Chapter 39

73.7K 2.6K 1.1K
                                    

Chapter 39

Greatest Possession

“Happy birthday!” Panay pa rin ang bati sa akin ng mga ibang passengers habang dinadaanan nila ako mula dito sa kinauupuan ko. Pababa na silang lahat but I’m still here, waiting for the captain to go out from the flight deck. Everything was set, ang mga lalaking flight attendants na rin ang nagbaba ng mga suitcase na dala namin ni Colton.

“Salamat…” Panay ang pasalamat ko sa bawat bumabati sa akin at matamis silang nginingitian. Beside me was the box of customized cake that this flight attendant handed to me awhile ago. Pinagkanta pa talaga ako kanina ng happy birthday ng mga flight attendants maging ng mga passengers.

I was blushing as hell and it felt awkward pero nonetheless, the feeling of being overwhelmed is the most dominant emotion that I was feeling at that moment, and still, right at this moment. 

Maging si lola na kausap ko kanina ay tuwang-tuwa, she said that I’m so lucky to have Colton as my husband dahil napakasweet daw nito. I’m not gonna lie, despite our arrangement, I do feel lucky to have Colton as my husband… kahit na sa papel lang. 

“Birthday girl…” 

Reality sucked me back real quick when I heard that familiar low and husky voice that only Colton possesses. Para akong nabuhayan ng dugo at mabilis na nag-angat ng tingin sa kanya.

He was on his pilot uniform, standing right beside me, with a soft grin on his face. Wala ng mga pasahero at kami-kami na lang ang nandito sa loob ng eroplano kasama ang crew niya. 

A sweet smile automatically drew across my face but I bit my lip to hide it from him. Baka akala niya ay kilig na kilig ako sa kanya… totoo naman. Pero hindi na niya dapat malaman ‘yon. 

Inilahad niya ang kamay niya sa akin, nodding his head towards the exit. 

“Come on… Bumaba na tayo.” He said. Tinanggap ko naman ang kamay niya at tumayo na mula sa pagkakupo ako. The moment my hand touched his, the butterflies in my tummy went wild. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko para sana kumalma ang sistema ko but then I remembered that he has his crew around. 

Baka kung ano pang isipin nila. 

I used my free hand to reach for the box of cake. 

“Thank you,” I said, slightly raising the box. 

Nginisian niya lang ako. “Akin na…” Kinuha niya mula sa akin ang box at siya na ang humawak noon. Nang pababa na kami ay binati kami ng mga flight attendants na nakatayo pa-exit. Tango lang ang isinagot ni Colton sa mga ito samantalang ako ay nagpasalamat naman. 

“Sandali, iyong mga gamit natin pala?” I told him nang saktong makababa na kami ng eroplano. Magkahawak kamay pa rin kami. Shit. 

“May kukuha sa mga ‘yon…” 

“Saan na tayo niyan pupunta?” I asked him. 

“We will have to travel by air again para makarating tayo sa Amanpulo pero wala pa sina Mr. De Vera.”

Sa Amanpulo daw gaganapin ang anniversary nila Capt. Romero, pwede naman kaming bumiyahe ni Colton papuntang Amanpulo galing Manila pero hassle daw ‘yon dahil ayaw niyang ma stuck sa traffic sa loob ng sasakyan kaya nag eroplano na lang kami. Sasabay na lang daw kami kanila Mr. De Vera dahil saktong may business meeting ito dito sa Puerto Princesa. 

Oo nga naman, mas matagal pa ang pagkaka stuck mo sa traffic pa-Manila kaysa mag travel by air papuntang Puerto Princesa. Witty si Colton sa parteng iyon.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon