sa kisame ng kwarto.

Now that I am back to reality, I just hope that all the things that were going to happen are in favor on me.

~*~

Nagising ako sa maingay na tunog ng doorbell, inaantok pa akong pinagbuksan ito ng makita ko ang natutuwang mukha ni Mom.

Mabilis niya kaagad akong niyakap at hinalikan. "Ma naman, hindi na ako bata." Pagmamaktol ko sakanya.

"Namiss lang kita." Hinila niya ako patungong kusina at katulad ng mga palagi niyang ginagawa ay pinupuno na naman niya ng mga grocery ang loob ng ref ko. Tinulungan ko lang siya doon habang humihikab hikab pa.

"Kailan ang start ng klase mo?" tanong niya saakin.

"Next week. Magiging busy ako this week for all the preparation and Lesson Plan na gagawin ko." Sabi ko sakanya.

"Pero ngayong weekend ay mamaya hindi naman diba?" kinunutan ko siya ng noo. Alam ko na ang sasabihin nito.

"Why? May papadate kana naman saakin?" paguuna ko skanya. Nakangiti siyang tumatango tango.

"Haist! Ou na, sige na. Wala naman akong magagawa." Pagsusuko sa kanya.
Lumapad ang ngiti ni Ma'am habang nakabusangot naman ako. Sinuri niya rin ang kabuuan ng mukha ko.

"Youre skin look nice." Pamumuri niya saakin. Kaagad nagdiwang ang dalawa kong tenga dahil sa sinabi ni Mom. Lumapit siya saakin at bumulong. "Bagay sayo, sana makuha mo ang lalaking ipapa-date ko sayo ah." Sinamaan ko siya ng tingin at tsaka niya hinampas hampas ang pwet ko. Kakaiba talaga mag lambing tong si Mom.

After ni Mom umalis ay natulog ulit ako. Maaga pa naman para doon sa Date na sinasabi niya.

Paggising ko ay mabilis kaagad akong napabangon. Gosh! Papatayin na naman ako ni Mom. Naligo kaagad ako at pumili ng sususoting damit. Isang simple dress at doll shoes ang sinuot ko, sinamahan ko rin ng sling bag. Pagkalock ko ng pinto ay nakangiti akong sinalubong ni Enid at Jelan. Inaabangan ba talaga nila ako?

"Enjoy your date." Sabay sabay pa na sabi nila. Nagtataka ko lang silang tiningnan habang naglalakad palayo.

Teka papaano nila nalaman na may date ako? Di bale na nga lang. Pagkarating ko ng Parking ay inistart ko na kaagad ang engine ng sasakyan at dali-daling nagtungo sa venue na sinabi ni Mom. Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa Hotel na pagkikitaan namin, hinanap ko siya sa Restaurant doon at sa di inaasahang pagkakataon ay napangiti ako ng malapad.

Ito na ba yung sinasabi ni Jelan na may handang sumalo saakin.

Ang lapad ng ngiti niya habang winawagayway ang kamay niya saakin.

Naglakad ako patungo sakanya at napapangiti. "Yah." Ang feeling ko ngayon ay yung para bang first time niyo ulit magkita ng kaibigan mo after long years. In short, excitement.

Sabay kaming naupong dalawa habang may lumapit na waiter para kuhanin ang order naming dalawa. After nun ay sabay uit kaming napangiti. Nakakaloko niya akong sinuri.

"Balita ko galing ka daw bakasyon, kaya siguro blooming ang skin mo ngayon." Pamumuri niya kaagad saakin.

Napangiti ako. "Hindi, sadyang pinaghandaan ko lang talaga ang pagkikita nating dalawa."

"Kamusta ka? Noon pa kita gustong makita pero ayaw akong payagan ni Jelan. Ewan ko ba doon." Kasag-sagan siguro iyon nung contract pa.

"Im doing fine. Of course. Teka wait, so ibig sabihin nakilala ka ni Mom?" tanong ko sakanya.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Yep, pinakilala ako ni Jelan. For their permission na makipag blind date sayo."

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya, seryoso talaga siya na i-date ako? Why?

Para namang ang desperada ko na magkaroon ng asawa sa pag-approve ni Mom. Nakakahiya. Napuno ng tawanan ang mga oras na iyon, ang dami niyang kwento saakin. About sa nangyare sakanya. Nakakaaliw lang.

9:00 pm na ng gabi kaya nagdesisyon na akong magpaalam, nag-insist siya saakin na ihahatid ako pero hindi na ako pumayag. Dala ko din kasi ang sasakyan ko. Hinayaan ko nalang na ihatid niya ako sa labas ng Hotel bago siya tuluyang bumalik sa loob.

Hinintay ko sandali ang kotse ko na kinukuha pa ng staff at napatingin sa kotseng huminto sa harap ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng iniluwa nito si Jasper habang may nakapalibot kaagad sakanyang mga naka-tuxedong lalake.
He must be dealing something in their company kaya ang daming nakapalibot sakanya. May lumabas din sa kabilang sasakyan na Amerikanong babae.
Nagtama ang paningin naming dalawa pero maagap kong inilayo ang tingin ko sakanya dahil alam kong manghihina na naman ang tuhog ko kapag pinapatuloy ko ang pagtitig sakanya.
Naglakad ako sa sasakyan kong huminto na sa harap ko. Iniabot saakin nung staff ang susi kaya walang alinlangan akong nagtungo at pumasok na doon.

Nanginginig ang kamay kong minaneho iyon at nang makalayo na sa Hotel ay nakatulala kong inihinto ito sa gilid ng daan at tsaka napayuko sa manibela at pilit na pinakalma ang naghuhurmitado kong puso.

Madiin akong napapikit habang hindi mawala wala sa isip ko ang mga titig na pinupukol niya saakin kanina. Why I am seeing sadness in his eyes? Diba sapat mas masaya siya?
Akala ko wala na, 2 months na akong sigurado na wala na akong mararamdaman sa oras na mag-krus ulit tayo ng landas. Pero bakit ganun? Makita lang kita, bumabalik na naman ang sakit? Bumabalik na naman ang will kong yakapin ka?

VOTE, COMMENT

Dating In ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon