Chapter 4

81.9K 2.2K 891
                                    



Chapter 4

How Dark?

"Uy, soft day natin ngayon!" Masayang sabi ni Trix. "I can't wait to go home!" Dagdag pa niya.

Natawa ako sa sinabi niya sabay iling.

"Hindi pa nga nag-uumpisa ang klase ay gusto mo na kaagad na umuwi." sabi ko sa kanya. Palagi namang ganito ang mga eksena sa tuwing papasok sa eskwelahan pero hindi ko lang talaga mapigilang hindi matawa kay Beatrix.

"Bakit ikaw? Ayaw mo pa ba na umuwi?" Kunot noo niyang tanong na para bang isang kasalanan kapag sumalungat ako sa sinabi niya kanina.

"Gusto!" Sagot ko at umaliwalas naman ang kanyang mukha. Sa totoo lang ay gusto ko na nga ring umuwi pero kapag paulit-ulit ko kasing inisip iyon ay lalo lang akong tatamarin.

But I was wondering why all students are experiencing this kind of phase in life. Yung tipong ayaw mo naman talagang pumasok pero wala kang magagawa kung hindi pumasok dahil kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral.

"Tara, Jess..." Bigla niya akong inaya. Ako naman ngayon ang napakunot ang noo.

"Anong tara?" Taka kong tanong.

"Sa amin. Mamayang uwian." Aniya at matamis akong nginitian. Natigilan kami pareho sa paglalakad at itinaas baba ang mga kilay niya upang makumbinsi ako pero hindi ako kaagad na nakasagot.

"Sige na, Jess. Nakakainip sa bahay, wala si mama dahil isinama ni papa sa manila. Si manang Sally naman umuwi sa Pangasinan, yung mga ibang katulong lang ang kasama ko mamaya niyan. Si Colton, sigurado naman na gabi pa ang uwi no'n dahil tuwing soft day ay naglalakawatsa siya." mahabang paliwanag ni Beatrix. Hindi ko nga alam kung maawa ba ako sa kanya o ano.

"O sige na nga... Pero sa susunod, sa amin tayo ha?" Sabi ko.

"Ay gusto ko 'yan!"

Nginisian ko siya at tinanguan.

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad papunta sa building namin at muli nanamang nagreklamo si Beatrix kung gaano niya kagustong umuwi. Ako rin parang gusto ko nang mag-uwian dahil pupunta nanaman ako sa bahay nila Beatrix at swerte pa dahil wala akong Colton Hale Ponce de Leon na madadatnan.

--

"So, what are we gonna do at your house?" Tanong ko kay Beatrix habang naglalakad na kami palabas doon sa may main gate.

"Eat, watch movies, kahit ano." Kibit balikat niyang sabi. Napanguso ako at tumango na lamang. Bahala na mamaya. Unplanned moments are the best.

"Wait, nagpaalam ka na ba sa parents mo?" Pahabol na tanong sa sakin ni Beatrix. Tumango lang ako. Kanina pa kasi ako nag text kay mommy at pumayag naman siya. Susunduin na lang daw ako ng driver.

Habang naglalakad kami ni Beatrix ay nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at pisilin iyon. Kunot nook o siyang tiningnan. Ano ba ang problema nito?

Pasimple niyang itinuro iyong sa bandang likod naming kaya kunot noo akong napatingin doon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agarang ibinalik ang tingin ko kay Beatrix matapos kong makita si Cyprian na nasa likuran namin at mag-isang naglalakad. Mukhang palabas na rin siya.

"Chill, chill..." Beatrix mouthed at me pero siya naman itong mukhang hindi makapag-chill. I breathed in and breathed out before turning my head to glance at him once more but unfortunately, he caught me this time.

He gave me a warm smile. Parang gusto ko ng bawiin iyong 'unfortunately' dahil buti na lang talaga at nahuli niya akong tumitingin sa kanya kung hindi ay hindi niya ako ngingitian.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon