Chapter 1

175K 4.3K 312
                                    

It's been five years since I worked at the Moonlight Hotel. Nagsimula ako as a Front desk clerk hanggang sa na-promote ako as Front desk supervisor. Nakatulong din ang pagkakaroon ko ng experience sa kumpanya ni Demitri upang makakuha ng trabaho, but the rest is purely hard work.

Maganda rin pala ang magsimula sa isang lugar na wala kang kilala. Being in a different country gives me the freedom of starting a new life, away from the prying eyes of those people whom I thought I knew, but did nothing but to judge the hell out of me.

Sir Ferdie—our manager— gave me a wide smile as I entered his office. He's warm and charming kahit sa edad niyang fifty years old. I've met his wife and she's just as lovely. In fact, ang cute ng family niya. Filipino din sila, as much as possible kasi mas gusto ng hotel na ito na mag employ ng mga Filipino dahil pinoy din ang may ari.


"Kaylareen, I have a good news." Wow. The last time he called me in his office he also said that line and the next thing I knew, promoted na ako. I smiled at him. "You're getting a promotion."

Napanganga ako. Nanaman? Kaagad? Parang naririnig ko na ang mga hinanakit at selos ng mga workmates ko na naunang nagtrabaho sa akin. Nangyari na din ito dati. Para sa kanila masiyado pang maaga para ma-promote ako dahil baguhan ako.

"We want you to submit your resume for the position as Event Organizer." Nanlaki ang mata ko.


"But sir, I've only been in this company for about five years." Hindi makapaniwalang sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin ng mas malapad.

"Hindi pa ako tapos magsalita miss Vasquez. Hindi mo pa papalitan si Collin as an event organizer." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Si miss Collin kasi ang event planner namin dito, akala tuloy mag re-resign na siya. "We're reassigning you."

"Po?" Hindi ko maintindihan ang gustong sabihin ni sir. Ayokong intindihin.

"We are giving you the position of Event Organizer sa branch sa Philippines." Parang nabingi yata ako. "We want you to work at Moonlight Hotel Philippines."

My breath deepens as I realized what he's saying. Five years na akong hindi uumuwi ng Pilipinas at wala akong balak na umuwi. Alam kong maliit lang ang mundo, but being in the same country as him makes earth even smaller.

"I-I'm sorry sir but I cannot accept your offer." Nawala ang ngiti ni sir Ferdie at kumunot ang noo niya. "My family is here sir. I can't leave them."

He sighed. "Let me tell you this, Kayla," seryosong sabi niya. He never called me Kayla, except kapag magbibigay siya ng advice tungkol sa trabaho ko. "Don't limit your ability. Ibinibigay namin sayo ang trabaho na ito dahil mahalaga ang position na iyon, lalo na at isa sa pinakamalaking branch ng company ang nasa Pilipinas. We're giving it to you because we know you can do it."

Hindi ako nagsalita. I want to accept the position pero sa Pilipinas iyon. I don't want to risk it.


"Your salary as a Front desk manager is twice as large kapag kinuha mo ang trabaho sa Pilipinas. Think about it."

• • •


"Ma?" I called as I entered our house. Ang tahimik kasi masiyado at hindi ako sanay ng walang naririnig na tv or ingay. "Mama? Asan kayo?"

Nakahinga ako ng maluwang nang makita ko sila sa kusina. They immediately turned to look at me.

"Bakit anak? May nangyari ba?" I shook my head. Hindi ko alam kung bakit masiyado akong nag aalala. We're far from our country home and no one knows where we exactly are.

"Mommy!" I smiled when I heard that angelic voice and I opened my arms upang salubungin ang yakap niya. She kissed me on the cheek.


"How's my baby?" She grinned at me and showed me her apron. "I made cake with lola."

Sumulyap ako kay mama na nagsasalang ng ginawa nilang cake sa oven. She raised a brow at me at umiling. Si mama lang ang nakakaalam nung mga panahong ipinagbuntis ko si Riona. When I told her about my pregnancy, she did nothing but to hug me as I cry. She never scolded me, kaya sobra akong naguilty. My father died when I was twelve, that's when we started to lose everything and she started to work at the Crivelli's. Tita Vicky was so nice to even pay for my tuition fees.


"Mommy," Naagaw ulit ng anak ko ang atensyon ko at sinalubong niya ang tingin ko. Hindi mapigilang manlambot ng puso ko habang tinititigan ang mga mata niya. That familiar emerald eyes that I used to stare at everyday. She even got her father's smile.

"Lola gave me car."

Ipinakita niya sa akin ang isang remote controller ng laruan na sasakyan at tuwang-tuwa na pinaamdar ito. Tumakbo na siya papunta sa sala habang pinapaandar ang sasakyan.


"Ma, bakit naman binili mo si Rio ng ganon?" Napakamot naman si mama sa ulo niya.

"Eh iyon ang gusto niya. Itinituro ko nga ang mga manika pero ayaw na ayaw niya." Tumingin ulit ako kay Riona na kinakalikot ang laruan na sasakyan. "Hayaan mo na anak. Minsan lang naman humiling ng laruan yang bata na iyan."

I sighed. Yun na nga eh, minsan lang humingi pero palaging laruan na sasakyan. Namana pa niya sa ama niya ang pagkahilig sa sasakyan. She's a girl for goodness sake. Dapat ay barbie ang mga gusto at pinapanood niya, pero imbes ay mga sasakyan at Cars pa ang favorite cartoon.

Napa-iling nalang ako at pumunta sa harap ni mama upang tumulong magligpit ng mga gamit. "Ma, na promote ako."

Tumigil siya sa ginagawa at ngumiti ng malapad sa akin. "Talaga anak? Congratulations!" Napansin niya yata na hindi ako masaya, dahilan upang mawala ang ngiti niya at kumunot ang noo. "May problema ba?"


"Kasi Ma na promote ako, pero gusto nila na sa Pilipinas na ako magtrabaho." Halatang nagulat din si mama sa sinabi ko. Napa-isip ako. Alam kong mataas ang sahod na makukuha ko kaya nasasayang ako pero ang daming alinlangan. "Wag na. Hindi ko nalang tatanggapin."


Ipinagpatuloy ko ang pag ayos ng mga gamit pero napansin ko na hindi gumagalaw si mama. Nagpanggap lang ako na hindi ko napapansin pero gaya ng dati alam ko na malungkot ang mga mata niyang nakatitig lang siya sa akin. Ayokong nakikitang ganyan ang tingin niya, na parang naaawa siya.

"Anak, don't you think it's time to go home?" Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako nagsalita.

"Ma, hindi pa ako handang bumalik." Ilang beses na niya akong kinumbinsi na bumalik ng Pilipinas pero palaging hindi ako pumapayag hanggang sa napagod na siya at tumigil.

"Kailan ka magiging handa Kaylareen? Lumalaki na ang anak mo. Kailangan na niyang mag aral sa susunod na pasukan. Alam natin pareho na hindi kakayanin ng sahod mo kapag dito siya nag aral." Hindi ako umimik.


"Tinanong niya ako kanina kung nasaan ang papa niya." Agad na umangat ang tingin ko papunta kay mama. "May nakalaro siyang bata kanina, nang bumalik siya sa akin ay nagtatanong na siya tungkol sa ama niya."

Parang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni mama. Pakiramdam ko malapit nang dumating ang oras na ikinakatakot ko. Ang oras na hahanapin niya sa akin ang ama niya. My daughter is freaking smart. Isang bagay na hindi niya namana sa akin, kundi sa ama niya.

Hinawakan ako ni mama sa braso at alam kong nakita niya sa mga mata ko ang takot. Yinakap niya ako. "Anak, uwi na tayo."

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now