Chapter 7

3.7K 139 18
                                    

Pakiramdam ko'y may sumusunod sa akin pero sa tuwing lumilingon ako, wala akong napapansin na kakaiba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pakiramdam ko'y may sumusunod sa akin pero sa tuwing lumilingon ako, wala akong napapansin na kakaiba. Simula kasi kaninang makalabas ako ng duplex hanggang sa ngayon na nasa mall ako'y nandoon pa rin 'yong feeling na may nagmamatyag sa akin.

Is it because I don't go out much? Hindi rin e. This is the first time I'm experiencing this. Dapat ay hindi ako gabihin. Uh, lalo rin akong napaparanoid sa tuwing naalala ko ang panaginip daw ni Kuya JJ. After that call, sa tingin ko'y may away kami ngayon.

Tumungo ako sa The Face Shop para mamili ng face masks at moisturizer. Ito na ang last stop ko. I grabbed enough snacks and food for a week, a six pack beer for later, and some dry goods.

"Maganda ba 'yan sa balat?"

Tiningnan ko ang babaeng tumabi sa akin. Kasalukuyan ko kasing tinitingnan ang ilan sa bagong products ng store.

"Uh, hindi ko pa ito nasusubukan," alanganing sagot ko. 

"Is that so? Sana hiyang ito sa balat ko. Kukunin mo ba?" aniya sabay turo sa hawak ko kahit na literal na ang daming stock na nakahilera sa estante.

Judging by her face, I'd say she's around my age or maybe a little older. What's her deal though? Nonetheless, ibinigay ko sa kanya ang hawak kong tube ng moisturizer. 

"You can take it." 

"Thanks! And those? Are they good rin?" Itinuro niya ang hawak kong masks. Bakit ba sa akin siya tanong nang tanong? Puwede namang sa sales representative na nasa likuran lang namin.

"Yes, it really hydrates my skin," I answered casually before subtly walking away from her. Dumiretso ako sa counter para makapagbayad na't makaalis dito. I guess she's the type who can easily strike a conversation with anyone. Good for her, awkward for me.

Tamang nasa escalator ako nang mag-vibrate ang phone ko. Medyo tinitigan ko pa ang screen saglit nang makita ko ang nasa caller I.D. 

Bakit siya tumatawag? Kaninang ang lapit namin sa isa't-isa e parang walang epekto sa akin pero bakit ngayon parang kinakabahan ako?

"We're you sleeping?" tanong agad ni Erex nang sagutin ko ang tawag. 

"Nope. Nasa mall ako. Why?"

"Hmm. How soon can you get home?"

"I'm on my way right now."

Nang makarating ako sa ground floor ay gumilid muna ako sa isang sulok para mailapag ko ang ilan sa bags na hawak ko. At para na rin mahawakan ko nang husto ang phone.

"You owe me one, right?" he said after a long pause.

"For earlier, you mean?"

"Yeah."

"Bumili ako ng beer."

"Forget that. Can you run an errand for me?"

"Like what?" tanong ko. I kinda have to. He helped me big time earlier. Pero talagang inaasahan niyang may kapalit ang ginawa niya ha? I actually thought he was charming earlier. Baka nadala lang ako dahil sa mga dramas na pinapanood ko. Tsk. I mean, I should not forget that he's a 'hoodlum'.

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon