Chapter 20

3.1K 145 6
                                    

I felt safe in Erex's arms but I had to let him go

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I felt safe in Erex's arms but I had to let him go. Ayaw kong magkaroon ng maling ideya si Jen. Doon ko lang tuloy napansin na may dugo sa manggas ng damit niya.

"Are you hurt?" Namaos ang boses ko at lalong hindi ko napatahan ang aking sarili sa ideya na nasaktan siya dahil sa akin.

"Oh my God! How bad is it?" sigaw ni Jen na ngayo'y lumapit na sa aming dalawa.

"It's just a scratch," sagot ni Erex habang inaalalayan akong maupo sa sofa.

"No, it's not! Your clothes is soaked in blood!" halos naghihisteryang sabi ni Jen habang iniispeksyon ang kamay ni Erex.

Nang itaas niya ang sleeve ay lumantad ang malalim at medyo mahabang sugat. Napapikit ako. Kasalanan ko 'to. Kung sana'y hinintay ko siya sa CHAOS kanina!

"It's fine," pag-uulit ni Erex kahit na napapangiwi siya habang gumagalaw.

Dalawang nakaunipormeng pulis ang pumasok kaya't sa kanila natuon ang atensyon namin. Pinilit kong tumayo kahit na nanginginig ang katawan ko. Hinawakan kaagad ni Erex ang aking braso para suportahan ako.

Ipinaliwanag ng pulis na nagtawag na sila ng backup para makunsulta ang crime scene. Kailangan rin daw naming magtungo sa presinto para makuhanan ako ng statement, kasama na rin ang pagpunta sa ospital para sa medico-legal examination. Nagpapaalam na rin sila sa kung puwede bang i-review ang footage mula sa CCTV ko. Inalok nila si Erex na magpakunsulta sa ambulansyang nasa labas pero mamaya na lang daw.

Naiintindihan ko ang ipinapaliwanag nila pero may isang bagay lang na nangingababaw sa lahat ng takot na naranasan ko ngayong gabi— I don't want strangers crawling inside my house. No, I can't have that.

"I'm not pressing charges," singit ko habang sinasabi ng isang pulis na papunta na rin ang imbestigador dito. Napapikit ako nang marinig ko ulit ang sigaw ni Bea sa labas. They must be treating her wound now.

"What?" react ni Erex.

Parehong nagkatinginan ang pulis. 

"Puwede ho bang ipunta niyo na lang si Bea sa ospital? Call her parents. She's sick. And bring this hoodlum there as well. Nasugatan siya." Ginawa ko ang lahat para maging steady at firm ang boses ko. 

"Elyse, Jaren won't be ok with that. Tara na sa station. This is just a shallow cut," pagalit na sabi ni Erex.

"He's right. This is...bad," mahinang sabi naman ni Jen.

"No. That's what I want. She is sick. Tulong ang kailangan niya," pag-uulit ko. 

Parang hindi pa rin kumbinsido ang pulis. Sa labas ay nakasilip na rito ang mga kapitbahay naming siguradong nabulabog sa komosyon. Shit, I hope this just one ugly dream. Can someone please wake me up now?

Naluha ulit ako. Ayaw kong umabot sa mga magulang ko ang nangyari but it's inevitable. Siguro'y ang magagawa ko lang ay i-downplay ang nangyari. Kapag mas lumaki pa ito, it'll have its consequences and I am not ready for that. I have to protect myself. I have to!

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon