Chapter 21

3.1K 131 17
                                    

Halos wala akong tulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos wala akong tulog. Maya't-maya kasi ay nagigising ako dahil naalala ko ang takot na bumalot sa akin kahapon. Nagugulat at napaparanoid din ako sa bawat tunog na marinig ko. May it be the wind outside or the creaking every time the house settles. Kaya naman nang may kumalabog mula sa ibaba ay talagang bumangon na ako.

Ang bilis ng pagtibok ng aking puso. It's okay, it's really just too soon. Bukas-makalawa ay babalik din ang lahat sa normal. 

Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumaba ng kama. Tinanggal ko ang phone ko na nakalimutan kong naka-charge pa rin. As expected, baha ng message at notifications ang aking Facebook. Ang dami ring missed calls and text messages mula sa pamilya ko at kay Klara.

Mamaya na ako sasagot. Pumipintig pa rin din kasi ang aking ulo. Inayos ko ang kama bago hinakot ang lahat ng aking gamit. 

"Erex?" tawag ko sa kanya habang pababa ako ng hagdan. Walang sumagot. 

May kung anong metal na namang nahulog sa baba. Heto na naman ang kaba. Good grief. I need to pull myself together. There's no danger anymore, right?

"Erex!" sigaw ko na habang palapit nang palapit sa dulo ng hagdanan.

"What?" kunot-noong salubong niya. Naka-pambahay siya't mukhang kakagising lang din. His sprained hand is now wearing a black wrist splint. 'Yong sugat naman niya, parang kailangan nang palitan ang bandage.

Napakalalim na rin ng kanyang eye bags. As for me, kitang-kita na ang pasa sa aking mukha. Magang-maga ito at sobrang sakit talaga.  Himala nga na nakakasalita pa ako nang maigi.

"Ano 'yong nahulog?" 

"The frying pan. I'm trying to cook but my dominant hand is injured," aniya sabay angat sa kanang kamay.

"I see. Anong oras na ba?" Tuluyan akong bumaba para maharap siya nang maayos.

"Alas diyes. Dapat matulog ka pa."

Bumalik siya sa kusina. Kahit na nagbago ang design ng interior niya'y parehas pa rin naman ang layout kaya't parang mirror lang into ng unit ko. Though yes, malayong mas maganda ang sa kanya.

"Hindi ako makatulog."

"Really? Lakas nga ng hilik mo kagabi e." Saglit siyang lumingon.

"I doubt it. I really didn't sleep," nakangiwi kong sagot.

"Whatever flips your pancake, honey." Ngumisi siya. I'm not sure if he's just trying to lighten up the mood. I don't want to talk about yesterday anyway.

Sumunod ako sa kanya pagkatapos kong iwan sa sofa ang dala kong bag. "Ano ba ang lulutuin mo?" pagbabalewala ko sa sinabi niya.

"Pancake sana." Nginuso niya ang powder mix na nasa kitchen island. Nagkalat ito at marahil ay dahil sa hindi siya makagalaw nang maayos.

"Ah, wala ka bang work?" 

"I'm skipping." Dinampot niya ang box ng mix at binasa ang instructions.

The Hoodlum Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon