Chapter 22

3.1K 140 16
                                    

Limang araw na ako dito sa hotel at ang tanging ginawa ko lang ay ang magmukmok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Limang araw na ako dito sa hotel at ang tanging ginawa ko lang ay ang magmukmok. Kahit ang pagkain ko'y idinaan ko lahat sa room service para lang hindi ako lumabas. Because this is an extended-stay hotel, I can check-out whenever I want to.

After some moments of clarity, binawi ko rin ang sinabi ko kay Kuya JJ na gusto kong pumunta sa New Zealand. I don't want to go there while I'm like this. 

Nakarating sa mga magulang ko ang balita. They were worried, to say the least. Pero dahil natulungan ako ni Kuya JJ na sabihing exaggerated lang ang ibang parte ng kuwento, hindi na nila ako pinilit na magsampa ng kaso. Erex helped reassure my parents too, as far as my brother mentioned. Hindi na ako nagbahalang magtanong ng detalye.

Even if they find out that I was lying, I still won't change my decision to not sue or go there to stay with them for the meantime. This is because I need to find out where I stand exactly. It hit me like an avalanche that I must face the questions I've been avoiding all these years.

Ano na ang gagawin ko sa buhay ko?

I quit my freelance writing job because right now, I feel like I won't be able to write properly. Kapag hindi ako tulog, nakikinig lang ako sa music. Mostly BTS. On normal days, I'd be freaking out and excited over their upcoming comeback. Nag-release nga sila ng intro music video kahapon at isa rin ito sa mga inuulit kong panoorin at pakinggan. It might sound odd to others but this group has been helping me deal with my issues. 

Kagaya ngayon, ilan sa mga kanta nila ang naka-loop sa playlist ko. Boses nila ang huli kong naririnig bago matulog, at una naman kapag nagigising. 

그 손을 내밀어줘  save me save me
  I need your love before I fall, fall.

Napangiti ako ng hilaw habang kinukusot ang aking mga mata. Give me your hands, save me, save me — itong parteng ito ang parati kong kinakanta lately. It's not that I want someone to come grab me out of this rut. I'm mostly singing it to myself. 

Ayon sa desk clock, alas tres na ng hapon. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko. Kinapa ko ang phone ko na malapit nang mahulog mula sa queen size bed.

I uninstalled my Facebook and Messenger for now. Bukod sa dami ng tags at notifications sa aking Facebook dahil sa kasal nina Aby at Mark, may mga batchmates ako noong college na nagtatanong kung ano ba raw ang nangyari kay Steven. 

Hindi ako sumagot sa kahit sino. Skype na lang ang ginagamit ko.

I checked my unread messages.

Angel Sierra: Are the renovations over?
Mason Sierra: Don't skip your meals.

Oo nga pala, irinason ko na dito muna ako sa hotel dahil sa "upgrades" na gagawin ni Erex sa duplex. Nang mag-video call kami earlier this week, kinapalan ko ng sobra ang make-up ko kaya hindi nahalata ang mga pasa ko, na ngayo'y tuluyan na talagang nawala. Kung puwede sanang mawala rin ang alaala ng gabing iyon.

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon