Chapter 15

67.8K 2.3K 592
                                    

Chapter 15

He Didn't

I only have three freaking days left. Handa na ang mga papeles namin at maging ang mga bagahe ko... Nakausap na rin ni daddy ang eskwelahan tungkol sa gagawin kong pag-alis ngunit pumapasok pa rin ako para kahit papaano ay makasama ko pa rin si Trix.

Basically, kami pa lamang tatlo nila Trix at Cyprian ang nakakaalam tungkol sa pag-alis ko. Maging kina tita Helen ay hindi ko pa nababanggit. Ayaw din kasi ni mommy. She doesn't want people to worry about her condition... Kung magpapalam man daw ako kina tita Helen kapag aalis na 'ko ay sabihin ko na lang daw na doon na ako sa Los Angeles mag-aaral kasama ang mga pinsan kong nandoon.

"May mga bisita ba kayo?" Tanong ko kay Trix nang makapasok kami sa gate. Dito pa lang kasi sa labas ay dinig na dinig na namin ang mga boses sa loob.

Kunot noo niya akong tiningnan saka nagkibit balikat. "Hindi ko alam... Baka sina Phil lang? Matagal na kasi silang hindi nagsasama nila Colton."

Napatango-tango na lang ako. Baka nga, iba-iba na kasi ang mga kurso nilang tatlo ngayon at pare-parehas na graduating. Ang kaso sina Colton at Phil ay itutuloy pa ang pag-aaral dahil piloto at abagado ang kinukuha nila pero si Kiel ay hindi ko alam... basta ang alam ko lang ay hindi na siya mahihirapan dahil civil engineer naman ang ama niya.

Pagpasok namin ay puro mga naka aero na uniporme ang nadatnan namin sa loob. Sabay-sabay silang tumigil sa ginagawa nila at napatingin sa amin at halos manigas ako dito sa kinatatayuan ko nang makita ko si Cyprian.

Nakatitig siya sa akin habang nakaawang ang bibig ngunit hindi nagtagal ay tipid na lang niya akong nginitian. Ngumiti na lang ako pabalik at nag-iwas nang tingin.

"Oy, nandito rin pala si New Girl!" Biglang sabi ni Ciel at kinawayan ako habang nakangisi. I waved back at him awkwardly.

"Bakit New Girl?" kunot noong tanong ni Cyprian.

Pumalatak ito. "Ah basta, ayoko nang magpaliwanag. Manood kasi kayo ng series minsan!"

Napansin kong may kasama pa silang isa ngunit hindi ko kilala, bago siya sa panigin ko. Si Colton naman ay hindi ko nakita. Baka nasa kusina o ano. Ewan.

"Tara..." Trix said under her breath. Tumango naman ako at umakyat na kaming dalawa sa taas.

"Si Cyprian ah, kung makatingin sa'yo." Nakangising puna ni Trix nang makapasok na kami sa kwarto niya.

I exhaled through my nose as I shake my head slightly. "Nako, Trix wala na akong panahon sa mga ganyan... Alam mo naman ang lagay ni mommy."

Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at sinipat ko siya, hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya at malungkot lang siyang nakatingin sa akin.

"O, bakit naman ganyan ang mukha mo?" I said with a wry smile.

She bit her bottom lip. "Nothing... I just feel bad that you have to get through all of these. You don't deserve any of this, Jess. Not even one bit."

I smiled softly at her. "I think there's reason behind all of these... Isa pa, naniniwala naman ako na maayos ang lahat. This is just a phase and I was born to overcome."

"Yes, you go girl!" She cheered.

We stayed inside her room and watched our favorite movie while cuddling next to each other. We both enjoyed watching the whole movie, we laugh when there are scenes that we both find funny, we get piss when the characters are making the stupidiest decision, and we cry when the movie reach its climax.

That's how it is... No one dared to open the topic about how I'm going to leave Angeles in just three days.

"I'm thirsty..." Basag ko habang tahimik na pumipili si Trix ng susunod na papanuorin.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon