Chapter 1

6.7K 187 40
                                    

APRIL 2018

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

APRIL 2018

Inayos ko ang aking sumbrero para masiguradong matatakpan ng husto ang aking mukha. Baka kasi masilaw ako sa malakas na sikat ng araw. I need to grab some groceries today. 

"Ate Elyse! May mga bago ka bang dramas?" tanong agad sa akin ni Anne nang makalabas ako ng pintuan. Isa siya sa tatlong estyudanteng nakatira sa dating unit ni Klara. 

Sa ngayon ay nasa kalagitnaan sila ng pagkakarton ng kanilang mga gamit. They just graduated last week and are set to totally vacate the house tomorrow. Ganoon kabilis dumaan ang apat na taon. Parang kailan lang nang lumipat sila dito. Ang awkward pa dati dahil sa age gap pero nang malaman nila na nanonood ako ng Korean dramas, aba'y parang naging instant best friends kami.

I didn't mind. They're good and hardworking kids. 

"Sorry, wala pa. Lately, I've been binge watching crime shows and reading espionage themed books. Kailangan pa ba ninyo ng tulong?" tanong ko. Mukhang nasa taas ang dalawa niyang kasama.

"Ouch, sayang. Gusto ko pa sanang mangopya ng completed ones para may mapanood ako bago ang simula ng review. Ate, last day na namin bukas. Thank you so much sa lahat, lalo na sa pagtulong noong thesis namin. Sisilip raw pala dito mamaya 'yong papalit sa amin. Sana makasundo mo siya," she replied.

"No worries. Good luck sa inyo, ha? Aabangan ko ang resulta ng exams. Ah, may susunod na kaagad? I had no idea."

"Hindi ka naman kasi lumalabas, Ate e. Baka nakakulong ka nang i-check niya itong house. Paano ka makakahanap ng boyfriend niyan?" pagbibiro niya. 

"Hindi talaga ako makakahanap dahil hindi naman ako naghahanap."

"Ate Elyse talaga. Sayang ang beauty mo. Ang tsismis pala ng landlord natin ay single na lalaki raw 'yong papalit sa amin. O ha? Parang ikaw. Baka this is it na, Ate!" Pumalakpak pa talaga siya.

"Huwag kang nagpapaniwala sa chismis. Sige, aalis na ako," paalam ko na.

"Joke lang po! Ingat, Ate!" tugon ni Anne bago bumalik sa ginagawa. She blasted Best of Me by BTS on her phone's speaker. I smiled. 

I've accidentally discovered BTS, a Korean boyband, at a TV music show. Now, it's been years and I've became a real fan of the group. Sa katunayan nga'y kaka-anunsyo lang earlier this week na sa May na ang comeback ng BTS. I've also already placed my pre-order for the albums and bought all four versions of it. 

Bukod kina Anne, si Klara ang isa sa may alam na sobrang sinusuportahan ko ang BTS. Dahil nga sa kakabanggit ko sa grupo ay nakikinig na si Klara sa music nila. Save Me ang una kong ipinadinig sa kanya and voilà, she started checking out the group as well.

Siguradong pag-uwi niya this June ay mas titindi ang aming pagfa-fangirl. But we're hardly 'girls' now. Ano ang dapat itawag sa amin? Tita fans? Masyado naman yatang harsh 'yon.

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon