Chapter 39

2.8K 138 4
                                    

Nanlaki ang mga mata ko nang aking makita ang balance sa aking bank account

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanlaki ang mga mata ko nang aking makita ang balance sa aking bank account. There's only one reason why the digits are high! 

Habang palabas ng banko ay dinial ko ang numero ni Kuya JJ. Naka-ilang subok din ako pero diretso lang talaga ito sa voicemail. Sigurado akong inilipat na niya sa account ko ang naipong pinangbayad ko ng renta niyong nakaraang mga taon.

I was about to try my parents when I remembered that they're still on that cruise. I absently opened the bankbook again. I've actually spent this much for rent? Ngayong wala na ang trabaho ko online, kailangan ko na talagang mag-doble ng effort. It's probably why Kuya JJ deposited the money.

Napa-iling ako habang naglalakad. He should've given me a little heads up!

"Ate Elyse!" Nagulat ako nang may dumamba ng yakap sa akin. I was relieved to see that it's Anne. Kasama niya ang Kuya niya at may dala silang mga shopping bags.

"What's up!" Clive gave me a quick wave.

"Hi!" bati ko sa kanila. 

Excited na excited si Anne. Medyo nakonsensiya ako na isa siya sa mga 'di ko pa narereplyan masyado sa Messenger. 

"Saan ka galing, Ate?" tanong ni Anne saka ikinawit ang kamay sa aking braso. Naasiwa ako konti dahil nakatitig lang si Clive as akin.

"Sa banko. Papunta na sa groceries. Kayo?" balik-tanong ko. Gumilid kami para hindi makasagabal sa ibang dumadaan.

"Nag-shopping! Libre nitong torpe—" natigilan saglit si Anne nang sumama ang mukha ni Clive. "—at kakain na. Gusto mo bang sumama, Ate? Namiss na rin kita e. Ang daya mo. Hindi ka nagrereply sa mga chats ko lately. Para 'di na ako magtampo. Tara na, please?"

Kumurap-kurap siya at nag-abang sa isasagot ko. Clive just shrugged his shoulders at mukhang magsasalita na sana pero naunahan ko siya.

"Okay. Libre mo ba?" 

"Libre niya." Itinuro ni Anne ang kapatid.

Tinupad namin ang gusto ni Anne at nagtungo sa isang cafe sa rooftop ng mall. Akala ko ay magiging awkward dahil meron si Clive pero hindi ganoon ang nangyari. Instead, it's as comfortable as when we hangout at my place.

He kept on telling lame jokes at ako agad ang natatawa. Umabot hanggang sa point na sinasaway na siya ni Anne. Naka-ilang selfie rin kami, as requested by Anne, of course. Ipapakita raw niya ito kina Shey. 

"Hala, nakalimutan ko na may sasalubungin pala muna akong friend!" anunsiyo bigla ni Anne habang inuubos namin ang aming kape.

"I know what you're doing." Kalmadong sabi ni Clive sabay tingin sa akin.

"No, read this! May nakalimutan akong kunin na materials." Itinapat ni Anne ang kanyang phone sa amin. "Ubusin niyo yan tapos alis na kayo. Walang malisya!" dagdag pa niya.

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon