Chapter 5

131K 3.9K 81
                                    

I was walking along the street sipping from my coffee while reading a text from my daughter. Lumabas lang ako sandali para bumili ng coffee, hindi ko kasi gusto yung kape sa building ngayon. Napangiti ako, naka perfect score nanaman daw si Riona sa exam nila. Ang talino talaga ng anak ko.

"Kayla!" Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong kakilala. Baka kapangalan ko lang. Tumingin na ako ulit sa harap at nagsimulang maglakad. "Pst! Kaylareen!"

Kumunot ang noo ko at lumingon ulit. I don't see anyone but that voice is somewhat familiar. Nang wala akong makita ay naglakad ulit ako pero mabagal at lumilingon lingon parin ako sa paligid.

"Kaylaaaaaa!" I stopped on my track as I heard my name again. This time kitang kita ko na kung sino ang tumatawag sa akin. She's beaming as she run towards me from the other side of the road as the pedestrian lights turn green.

"Julian!" Gulat na sabi ko nang bigla niya akong yakapin. I hugged her back.


"Kayla! Omg na-miss kita bruha ka! Saan ka nagsusuot? Bigla ka nalang nawala!" Natatawa ako habang malakas ang boses na nagsasalita si Julian sa harap ko.

"Sorry, may emergency kasi nun kaya hindi na ako nakapag paalam." Sandaling kumunot ang noo niya bago ngumiti ulit sa akin. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Bakit mag isa ka?"

"Ah ako ba? Mag iinquire sana ako sa Moonlight Hotel kaso nawala ako." Bigla siyang natigilan at bumalik ang tingin sa akin. "May gagawin ka ba? Tara sama ka na muna sa akin. Marami kang utang na kwento sa akin."

"Teka may trabaho ak—" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla nalang niya akong hinila.


"Dito. Pwede na to." Pagtingin niya sa isang shop na may mga doodle na pagkain at kung anu-ano pa at hinila nalang ako papasok.

"Teka Jules! Seryoso ka ba na dito tayo papasok?" Hindi niya yata ako narinig dahil basta-basta nalang niya akong hinila papasok. Sabay kaming napasigaw at tumakbo palabas nang makitang tattoo shop ang napasukan namin.

"Susmaryosep naman Kayla bakit mo ako dinala sa tattoo shop? Nakita ko pang nakahubad yung lalaki na nagpapa tattoo sa pwet." Binatukan ko siya.

Kahit kailan talaga itong si Jules. Ilang taon na pero parang wala paring pinagbago, engot parin.

"Ako pa sinisi mo? Ikaw tong basta-basta nalang pumasok. Tara nga dun tayo." This time, ako na ang nag lead ng daan papunta sa isang cake shop. We ordered and sat along the couch.

"Ang sarap ng cake dito ha. Kaso ang mahal." She said as she bite another cake and drink from her frappe.

"Marami namang pera asawa mo. Hanggang ngayon patay gutom ka parin, dahan-dahan naman! Babaeng to, baka mabulunan ka." At bigla nga siyang naubo kaya agad naman akong humingi ng tubig sa waiter na mabilis nag abot ng tubig.

"Pwede ba wag kang nagsasalita ng ganyan. Nagdidilang anghel ka eh. Gusto mo yata akong patayin." Napa iling nalang ako kay Jules. "Pero ang ganda nung pwet nung lalaki na nagpapa tattoo kanina. Bilog na bilog."

"Sira ulo ka parin. Bwiset, kita mong tattoo shop tapos dun mo ako hinila."

"As if naman first time mong makakita ng pwet. Saka ang pagkabasa ko Taco Shop." Tinaasan ko siya ng isang kilay. Shunga talaga.

I can see Julian's wedding ring on her finger as she wipes her mouth with a napkin, pati na rin ang pulang singsing ni Maam Vicky. Being a Crivelli really suits her. They needed someone like Julian in their family. She's like a ray of sunshine and a breath of fresh air.

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon