Chapter 29

78.3K 2.1K 1.1K
                                    

Chapter 29

What Do You Want From Me?

"What are you doing?" Colton asked as he presses his lips on my temple.

Kaninang kaunti pa ako nandito sa condo niya at mamaya ay babalik ako sa school dahil tatlong oras lang ang vacant ko.

Usually Beatrix and I would roam around the city or go to Frapello sa tuwing vacant namin pero napagkasunduan muna namin na umuwi na lang para bumawi ng tulog pero heto ako, ibang bahay ang inuwian.

And that makes me feel guilty dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpupunta dito kay Colton pero hindi ko man lang masabi-sabi sa best friend ko. Saka ko na sasabihin kapag deserving na ako, kapag ako na 'yung nakikita niyang babagay para sa kapatid niya.

I gave Colton a quick glance and a soft smile.

"Advance reading..." I replied curtly before drawing back my focus on my book.

"Wow, bago 'yan, ah." A teasing and amused laugh lingered in his voice. Muli ko siyang tiningnan at sinimangutan.

Bwisit na 'to. May gana pang asarin ako! Kung alam niya lang ay ginagawa ko 'to para maging better ako, para maging bagay na ako sa kanya.

He just gave me his badass grin. "Sige na, magbasa ka na." He urged me.

"Yabang mo talaga!" Ayaw ko pang magpaawat.

He clicked his tongue. "Biro lang. Magbasa ka na..." Aniya at umusog nang kaunti saka kinuha ang phone niya na nasa may coffee table. Ngayon ko lang napansin na nilapag niya pala doon ang paborito kong cookies at isang carton ng fresh milk.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang abala sa phone niya. Nangunot ang noo ko. Bakit kailangan niyang lumayo? Sino ba ang katext niya?

Isinara ko ang libro ko at umusog ako papalapit sa kanya. Natigilan siya sa pagti-text at saka ako tiningnan.

"Akala ko ba magbabasa ka?" Siya naman ngayon itong nangunot ang noo.

I shook my head. "Hindi na. Mamaya na lang sa bahay bago ako matulog."

"No, Jess. Magbasa ka na ngayon." He firmly said.

"Mamaya na nga, eh. Magkwento ka na lang sa mga nangyari sa'yo nitong mga nakaraang araw." I said, flashing an excited smile.

I realized that this is Colton's time. Ang dalang na nga lang namin nagkakasama tapos ay hindi ko pa siya kakausapin.

Halos hindi ko na nga nirereplyan ang mga texts niya noong wala siya dahil busy akong nagrereview at nagbabasa tapos ngayon ay hindi ko pa siya papansinin?

"Mamaya na pagkatapos mong mag-aral." He dismissively said before drawing back his attention to his phone.

"Sa bahay na nga lang, e." I said, almost whining.

Hindi naman niya ako pinakinggan, ni hindi man lang niya ako tiningnan. He just continued scrolling through his phone.

"Colton..." I called him pero hindi niya ako tiningnan. Tutok pa rin siya sa phone niya.

Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa inaasta niya. Talagang sa harapan ko pa siya mag gaganyan? Bahala siya! Mag text na lang siya kung gusto niya!

"Bahala ka nga diyan!" I hissed as I glare at him pero wala pa rin iyon sa kanya. Parang wala siyang naririnig! He was treating me like a damn air!

Nakasimangot at halos padabog akong umusog palayo sa kanya at muling binuksan ang libro ko.

I just diverted the irritation that I was feeling towards Colton into reading my book. Noong una ay medyo nahirapan akong magfocus but as minute goes by, unti-unting pumapasok sa isipan ko bawat salita na nakasulat sa libro.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon