Chapter 2

97.2K 2.8K 1.6K
                                    

Chapter 2

Prinsesa

"Ma, ihahatid ko mamaya si Jess." Paalam bigla ni Colton kay tita Helen na nakaupo pa sa hapag. Nauna na kaming umalis ni Beatrix nang matapos kami at ako naman ay pabalik sana sa dining area para uminom ulit ng tubig. Pero seryoso pala siya sa sinabi niya kanina? Akala ko sinabi niya lang 'yon para patahimikin ako.

"Anong sasakyan niyo?" Dinig kong tanong ni tita Helen. Hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko. I know that this is eavesdropping but I heard my name so I have all the rights to eavesdrop.

Hindi kaagad naka-imik si Colton.
"Gamit ng Papa mo ang sasakyan papuntang manila. Yung isa naman ay hiniram ni Philip."

Oo nga pala, nasa manila ang kompanya ni tito Ronan. Mabuti nga at dito pa rin sa Pampanga nakatira sina Beatrix. Ang alam ko si tita Helen ang mas gustong tumira dito kaysa sa manila. Pabor naman saakin 'yon dahil hindi na namin kailangang magkahiwalay ni Beatrix.

"Iniwan naman ni Phil yung motor niya, di'ba?" Dinig kong sabi ni Colton.

"Hindi, Colton! Baka kung mapano pa kayo ni Jess. Kung yung kotse ang gagamitin niyo ay papayag pa ako." Putol ni tita Helen. Kahit gusto ko ng umuwi ay may punto naman si tita. Akmang babalik na ulit ako sa sala pero bigla nanamang nagsalita si Colton kaya natigilan ako.

"Ma, naman... Alam mo namang hindi ko papabayaan si Jess." I flinched at Colton's persuasion.

"Bahala ka, Colton... Sumasakit na ang ulo ko sa'yo." Pagsuko ni tita Helen. Narinig kong nagsalita pa si Colton at naalarma ako mula dito sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga yabag ni Colton. I was about to move away but it's too late. Colton already saw me. I looked at him with stiffened body, wide eyes, and slacked jaw.

Ngumisi siya. "Magpaalam ka na. Iuuwi na kita sa palasyo mo..." His voice is solid but teasing.

"Huh?" Ilang beses akong napakurap.

"Kunwari ka pa. Narinig mo naman." Pang-aalaska niya. My cheeks heated.
I was about to protest but he already turned his back on me. Wala naman akong nagawa kung hindi titigan ng matalim ang kanyang likod. Bumuntong hininga ako bago naglakad papuntang sala. Nadatnan ko siya doon na may hawak-hawak na susi sakanyang daliri at pinaglalaruan iyon.

Inginuso niya si Beatrix na walang ka ide-ideya na nanood ng telebisyon.  Tinanguan ko siya bago ko nilapitan si Beatrix.

"Trix, uuwi na ako..." paalam ko sakanya.

"Nandiyan na ang sundo mo?"

"Ihahatid ko siya." Sabad ni Colton nang hindi ako kaagad na nakasagot. Pinaningkitan siya ng mga mata ni Beatrix.

“Siguraduhin mong maibabalik mo nang ligtas si Jess, Colton!”

“A little bruise won’t hurt, right?” ngisi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at parang gusto ko nang umatras.

“Isusumbong talaga kita kay mama...” madilim na pagbabanta ni Beatrix sa kanyang kapatid.

Colton let out a low chuckle. “I was just kidding... Baka mapagutan ako nang ulo kapag nagalusan ang prinsesa.” punong-puno nang pagkasarkastiko ang boses ni Colton at tinaasan pa ako nang mga kilay. I crinkled my nose at him.

Inirapan lang siya ni Beatrix at tumayo na siya para yakapin ako at magpaalam.

“Knock it off you two. Magkikita pa kayo bukas!” Palatak ni Colton. Wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang. Kahit kailan talaga ay napaka kontrabida niya sa buhay ko.

“Humawak ka,” medyo irita niyang sabi saakin. Hanggang ngayon ay hindi pa din umaandar ang motor na sinasakyan namin dahil kakatapos lang naming magtalo tungkol sa helmet. Pinipilit niya akong magsuot ng ganoon e ang bigat-bigat noon sa ulo at ang laki-laki pa!

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon