Chapter 11

3.5K 129 15
                                    

Perfect ang timing ng video call ni Klara dahil kailangan ko ng tulong niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Perfect ang timing ng video call ni Klara dahil kailangan ko ng tulong niya. Actually, nag-message na ako sa kanya kanina. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na idetalye sa kanya ang mga nangyari nitong huli hanggang sa iyong kaninang umaga.

"Err, not that," sabi niya kaagad nang makita niya ang floral maxi dress na hawak ko. I received her call using my laptop so that I can freely move around.

"I need to choose two. Para sa rehearsal this Tuesday and then for the reception. Blush pink ang color ng gowns at gold yata ang theme ng reception," paliwanag ko.

Sunod-sunod akong dumampot ng bestida na ipapakita sa kanya. Talagang mas maasahan si Klara sa mga ganitong bagay. If it were me, I'd just pick anything. But it's a little different this time. 

"Use that khaki 3/4 sleeve lace dress for the rehearsal. I read your lengthy message. Mas marami ka ng kuwento kaysa sa akin. First time in a while! But for real, sino ba talaga itong si Erex and is he that amazing? And why do you always refer to him as a hoodlum? Nasaan na nga kasi 'yong hinihingi ko na picture para makita ko kung gaano ba ka-smooth ang long hair niyan."

Itinabi ko ang sinabi niyang damit. I showed her the next batch. 

"Hindi na mahaba ang buhok niya. I guess career wise, he's amazing. Pero pagdating sa personality? No comment."

"No comment daw. You just asked him to be your date sa kasal!"

"More like a chauffeur."

"At pumayag naman siya na maging driver mo lang? Oy ha, umamin ka nga. Attracted ka kasi talaga sa kanya ano? No, wait. You mentioned an ex. Sa tingin mo he's not over her yet? If so, as early as possible, umiwas ka na. Baka masaktan ka lang."

"Ang lalim naman ng hugot mo. Based from experience?" natatawang sabi ko. I know that Klara has been dating guys there. Pero walang tumatagal ng more than six months.

"Basta. Ang sinasabi ko lang is, mahirap makipagkumpetensya sa ex ng boyfriend mo. Lalo na kapag matagal na naging sila. It'll suck to be the next girl. Kakainin ka ng insecurities mo, mapaparanoid ka. Name it."

"Okay, okay. At sino ba ang nagsabi na attracted ako sa kanya? I just got curious dahil kilala siya ng mga magulang ko and I apparently helped him before. And the picture I mentioned rin. It's somehow amazing."

"Just a warning. Alam mo namang inexperienced ka sa world lately," aniya sabay belat. 

"Hoy ha!"

"Hindi mo ba hinahanap? The skinship, I mean."

"Please, let's not go there." Umiling-iling ako.

"Sus, kunwari ka pa. Needs are needs, Elyse. You just can't help but want it. Hahahaha! Anyway, use that light purple A-line midi dress that has a belt para sa reception. You'll look gorgeous. May shoes ka na bang isusuot?"

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon