Chapter 22

76.2K 3K 1.3K
                                    

Chapter 22

Type

Bago pa man ako makasagot ay may narinig akong katok mula sa aking pintuan bago ito tuluyang bumukas. Parehas kaming napatingin ni Colton sa may pintuan. It was my mother, nakaawang ang kanyang bibig sabay baba nang tingin sa may hita ko na kung saan nakapatong ang kamay ni Colton na hawak ko.

I felt my body tensed as my heart starts beating fast. Alam ko naman na wala akong ginagawang mali but the way my mom looks at us? Damn!

Mula sa pagkakaupo ni Colton ay kaswal siyang tumayo na naging dahil upang mabitawan ko ang kamay niya.

“Magandang tanghali po…” bati ni Colton kay mommy. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa kama ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi.


Humakbang palapit si mommy sa amin sabay baba nang tingin sa kamay ni Colton na kaninang hawak ko. Napalunok ako sa sobrang kaba. Why is she looking at Colton’s hand with that stoic expression?

I found my body slowly relaxing when my mom’s eyes narrowed. Nakita na siguro niya ang mga daliri ni Colton. Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako sa iniisip niya kaysa sa malaman niyang nadisgrasyo ko ang kamay ng kuya ng best friend ko.


“What happened to your fingers, dear?”

Nagbaba nang tingin si Colton sa kanyang mga daliri. “Oh, this is nothing, tita.” I can feel him smiling through his voice.

Binalingan ako nang tingin ni mommy, raising a brow at me. She’s urging me to tell what’s going on.

I looked at her with full of guilt. “It’s… It’s my fault. Naipit ko siya.”

“Dios mio, Jess!” gulat na reaksyon ni mommy. Napatayo ako ngunit hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin but I know that I must calm her.

“Colton, pasensya ka na hijo kay Jess. Sigurado ka bang ayos ka lang? Ikaw naman, Jess bakit hindi ka nag-iingat? Alam mo namang importante ang mga kamay ng kuya Colton mo dahil isa siyang piloto.”

I secretly grimaced at the word ‘kuya’. I’m not sure if I can consider Colton as my ‘kuya’. Hindi ko alam bakit pero hindi gano’n ang tingin ko sa kanya.


“Don’t worry, tita. I assure you this is nothing. Naigagalaw-galaw ko pa naman, I’m pretty sure I can still maneuver a plane back and forth… and this nurse right here is really good...” Colton said, looking at me with a grin. Hindi ko alam kung iirapan ko ba siya o ano. Really good ka diyan e ako nga ang dahilan kung bakit ka naipit ang mga daliri mo!



Mommy looked at me, slightly shaking her head. Ngumuso lang ako sa kanya. Muli lang siyang umiling bago muling ibinalik ang tingin kay Colton.

“Colton, since you’re already here dito ka na lang mag lunch… I have a friend coming over. Sumabay ka na sa amin.”


“Sige po… I’d love that.” Colton said, briefly glancing at me.

“By the way, ikaw ba ang may dala ng ice cream cake sa ref, hijo? Okay lang ba kung iyon na lang ang i-serve natin sa dessert?” tanong ni mommy.

I suddenly felt my mouth starting to water. Ice cream cake? Dang! Nakakatakam naman…

“It’s up to Jess, tita. Sa kanya po ‘yung ice cream cake.”

Awtomatiko akong napatingin kay Colton and it’s like he felt it at ikiniling niya ang kanyang ulo upang tingnan rin ako.

“Sa akin ‘yon?” tanong ko sa kanya at bakas pa rin ang gulat sa aking boses. Tumango lamang siya at muling ibinalik ang tingin kay mommy.

“Y-Yes, my. It’s okay… Iyon na lang ang i-serve natin.” I mindlessly said when I looked back into her.

She smiled sweetly. “Alright, dear. Maligo ka na rin maya-maya, isasama ng kaibigan ko ang anak niya. I hope you two will get along… and oh, I don’t want to hear you guys arguing the second I leave this room. Matantanda na kayo…” There’s a softness in my mom’s voice at medyo natatawa pa siya.

With the way that she talks to us, it seems like she’s treating Colton as her son, too… and as my brother. Ugh!

“Opo… Hindi na po.” I said but I didn’t promise. Everything with Colton is unpredictable, one second we’re okay and then the next we’re killing each other again.

Kaya hindi ko talaga maipangako kay mommy na hindi kami magbabangayan although I don’t want to dahil nakokonsensya pa rin talaga ako sa nagawa ko sa kanya.


Mommy smiled at us again before finally turning her back. When the door closed, it was Colton and me again. Ikiniling niya ang ulo niya sa gawi ko at saka ako tiningnan. I don’t know what with his stares but they make me feel uneasy… uneasy not in an insulting way. It’s something that makes me want to runaway but the second I get away from those stares, I’ll start wanting more.

Fuck! Ano? What am I thinking?
Maybe I’m just hungry kasi hindi pa ako nagla-lunch.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon