Chapter 31

68K 2.1K 1.3K
                                    

Chapter 31

Bakit

I woke up sweating from a bad dream.  Napakapa ako sa dibdib ko habang sunod-sunod na humihingal. My heart is clenching in an agonizing pain, it hurts so much that it feels like I am slowly dying.

Ramdam ko rin ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata ngunit walang hikbing lumalabas mula sa aking mga labi.

It’s been a year but the pain is still as fresh as yesterday. Everyday gets harder and harder. Iyong tipong mas lalo lang akong nalulungkot dahil tangina, umaga na naman. Same old shit, just different day.

It was almost 2 AM nang makauwi ako nang gabing iyon... The atmosphere of the house felt unusual. Gising pa ang mga kasambahay at tila ba lahat sila’y aligaga.

“Anong nangyayari dito?” Hindi ko mapigilang tanong. Some are panicky at iyong iba naman ay pinipilit na maging kalmado.

“Ma’am Jess kanina pa po kayo hinahanap ni sir Javier.” Her voice was frantic.

“Umalis na rin tayo dito, ate! Baka madamay pa tayo!”

I was shock and disoriented for a second, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Lalo na nang magsimulang magtalo ang magkapatid naming kasambahay sa harapan ko.

“Can you please calm down? Ano ba ang nangyayari?” Naguguluhan kong tanong sa kanila.

“Hinahabol na daw po ng mga sindikato si sir Javier! Tumakas na silang dalawa ni ma’am, kanina ka pa nila hinahanap ma’am Jess!” Umiiyak nitong sabi sa akin.

 “Umalis na tayo rito… ayaw ko pang mamatay, ate.” Her sister was crying beside her as she tries to convince her leave the place.

Mula sa aking kinatatayuan ay bigla akong nanigas at hindi makagalaw. “S-Sindikato? Anong sindikato? Bakit hahabulin ng sindikato ang Daddy ko?” Naguguluhan kong tanong. This can’t be true. Mabait na tao ang ama ko!

“Malaki daw po yata ang pagkakautang niya sa mga iyon at ngayon ay wala siyang maibayad dahil luging-lugi na ang negosyo niyo… Ma’am, mababayaran niyo pa naman kami ‘di ba?”

“Ate! Wala na akong pakialam sa pera! Basta umalis na tayo dito bago pa dumating ang mag sindikato!”

“Ma’am, maawa naman po kayo… May mga pamilya din kaming sinusustentuhan.”

“Oo nga po, ma’am…”

Ni isa sa mga hinaing nila ay wala na akong maintindihan dahil hindi maprose-proseso ng utak ko ang mga pangyayari. What is happening? Why do this bad dream has to come like a thief and steal all the bliss that I was just experiencing an hour ago?

Umiling-iling ako. Right, this just had to be a bad dream right?

I frantically made my way upstairs without answering all of their rants and plead. I saw the door of my bedroom, widely open and lights are on.

Patakbo akong pumasok sa loob and I saw a big mess inside my room. Para itong binagyo dahil nagkalat-kalat ang mga damit ko.

Before I could even think straight, I felt a hand gripped my wrist, making me drop my phone on the floor. Sobrang kumalabog ang dibdib ko dahil sa takot ngunit nang lingunin ko kung sino ang humawak sa akin ay nakita ko ang ama ko. His expression was hard and firm.

“D-Daddy…”

“Where have you been?! Kanina pa kita hinahanap!” His voice was frantic and somehow, angry. Hindi ako kaagad na nakasagot, my dad has never talked to me in that kind of manner. Ever.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon