Chapter 37

70.1K 2.2K 679
                                    

Chapter 37

Distraction

“Did… Did you miss me, too when you left?” 

Awtomatiko akong napatingin sa kanya. My lips slightly parted but no words came out of it. I did not expect that nor I’m ready for that. 

“Hello, couple! I hate to interrupt you two but I need a second with Jess…” 

Parehas kaming nag-iwas nang tingin sa bigla-biglaang pagsulpot ni Majai. I was kind of grateful for Majai’s sudden appearance dahil kahit papaano ay nabawasan ang pressure na nararamdaman ko kanina. 

“What is it?” 

“My Dad wants to talk to you through skype.” She said nodding her head on the side, as if telling me that I have to rise from my seat to go upstairs. 

Tiningnan niya si Colton. “Ayos lang ba?” 

Colton subtly licked his bottom lip. “Yep. No problem…” Nakanguso at kibit balikat nitong sagot at saka ako binalingan nang tingin. Mabilis akong nag-iwas. 

“Excuse me,” Hindi ako makatingin sa kanya nang mag pa excuse ako kaya kahit hindi ko alam na tumango siya ay tumayo na ako at mabilis na tumalikod sa kanya. 

He’s asking me if I missed him… Napangisi ako nang mapait sa aking loob-loob. Nang mawala ang Daddy ko, wala na akong ibang maisip kung paano mabibigyan nang hustisya ang pagkamatay niya at kung paano ko aalisin ang lungkot na nararamdaman ng Mommy ko. 

All the trauma and fear that I’ve experienced when I saw how my Dad died right in front of my eyes held me back from my capabilities of feeling happy and in love. Parang nabura ang mga iyon sa sistema ko because the pain, fear, and loneliness dominated me, controlled me. 

But when I’m alone, feeling done with the exhaustion of this damn world, bigla-bigla kong naiisip Colton… kasi siya lang ang pahinga ko… noon. Noong magkasama pa kami. 

Pero nang pati ang Mommy ko ay nawala, pakiramdam ko nawala na rin ‘yung dating ako. Ni hindi ko na nga alam kung paano ba maging masaya. I felt so lost… and I’m not sure if I can still find my way back to the path where I lost the old me. 

“Pagagalitan na naman ba ako ni Tito Samuel?” Mahina kong tanong kay Majai habang paakyat kami. 

Natawa siya nang mahina. “Mangangamusta lang… Hindi na siya galit. Well, kaninang kausap ko siya. I don’t know sa’yo.” She replied. Ayaw kasi ni Tito Samuel ang naging desisyon ko, pati nga itong si Majai ay napagalitan din dahil sa ipinagtatanggol ako and Tito Samuel thought of that as pangungunsinti.

--

Mahigpit ang yakap na ibinigay ko kay Majai. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa  parking ng Terminal 1 ng NAIA para ihatid siya. 

“Don’t forget to contact me through skype!” 

“Gawa ka na lang ulit ng facebook mo para less hassle!” Reklamo pa niya. When I deactivated all my social media accounts, hindi na ako gumawa ng iba pa. Tanging Skype at email na lang ang meron ako.

“Saka na…” I told her before looking at her. I can’t help but to feel sad, aalis na si Majai. Iiwan na niya ako dito. It would only be me and Yaya Bebeth. 

Kumalas si Majai sa yakap at saka tiningnan si Colton na tahimik na nakatayo sa likuran ko. 

“Colton, ah! You take care of my cousin! H’wag mong papaiyakin ‘to!” 

Sinamaan ko nang tingin si Majai. “Tumigil ka nga, Majai! Bakit naman ako iiyak?” I said in a deep frown habang nagpapalipat-lipat nang tingin sa kanya at kay Colton. 

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon