Chapter 6

126K 3.3K 80
                                    

Nakayuko lang ako at naglalakad mag isa habang tulala. Wala ka talagang makukuhang magnda sa pakikinig sa usapan ng ibang tao. Alam ko naman yun eh. Crush lang naman to pero masakit parin pala kapag nalaman mo na wala ka manlang pag asa na maging crush ng crush mo.

"Are you alright?" Inangat ko ang tingin ko mula sa sahig. Nakita ko si Demitri na may soot na headset at nakatingin sa akin. Tumango ako. "You want some ice cream?"

"Salamat nga pala dito." Tumango naman siya. Naglalakad kami habang kumakain ng ice cream na nilibre niya sa akin. Parehas kaming tahimik habang naglalakad. Alam ko naman kasi na hindi pala salita si Demitri kaya hindi na ako nagtangka na gumawa ng topic na pag uusapan namin.

We both stopped and sat on a bench while we eat. Papalubog na ang araw at kitang kita ko ang pagpula ng langit. Ang gandang tignan.

"You know, we're still young." Tumingin ako kay Demitri nang magsalita siya, pero deretso lang ang tingin niya. "Darating ang araw, kabaliktaran ng nangyari ngayon ang mangyayari sa sunod. Don't worry."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya sa akin. Ito ang pinaka-unang pagkakataon na ngumiti siya sa akin ng ganyan. Ibinalik na niya ang tingin sa harap namin. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito.

"You'll see." He said while smiling.

• • •



"Kaylareen!" Itinaas ni Klaus ang kamay niya upang makita ko kung saan sila nakaupo pero imbes na ngitian ko siya ay umirap lang ako.

"Here's your lunch." Nakangiting inabot sa akin ni Klaus ang pagkain pero hindi ko iyon kinuha at tinitigan lang. Yung usual nanaman na pagkain.

"Ayoko niyan. Sawa na ako." Sabi ko sa kanya bago tumingin kay Demitri. "Bili lang ako ng pagkain."

Dumeretso na ako sa may counter at pumili ng lunch ko. Habang naghihintay ng sukli, lumingon ako at nakita ko lang si Klaus na nakatitig sa pagkain na binibigay niya sana sa akin kanina pero wala akong pakealam. Hanggang sa makabalik ako ganon parin siya.

"Asan si Mira?" Tanong ko nang makalapit. Lumingon pa ako sa paligid pero di ko siya nakita.

"Home. She hates school." Simpleng sagot ni Demitri. Bigla akong umiwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin. Simula nung ngumiti siya sa akin ng ganon wala nang ibang ginawa ang puso ko kundi ang mag alburuto kapag nakikita siya.

"Dito nalang ako uupo ha." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Demitri o ang reaction ni Klaus dahil agad na akong umupo sa tabi ni Demitri.

"Why?"  Naguguluhang tanong ni Klaus nang hindi ako tumabi sa kanya pero hindi ko siya sinagot. Agad siyang umiling. "Hindi mo na ba paborito ito?"

"Ikaw kaya pakainin ko ng kare-kare araw-araw?" Mataray na sabi ko sa kanya at yumuko na ako upang kumain. Tumingin naman siya kay Demitri.

"What did I even do?" Naguguluhang tanong niya.


Tinawag ni Klaus ang dumaan na babae sa gilid namin at ibinigay ang pagkain na ibinili niya kanina para sana sa akin. Para namang kiti-kiti ang babae na pinagbugyan ni Klaus habang naglalakad palayo.

Luh, landi bes. Sarap batuhin nitong lamesa.

"Moron." Simpleng sabi ni Demitri.

"Is it that time of the month?" Tanong ni Klaus sa akin. Inirapan ko lang siya. Oo nga at may period ako ngayon pero wala iyong kinalaman kung bakit inis na inis ako sa kanya. Parang kahit makakita ako ng isang butil ng buhok niya naaalibadbaran ako.

"Pwede ba Klaus? Lumayo layo ka sa akin kung ayaw mong unatin ko isa-isa yang kulot mong buhok." He frowned pero wala akong pake. Bala siya diyan.

Patuloy lang ako sa pagkain, wala ni isa sa amin ang nagsasalita pero ramdam ko ang tingin ni Klaus na hindi niya inaalis sa akin simula pa kanina. Since nakaharap ako sa may pinto, nakikita ko kung sino ang pumapasok ng canteen.

"Klaus," He immediately looked at me. "Si bebe girl mo."

"Huh?"

"Sabi ko si Calla nasa likod mo, bobo." Mataray na sabi ko sa kanya. Napakurap pa siya ng ilang beses bago na gets yung sinabi ko. Bumuntong hininga muna siya bago lumingon sa direction ni Calla.

Ngumiti si Calla nang makita si Klaus at naglakad palapit sa lamesa namin. Habang tinitignan ko siya, parang may anghel na naglalakad. At teka, san ba galing yung wind effect at lumilipad pa yung buhok niya habang naglalakad? Lumingon ako sa paligid nakita ko ang cooler fan sa gilid na nakatutok sa kanya. Bwiset, centralized aircon naman pero may ganyan pa.

"Klaus." Gusto kong umirap nang marinig ang boses ni Calla lalo na nung umupo siya sa tabi ni Klaus.

"Hi. What's up?" Itong isa kung makangiti parang ngayon lang nakakita ng maganda. May lahi lang naman yan kaya gumanda.

"Can you come with me for a bit? I need help. My car won't start." I made a sour face. Anong akala niya kay Klaus? Mechanic? Paraparaan din ng babaeng to.


"Sure," Kaasar talaga itong lalaki na to. Halata naman na nagpapa-cute lang si Calla sa kanya.

"Tulungan ko lang si Calla." Paalam ni Klaus, tumango naman si Demitri hindi ako sumagot. Sandali pa siyang nakatayo doon bago bumuntong hininga at umalis kasama si Calla.

"Double dead na yang porkchop mo." Agad akong lumingon sa natatawang si Demitri sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa pagkain ko kaya sinundan ang tingin niya. Oo nga, masiyado ko na palang kinakatay yung porkchop na nasa pinggan ko. "Chill with the knife, Kayla."

Namula ako dahil sa sinabi niya at hindi nakapag salita. Nakakahiya, baka isipin niya nag seselos ako kay Klaus at Calla.

"Remember what I told you last time? It'll happen." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Demitri. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin maintindihan yung sinabi niya. "Just wait."

Hindi ko siya nagets kaya tumango nalang ako. Ngayon ko lang na-realize na may pagka weirdo din pala itong lalaki na ito. Basta-basta nalang siya magsasalita ng mga bagay na hindi mo maiintindihan.

Tumayo na siya kaya napa-angat ang tingin ko kay Demitri. He's looking down at me.

"Aren't you going back to your class?" Tanong niya. "Tara."

Tumayo na ako at sinabayan siya sa paglakad pabalik sa building namin. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung bakit sobrang kumportableng kasama ni Demitri. Hindi naman siya palasalita pero ngayon na alam ko na kung paano siya ngumiti hindi mapigilan ang kiligin kapag magkasama kami.

Nakasalubong namin si Klaus at Calla na nagtatawanan. They stopped when they saw us and Klaus' smile immediately vanished. Inirapan ko lang siya.

"Demitri, tara na?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at sabay kaming umakyat ng hagdanan leaving Klaus and Calla behind.

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon