Chapter 15

122K 3.9K 397
                                    

"Good afternoon Sir!" Bati ni Alex kay Klaus nang dumating siya sa opisina niya. Kanina pa din ako nandito at nag didiscuss kay Alex tungkol sa party. Tumingin sa akin si Klaus at nag iwas naman ako ng tingin.



Nagkasakit kagabi si Klaus, di ko akalain na papasok na kaagad siya ngayon kaya naman kay Alex muna ako nakikipag-coordinate pag dating sa trabaho since a week from now is the party. I'm here to finalize the invitations before we send it to the invited guests.



"Good afternoon Alex. Kaylareen." He greeted the both of us. Tumango lang ako sa kanya at pilit na ngumiti.


"How are you feeling sir?" Nakangiting bati ni Alex sa kanya.


"Fine... I guess." Nakakunot ang noo ni Klaus habang nakatingin kay Alex.


"Mabuti naman po at maayos na ang pakiramdam mo. Akala ko nga po di ka makakapasok ngayon. Tawagin niyo lang ako Sir if ever you need me, you don't have to beg... charot!" Kumunot ang noo ni Klaus. Sinipa ko sa paa si Alex. "Aray! ...Yayay I'm your little butterfly.. ay napakanta lang po."

Klaus nodded his head but he just stood there like he's thinking something na nakalimutan niya. Ni hindi nga yata niya napansin yung pagkanta ni Alex sa lalim ng iniisip niya.


"May kailangan pa po ba kayo sir?"



He cleared his throat before he talked then he glanced at me. "Alex, last night, when I was sick... nothing happened right?"


"Anong klaseng happened ba yan sir?"


"Like... happened happened." He cleared his throat. Alex presses his lips together, halatang nagpipigil ng tawa. He struggled to keep a straight face.


"Like kiss sir? Ganern? Yung laplapan?" Napaubo si Klaus dahil sa sinabi ni Alex. Pasimpleng sinipa ko nanaman yung bakla. Hayop na to. Sasabunutan ko siya mamaya kahit panot siya. Kunwari naman na hindi siya nasaktan sa sipa ko. "Ay wala sir. Swerte ko nalang kung meron di ba. Hindi ko yun papalampasin."


Tumango naman si Klaus na ngayon ay namumula na ang tenga. "Alright. Thanks for the food you brought last night. I'll see you in a bit."


"You're very much welcome my poging Sir. Papasok nalang kami ni Kayla!" Malawak na nakangiti lang si Alex habang nakakunot naman ang noo nung isa at halatang pinipilit lang na ngumiti habang papasok ng opisina niya.


"Baklaaaaaaa!" Agad ko naman na tinakpan ang bibig ni Alex. Inalis naman niya iyon kaagad. "Nakalimutan niya bakla! Sayang! Sana ako nalang yung pumunta para ako yung nahalikan total nakakalimot naman siya."


"Tumahimik ka." Bulong ko sa kanya.


Alam ko na makakalimutan ni Klaus yung nangyari kagabi. He kissed me and I kissed him back pero bago pa man mapunta sa kung saan ang mainit na halikan naming dalawa, nakatulog na siya at laking pasasalamat ko dahil ganon lang ang nangyari.



Sa tagal naming magkaibigan ni Klaus, alam ko na kapag sobrang taas ng lagnat niya may mga bagay siyang nakakalimutan pero hindi lahat. That's why I made it clean. I erased every trace of me being there inside his unit. I even erased his call history and dialed Alex's number. I just tried to enter his old password. Yung password niya sa kahit anong account niya, I was shocked that it worked on his phone. It was my birthday.



Kahit ang guard sinabi ko na wag banggitin kay Klaus na pumunta ako doon. I made some lame excuse mabuti nalang pumayag si kuyang guard. I also had no choice but to tell Alex what happened. Kung hihingi ako ng pabor sa kanya alam ko na kukulit-kulitin niya lang ako.



Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now