Chapter 28

109K 3K 279
                                    

"Mommy are you ready?" Kinakabahang nakatitig lang ako sa sarili ko sa harap ng salamin at nang makita na medyo gusot ang damit ko agad ko iyong inayos. "Mommy lets go! Daddy's waiting na!"

Huminga ako ng malalim bago humarap kay Riona na kanina pa naiinip dahil ang tagal ko daw mag ayos. Palibhasa siya kahit anong isuot niya mahal siya ng daddy niya.

"Baby am I beautiful na ba?" Nanlaki ang mata ko nang irapan ako ni Riona. At kelan pa natutong gumanyan ang anak ko?

Sinasabi ko na nga ba. Hindi dapat si Alex ang nag aalaga dito eh, ang daming kabaklaan na natututunan ni Riona.

"Mommy you're beautiful kasi I'm beautiful too, right? Let's go na!" Hinila niya ako palabas at halos magkanda hulog na ang susi ko sa pagsara ng pinto dahil sa kakamadali ni Rio. Mukhang mas excited pa siya sa birthday ko kesa sa akin.

Kinakabahan ako dahil ngayon nalang ulit kami magkaka-sama ni Klaus. Two months. I endured two months of him not talking and avoiding me but this time, I swear, I want him back.

I'll get him back.

Nang makababa kami sa elevator, agad kong nakita si Alex sa lobby kaya napakunot ang noo ko. He's giving me an awkward smile as he walks towards us and I'm already having a feeling that Klaus won't be here.

"Hi tito Alex!" Humalik si Riona sa pisnge ni alex bago inilibot ang tingin sa paligid. "Where's daddy?"

"Uh, something came up at his work baby Riri, that's why I'm here, he asked me to go with you today." He immediately added, "He also sent a car and driver para samahan tayo buong araw." I ignored what he said.

Hindi ko kailangan ng sasakyan at ng driver. Kahit maglakad lang ako maghapon basta nandito siya.

"Kahit ngayon may trabaho siya?" Kahit birthday ko? He gave me an apologetic smile.

"I'm sorry. May emergency kasi sa company nila Calla." I sighed. Para akong pinagbagsakan ng langit ng marinig ang sinabi ni Alex. What did I even expect?

Truth is, I tried to contact him since last week and made many excuses just to see him but he had only met me once, at yun ay para lang pag usapan ang enrolment ni Riona para sa pasukan. Dun na din kami nag simulang magplano para sa ngayong araw—na nakalimutan niya kung anong meron kung hindi pinaalala ni Riona.

His time was never an issue to me in the past. Even though he would always choose Calla over me. Kasi bakit nga ba ako magagalit? He has chosen Calla over me plenty of times before he told me he loves me. He has chosen her throughout our teen and relationship years.

It was just one time. One time when I've had enough of him giving me little attention which has led us in the situation where we are in right now... and yet, he still chose her hanggang ngayon. He's still there... he's still there when he said not long ago that he will choose me from now on.

Sa lahat ng beses na sinabi niyang mahal niya ako, hindi ba pwedeng panindigan naman niya?

Little by little, all the strength that I have mustered just to be close to him again are starting to melt away. Why can't he assure me and then stay? Kahit ngayon lang?

Kahit ngayon lang ako naman ang unahin niya.

Riona and I went to an amusement park, hindi ko sasayangin ang araw na to para mapasaya ang anak ko. Alam ko kasing gustong pumunta dito ni Riona kaya gusto ko na dito nalang kami pumunta. She's still a kid kahit na mature na siya paminsan-minsan mag isip.

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now