Chapter 36

70.1K 2.2K 661
                                    


Chapter 36

Share

"Fuck! This whole thing is making me crazy, Colton! How am I supposed to come home to your sister like all of this didn't occur?" Yael said through clenched teeth as he frustratedly ran his fingers through his hair before quietly sitting on the sofa.

Tahimik dito sa loob at nasa labas ang ingay kung kaya't kahit ayaw ko silang pakinggan sa pag-uusap nila ay hindi ko mapigilan.

Colton was just firmly standing in front of the glass door, holding a glass of wine with his hand as he watches the people outside. Hindi na niya suot ang coat niya, he was just wearing his white button down shirt and its sleeves are rolled up below his elbows.

Kahit na nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko ang seryosong aura na bumubalot sa pagkatao niya. Sa tindig pa lamang niya ay parang alam mo na na malalim ang kanyang iniisip.

Yael tilted his head to look at Colton. "Sabihin na lang kaya natin ang lahat kay Beatrix?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Yael at hindi ko alam kung papasok ba ako sa eksena o ano. But thank God, because before I could do so, Colton immediately tilted his head to look at his frustrated best friend.

"Yael," he firmly said.

"What?" Yael hissed, a vein popping on his neck.

"We already talked about this! Alam mong hindi pwedeng malaman ni Beatrix ito..."

"At alam mong kamumuhian niya tayong lahat sa oras na malaman niya ito sa iba!"

Colton remained quiet. Muli niyang ibinalik ang tingin sa labas at tahimik na sumimsim sa basong hawak niya.

"I'm sorry, man... I don't want to drag you in this because I know how important my sister is to you, kahit ako, ayaw kong ilihim sa kanya 'to pero wala akong magawa... That's Jessica's decision and I can do nothing but to respect it."

Hindi nakapagsalita si Yael. Nagpakawala lang siya ng isang malalim at marahas na buntong hininga. I took that as my cue to walk in the scene. Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila. Nang sabay silang napalingon sa akin ay saka na ako tuluyang naglakad papalapit sa kanila.

"Colton, Capt. Romero's been looking for you... May humabol na bisita. Si Mr. De Vera daw..." I told him. Nagkatinginan silang dalawa ni Yael bago niya maingat na ipinatong sa may maliit na table ang hawak niyang baso na may laman pang alak at tuluyan na siyang humarap sa akin.

"Let's go..."

"Susunod ako." I told him. Tiningnan niya ako ng ilang sandali.

"I need you there, Jess." Mariin niyang sabi.

My face fell into a slight scrunch. "I know! Kaya nga susunod ako 'di ba?"

Muli niya akong tiningnan bago siya tumango at tuluyan na akong nilampasan. Nang malampasan na ako ni Colton ay si Yael naman ang tumayo mula sa kinauupuan niya.

He was about to walk past me but I was quick enough to hold him by his arm.

"Sandali..."

Natigilan siya ngunit hindi siya nagsalita. Tiningnan lamang niya ako. Waiting for what I am going to say.

I was also quiet for a few seconds, finding all the right words to tell Yael dahil parang lahat nang maisip kong tamang sabihin sa kanya ay magiging mali pa rin pa sa kanyang pandinig.

"G-Gusto ko lang magpasalamat sa'yo, Yael dahil kahit na nahihirapan ka sa sitwasyon you stayed true to your words at hindi mo kami inilalaglag ni Colton... Thank you for treasuring the trust that Colton gave you."

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon