Chapter 12

119K 3.3K 180
                                    

"Why are you here?" Nakataas ang kilay na tanong ko kay Klaus nang dumating siya sa restaurant kung saan kami magkikita ng dapat ay ka-meeting ko para sa event ng Vogel Corporations. Alex just waved his hand at me.

"Alex would you mind sharing to Ms. Vasquez the reason why we are here?" Mayabang na sabi ni Klaus. Tumango naman si Alex na nakangisi lang sa akin habang masama ang tingin na ibinibigay ko sa kanya.

"Ang kaharap mo lang naman ngayon ay ang Vice Precident for operations ng Vogel Corporations." Napanganga ako. Vice President? Paano nangyari iyon eh ang alam ko Driveo Corporationsang hawak niya?

"H-ha?" Paanong naging siya ang VP ng company na pag mamay-ari ng magulang ni Calla? But Vogel Corporations manufactures food! Alam kong magaling magpatakbo ng kumpanya si Klaus dahil kahit naman ganyan yan matalino siya, pero paanong siya? They're not even related!

"What's the matter?" Klaus asked with a smirk on his face. I immediately looked at my folder and my eyebrows furrowed.

"Pero ang nakalagay dito mga Vogel ang may ari ng kumpanya. Hindi ikaw." Klaus laughed.

"Alex?" Tumango nanaman si Alex napa-irap naman ako.

"Yan ay dahil ang mga Vogel parin naman talaga ang may ari ng kumpanya pero ipinagkatiwala nila kay Mr. Driveo ang pamamalakad ng kumpanya." Klaus nodded his head at what Alex said. Napahawak ako sa sentido ko.

"Pwede ba umupo nalang kayo. At saka may bibig ka din naman Klaus! Bakit kailangang si Alex pa ang magsalita para sayo?" They both laughed and sat down at the table.

They were about to sit down when a woman approached Klaus. Napansin ko na nabigla si Klaus sa babae, but she didn't mind. "Babe Wednesday kahapon di ba? I went to our place but you weren't there. I was so malungkot yesterday."

I looked at the girl in a black body con dress. Hindi na ako magugulat, she's exactly Klaus' type. She took a step closer to him and put her one hand on his chest while her other hand went down to his legs na umaakyat pataas. Klaus immediately pulled away, halos mapatalon pa nga siya sa pag atras ng maramdaman ang kamay ng babae.

I heard Alex snickered and when we looked at him it turned into a cough. "Excuse me." Nakahawak na siya sa lalamunan niya ngayon na akala mo nasamid talaga. I rolled my eyes.

"Baby, it was my day yesterday. Nakalimutan mo ba?" Our attention went back to the woman. Klaus made a nervous laugh at sumulyap sa akin. I looked away with a poker face at nagkunwari na hindi sila nakikita.

"Uhm... Pauleen right now is actually not a good time." Nakita kong sumimangot ang babae kay Klaus.

"My name's not Pauleen! She's your Friday!" My head snapped and I looked at the both of them. Nakita kong napangiwi si Klaus dahil sa sinabi ng babae. I heard a laugh from Alex and when I looked at him agad nanaman siyang humawak sa lalamunan niya at umubo.

"Ano ba yan mukhang uubohin pa yata ako." Palusot na sabi niya habang hinahaplos ang leeg.

The woman's phone started to ring and she looked at it before she looked at Klaus again. "I'm going na. See you next week nalang ha?" She kissed Klaus on his cheek before walking away.

Umupo na siya sa harap ko. He cleared his throat. "Uhm sorry, I was.. uh... distracted."

I heavily sighed. Hindi na dapat ako nagulat sa nasaksihan ko. Ever since naman ganyan na si Klaus. Babaero noon, babaero parin hanggang ngayon. Why did I ever think he'll change?

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon