Chapter 33

64.6K 2.3K 1.1K
                                    

Chapter 33

My Greatest Weakness 

“Kuya, wala pa rin ba ‘yang amo mo?” Isinangga ni Majai ang braso niya sa kanyang noo dahil sa tirik na tirik ang araw.

“I knew it. I should have worn my Bvlgari shades…”  Pabulong niya pang sabi bago umikot ang kanyang mga mata. Hindi ko na lang pinansin ang pagiging mareklamo ni Majai at tiningnan ko na lamang ang gwardiya upang hintayin ang kanyang sagot.

Kahapon pagkarating namin dito sa Angeles ay kaagad kaming nagpunta rito sa mansyon ngunit ayaw kaming papasukin ng mga gwardiya at katulong.

Wala kasi kaming appointment kay Mr. Madrigal, we tried to get his number from tito Samuel para sana matawagan namin siya ni Majai bago kami magpunta dito pero hindi na siya macontact, seems like he already changed his number.

Kaya nga siguro ayaw nila kaming papasukin dito sa loob because they all think that we’re scammers or something. Kung sanang sina kuya Michael pa ang nandito they would all recognize us.

 It just feels strange to see different faces in the same mansion that I grew up. Alam ko, nabigyan na ni tito Samuel ng sapat na pera ang mga naging kasama namin noon dito matapos maibenta ang mansyon, they all promised too na hindi sila magsasalita tungkol sa lahat ng mga nangyari sa amin.

Si Yaya Bebeth na lang ang natira sa amin ngayon at kinailangan ko pa siyang iwanan sa LA dahil dalawang linggo lang naman ang leave na nahingi ko. Pahirapan pa.

“Nandiyan na ho ma’am…” Sabi nito at itinutok ang kanyang bibig sa walkie talkie to inform guards that I am here. Alam niya na ang pangalan ko dahil iniwan ko ito sa kanila kahapon at sinabing babalik ako.

The other guy responded over the walkie talkie saying na papasukin daw kami. When Majai heard that, bigla siyang napatayo at tiningnan ako nang may malawak na mga ngisi sa mga labi.

I was wearing a plain black camisole na pinatungan ko ng blazer at isang fitted black leather skirt. It was a semi-formal outfit that Majai personally picked for me. Kitang-kita pa ang cleavage ko sa suot ko, I mean, I don’t mind pero tangina para naman akong nanga-akit ng kliyente sa suot ko.

Bahagya kong inayos ang mga iilang hibla ng aking buhok sa may sentido ko and I can feel Majai’s eyes on me. My hair was pulled into a low bun and some strands of my hair are effortlessly falling on each side of my face.

“Ayan… Tingnan ko lang kung ‘di mapapayag ‘yang Mr. Madrigal na ‘yan. I mean, girl! There were will be two snacks standing in front of him! Sigurado ako, matanda na ‘yong si Mr. Madrigal sa tunog pa lamang… Tigang ‘yon, for sure!” Mahinang sabi ni Majai na may kasamang hagikgik habang pinagbubuksan kami ng gate.

I narrowed my eyes at her. “What the fuck, Maj!”

“What? I’m just trying to cheer your hopes up!”

“Alam mo ikaw, parang hindi ka anak mayaman dahil sa kapokpokan niyang bibig mo!” Mahina ngunit mariin kong sita sa kanya.

She just rolled her eyes before flipping her hair a little. Inirapan ko na lang din siya at nagtuloy-tuloy na lang nang pasok sa loob. There’s this one guard who escorted us.

Every step I take sends nostalgia straight to my chest. Parang wala pa ring pinagbago. The same huge trees on the yard were still there. 

The same white and golden brown color of the mansion, the stepping stones buried on the ground, surrounded by green grass that will lead you to the staircase, the long flower box on each side of the structure, lahat ay nariyan pa rin. It suddenly felt like my parents were still alive dahil alagang-alaga ang mga ito. 

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon