Chapter 24

3.1K 135 14
                                    

Umiikot ang aking sikmura dahil sa magkahalong excitement at inis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umiikot ang aking sikmura dahil sa magkahalong excitement at inis. He labeled me as a friend. A line has been drawn and I should be okay with that but why am I not? 

Puro ako monologue habang naghihintay ng oras. Mabilis akong nag-empake dahil inisip ko na walang trapik at baka mapaaga siya. Pero lumipas na ang isang oras at wala pa rin siya. Kahit nagdadalawang-isip ay bumaba pa rin ako sa front desk para makapag-check-out na. Kung hindi man siya darating, uuwi pa rin naman ako. 

What if Jen stopped him? Or what if Jen is with him? Good grief, dapat ay hindi ako naging impulsive kanina. I should've thought about the repercussions first. 

Tinatamad kong kinaladkad ang aking maleta papunta sa lounge area. Bukod sa guard at sa receptionists, wala nang ibang tao rito.

Inilabas ko ang aking phone para magbasa ng Twitter feeds. Hindi ko ito kinailangang i-deactivate kasi wala naman akong kilala rito. Habang ginagawa ko ito'y panay ang sulyap ko sa main door. 

Napangiwi ako. Nagtatalo na naman kasi ang isipan ko. Hindi ba dapat ang inaalala ko ay kung magiging okay ba ako kapag umuwi ako sa unit ko at 'di itong kung darating ba si Erex o hindi? 

"I'm just twenty minutes late. Huwag kang magalit."

Tumingala ako. Oh, nandito na pala ang friend ko. Amoy at mukhang bagong ligo siya. Napansin ko kaagad ang porma niya. Is he finally letting go of his all black concept? Naka-plain white shirt kasi siya't dark blue chino shorts sabay gray na sneakers.

"I'm not mad," simpleng tugon ko. Tumayo ako at hahatakin na sana ang aking maleta pero naunahan niya ako. 

"Dumaan pa ako kina Dave. Sorry. Should've texted you." 

"No, it's okay. Nandito ka naman na e." Nauna na akong naglakad at kaagad naman siyang sumabay. For some reason, my facial muscles won't cooperate. Smile, damn it! Your friend is here!

"Kung hindi ako nakarating, ang ibig sabihin lang 'non ay may masamang nangyari sa akin." Ngumisi siya at hinintay ang reaction ko.

"Don't even joke about that."

"Not kidding. That's the truth," aniya habang pinapauna akong lumabas ng pinto.

Tanaw ko ang sasakyan niyang nakaparada lang sa front parking ng hotel. 

"Ibig sabihin ay may nangyari that time na hindi ka dumating when we're supposed to have beer?" natanong ko. Bigla kasing sumagi sa isipan ko. Shit, bad move! 

"That's about right." Sumeryoso siya saglit. Nag-iwas ako ako ng tingin kaya nadako ang mga mata ko sa tattoo niya. Jen's mark, for sure.

"Hmm?" Yumuko siya para silipin ang mukha ako. 

"So, anong meron sa Dasol? What did you mean yesterday?" pag-iiba ko ng usapan. 

He used his key fob to unlock the car. Isinakay niya muna ang maleta ko sa backseat bago sumagot sa akin.

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon