Chapter 19

3K 152 24
                                    

Tamang malapit na kami sa CHAOS nang magising ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tamang malapit na kami sa CHAOS nang magising ako. Halatang-halata na rin sa mukha ni Erex ang pagod. Nang tanungin ko kung bakit hindi kami dumiretso sa burger place, sinabi niyang kukunin lang daw niya ang files na kailangan niya bago kami kumain.

I got the chance to go online para mabalitaan ko sina Klara at Kuya JJ. They were really worried dahil ilang oras na nila akong hindi ma-contact. But I guess my brother has already gotten in touch with Erex dahil hindi na siya ganoon kagalit sa latest messages niya. 'Di ko na rin muna tiningnan ang sangkatutak na tags sa akin sa Facebook.

"Giniginaw ka?" tanong ni Erex nang magpansin ang konting panginginig ko nang makalabas kami ng sasakyan.

"Hindi."

"Use this." Tinanggal niya ang kanyang suit jacket at inabot sa akin. Ni hindi ako makatanggi kasi talagang binitawan na niya ito. Ipinatong ko na lang ito sa aking balikat.

Nagpasalamat ako pero hindi niya yata iyon narinig. Nauuna na kasi siyang maglakad kaya't tahimik lang akong sumunod.

Late na at akala ko'y wala ng tao sa building pero marami pa rin kaming nakasalubong. Lahat sila'y awtomatikong bumati kay Erex, who in return, just nodded at them. Not even a smile. 

"Doon na lang yata ako sa lobby maghihintay," paalam ko kay Erex nang makatapat na kami sa elevator.

Sa itsura pa lang ng ibang nakakita sa amin, parang alam ko nang pag-uusapan nila kami. Kaya hangga't maari, mas maiging hindi na ako sumama sa taas.

"Sure?" aniya. Nakatuon na kasi siya sa phone niya.

"Oo. Mabilis ka lang naman, 'di ba?" 

"Give me ten minutes."

"Okay. Hihintayin kita."

Bigla siyang ngumisi and it's not his usual annoying one. He seem delighted. Ibinulsa niya ang kanyang phone para harapin ko.

"Ano?" Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng suit jacket ni Erex na suot ko. Bakit ako kinakahabahan?

"Dahil nakakagaan sa loob ang sinabi mo," he answered while running his hands through his hair. That...

"A-alin doon?" panlilinaw ko. I can just dismiss the conversation but why am I fishing for more? 

"Na hihintayin mo ako." 

Nagtitigan kami, tila nagpapakiramdaman. Shit, what's wrong with me? I think my heart's about to jump out of my chest. Ang lapit namin sa isa't-isa and if this were a movie, this'll be the best moment to kiss.

Napalunok ako.

"Get a room you guys."

Halos tumalon ako palayo kay Erex nang marinig ko iyong nagsalita. I felt so embarrassed that I immediately looked down.

"Jen, what are you doing here?" Erex said stiffly. 

Tiningnan ko kaagad ang kausap niya. Si Jen nga at siya ang nagsalita kanina lang. Hindi na nga lang niya kahawig ang nasa litratong nakita ko.

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon