Chapter 3

130K 4K 230
                                    

He froze when he saw me, I don't know but I think I have the same reaction as his. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ito tagpuan ni bathala, pero shit lang, parang biglang tumigil ang mundo ko nang makita ko siya.


The elevator door automatically closes and he immediately pressed a button to prevent it from closing. His eyes never leaving mine. Ilang segundo lang kaming ganon. He blinked twice. I slightly nodded my head as an acknowledgment. Kahit naman papano ay empleyado lang ako, I still work for him. His jaw clenched as he stare at me.


"Kaylareen." He said in a cold tone na para bang ako ang may kasalanan kung bakit ko siya iniwan. Na parang ako ang nagloko. He said it like he didn't beg for me to stay five years ago. I matched his cold gaze.

"Mr. Driveo." I said in full formality. Naramdaman ko ang paglapit ni Alex sa likod ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko kay Klaus.

"Ay Sir, mabuti at naabutan pa ninyo si miss Kayla. Siya ang event organizer na ipinadala ng Moonlight hotel." His eyes shifted from Alex to me.

"In my office." Seryosong sabi nito pagkatapos ay nilagpasan kaming maglakad papunta sa office niya. Nagkatinginan pa kami ni Alex before he shrugged.

"Mukhang badtrip yata si Papi ngayon." Alam ko kung bakit ganyan ang mood niya. I sighed and walked with Alex inside Klaus' office.

"Leave us alone Alex." Nanlalaking mga mata na tinignan ko si Alex at hinawakan siya sa braso. Hindi yata nagets ni Alex na ayokong nagpaiwan sa kanya dahil imbes ay itinaas-baba pa niya ang kilay niya sa akin na parang nang aasar.


"Kilig ka agad." Bulong niya. Mabilis na umiling ako kay Alex. Walangya kang bakla ka wag mo akong iiwan! Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso niya pero nagkagat labi pa siya sa akin. Go girl. He mouthed. Jusko, nagsisimila palang ang friendship namin pero mukhang tatapusin ko na kaagad. Ayoko ng kaibigan na lowgets.

"Labas lang ako sir." Wala na akong nagawa nang lumabas siya at iwan ako mag isa sa loob kasama si Klaus.

We remained silent for a few minutes. Walang ni isa ang nagsasalita. Nanatili lang din ako na nakatayo sa may pinto. Ramdam ko ang titig ni Klaus sa akin pero wala akong lakas ng loob na salubungin ang mga tingin niya, so I concentrated on looking at my black shoes.


"Kayla," He called my name but I didn't even bother to look at him. "You should sit down if we're going to talk about business."

Agad na napatingin ako sa kanya. He looked at me nonchalantly. Like he doesn't know me his whole damn life. Yung tingin na parang hindi siya naghabol sa akin noon. But what was I expecting? That he'll smile for me the same way he does five years ago?

I slowly walked towards the chair in front of him. I shouldn't feel weak, lalo na at nandito siya sa harap ko. Wala akong kasalanan. It was him who did all those moronic things. I shouldn't feel guilty for leaving him. It was the right thing to do.

"Sir, these are the proposed set up for the event Ang sabi ni Sir Alex, you want the hotel to accommodate 500 guests." I started. Inilapag ko sa harap niya ang isang portfolio at hindi pinansin ang pagtitig niya sa akin. Ni hindi niya manlang sinulyapan ang mga litrato sa harap niya. "This is the Gallant room at the Moonlight hotel, this is the biggest room—"

"Where have you been hiding?" I ignored him and continued talking about the event

"As I was saying, I was informed that you want the party to be held at the biggest event room of our hotel—"


"You've gain weight." Huminga ako ng malalim bago nag deretso sa pagsasalita.

"Since you're celebrating the 100th year of your company, you want it to be a party of glamour and glitters. I was told that you wanted a great Gatsby theme."

"You've got your natural hair color back." I raised my head and looked straight into his eyes not minding my rapid heart beat na parang gusto nang kumawala sa rib cage ko.

"Sir, we're here to talk about the company's anniversary party. So please." Hindi siya nagsalita at deretsong nakatitig lang sa akin.

"Kaylareen we need to talk." I closed my eyes and I took a deep breath. Calm down Kayla. Hindi ako magpapadala sa mga ganyang pananalita niya. Minsan na akong nabilog at naniwala sa kanya. Hindi ko na ulit hahayaan na mangyari pa iyon.

"We are talking right now Sir, at ang dapat lang natin pag usapan ay tungkol sa trabaho. Wala nang iba."

"I thought we were alri—" Natigil siya sa pagsalita nang bigla akong tumayo.

"Sir, kung wala kang balak na pag usapan ang tungkol sa trabaho, aalis na ako. Wag na tayong magsayang ng oras." I took the folder and turned my back at him. I immediately walked towards the door. Inikot ko na ang knob pero agad din itong nagsara nang itulak ni Klaus.

Galit na humarap ako sa kanya pero mukhang mali ang naging desisyon ko dahil pag harap ko nakalapit ang mukha niya sa akin. His hands are both at the side of my head, trapping me. He's looking at me with all seriousness pero hindi ako nagpatalo. Tinitigan ko din siya kahit na ang gusto ko talagang gawin ay tumakbo palayo.


"Why did you leave?"

"You already know the reason." Seryosong saad ko sa kanya. His jaw clench at the thought.

"Bullshit." He said through gritted teeth before he turned his back at me and left me. Pumasok siya sa isang kwarto at iniwan akong mag isa sa loob ng opisina.

I felt my knees weaken as I stood there looking at him walking away. Again. Bumagsak ang isang luha sa mata ko at agad ko iyong pinunasan. Tumakbo ako palabas at hindi ko na pinansin si Alex nang tawagin niya ang pangalan ko. My eyes are starting to pour tears and this is not a good sign.

Natigil ako sa pag takbo ng may makitang babae na pumasok sa main entrance. Ang lawak ng ngiti niya sa mga tao. All are smiling back and greeting her like she's an angel, but I should know better. She's a devil behind that angel face.

Sumabay ako sa isang grupo ng mga empleyado upang hindi niya ako makita. She's the reason why I left. She's the reason why my daughter doesn't have a father right now. Kahit gigil na gigil akong sabunutan ang kagaya niya, wala akong magawa dahil wala naman akong karapatan. Alam ko ang paglalagyan ko at hindi iyon sa tabi ni Klaus.

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon