Chapter 9

125K 3.8K 231
                                    

"Kayla, I hope that you're aware that your performance for the last two months is disappointing." Gerard said with a serious face. Napayuko ako at nakagat ang labi ko sa sobrang hiya.


Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya. Disappointing is actually an understatement for everything, alam kong ganyan lang ang ginamit niyang salita dahil mabait si Gerard. I held three projects and it was all a disaster. Lahat palpak. Kahit ako ay disappointed sa sarili ko. I know I could've done better in all those events but I just couldn't concentrate. Masiyado akong districted kay Klaus and I shouldn't be.


Binitawan ko na ang event para sa company nila but I didn't expect that our paths would always cross. He's just everywhere I go. Sa mga parties, sometimes even with my meetings with the client. Hindi ko naman expected na kaibigan o stock holder siya ng mga company ng project na hahawakan ko. Mawawalan talaga ako ng trabaho dahil sa kanya.


"I'm giving you another chance." He took a folder from the side of his desk at inilagay sa harap ko. Kinuha ko iyon at binuksan. "This is an important event, there will be guests from overseas. Malalaking pangalan ng mga tao ang pupunta sa party na yan. So do everything that you can to make it successful. I know that you're good at your job Kayla. Don't screw it up."

I went back to my cubicle in the office and stared at the folder. Kung sino o ano man ang event na ito, gagawin ko ang lahat para maiayos ito. I can't lose everything that I have right now dahil may anak akong binubuhay. I took a deep breath and opened the folder.

Vogel Corporations

Halos manigas ang buong katawan ko nang mabasa ang pangalan ng company na nakalagay folder. There's only one family with that surname in the Philippines and I know very well the heiress, I know her too well.


"No matter how hard you try to dress up you can never be as beautiful as me." Inirapan ko si Calla na nasa tabi ko at hindi siya pinansin. Bakit ba kasi nandito ang babaeng to? Ang usapan namin ni Demitri at Klaus kami lang ang magkakasama ngayong gabi. Ngumisi siya sa akin. "Did you honestly think that you can have them both in your hands? Don't think so honey."



Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya na umupo sa tabi ko. Ang tagal naman kasing dumating nung dalawa. Dapat kanina pa sila nandito sa sala kung saan kami magkikita-kita.


Hindi ko alam kung bakit hindi makita ni Klaus kung gaano kasama ang ugali ng babaeng to. Anghel masiyado sa paningin niya pero kapag wala siya? Lumalabas ang sungay, lalo na pagdating sa akin. Tumawa siya ng malakas. Para sa ibang tao mala anghel ang tawa niya, pero para sa akin pang kontrabida sa pelikula. Yung tipong may pinasabog na bus tapos tumatawa pa siya habang pinapanood na nasusunog yung mga tao sa loob. Ganon.


"Don't really see what tita Vicky sees in you. She said you're just like your mom... so does that mean you're also meant to be a maid?" Tinignan ko siya ng masama. Secretary nga ang mama ko at hindi katulong. Ang kukulit.


"Pwede bang kahit minsan Calla itikom mo yang bibig mo kapag tayong dalawa lang? Maging anghel ka kagaya ng ipinapakita mo sa ibang tao. Apply mo din pagiging plastic mo sakin minsan."


Hindi ako pumapatol lalo na pagdating sa kanya dahil alam ko kung gaano siya kaimportante kay Klaus at kahit inis na inis ako sa lalaking iyon, kaibigan ko pa rin siya. Pero sa pagkakataon na to hindi ko na napigilan dahil dinamay na niya ang mama ko. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko dahil nasanay siya na hinahayaan ko lang siya na laitin ako. Pumalakpak siya ng dahan-dahan at tumawa.



Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now