Chapter 12- Lagot si Inday!

2.3K 62 0
                                    

Liezel POV

Umalis na din kami kaagad ni Ange dahil nagyaya siyang kumain, nagutom yata sa kakasalita kanina. Hahahaha!

😃

"Anong gusto mo kainin Liz?"

"Kahit ano pero yung mura lang at kahit pika-pika lang kasi sa bahay na ako kakain ng dinner."

🤔

"Ahm?? Sige, sa may dapitan na lang maraming tusok-tusok doon may dynamite pa nga eh tsak magugustuhan mo din iyon."

"Ayos lang kahit saan basta ba ako naman ang manlilibre sa iyo para naman makabawi sa mga nagawa mo sa akin."

"Naku wala yun Liz, we are friends and di naman ako naghahanap ng kapalit sa tuwing tumutulong ako. Tara na nga para makauwi ka na rin agad at di na mag-alala ang nanay mo kanina mo pa kasi tinitignan ang phone mo."

"Pasensya na ah! si Inay kasi kanina pa nagti-txt sabi ko naman sa kanya na uuwi din ako agad kapag natapos na ang meeting."

Naglalakad na kami papunta sa dapitan gate para makabili ng snack, nagsend na rin ako ng message kay inay na kakain lang kami saglit pagkatapos ay diretso na ako sa bahay.

*BUMP!*

😣

"A-aray! ang sakit ng pwet ko, ang lakas naman nung pagkakabangga sa akin. S-Sino ba yun?"

"Liz ayos ka lang ba? Halika tulungan na kitang tumayo."

Nakatayo na ako sa tulong ni Ange pero ang sakit ng pwet ko pramis, lalaki siguro yung nakabangga sa akin ang lakas eh, nasaktan pa ako ng ganito.

"Grabe naman yun sa sobrang pagmamadali di man lang tumigil para tulungan ka o kaya mag-sorry man lang."

"Hayaan mo na Ange kakarmahin din yun, hayz! minamalas talaga ako ngayon."

"Di naman, aksidente lang yung nangyari kanina sa meeting. Tapos yung nangyari ngayon kagagawan ng taong nakabangga sa iyo, nagkataon lang na ikaw yung nasa daan nung nagmamadali siya. Naku wag mo na lang alalahanin lahat ng yun at nandito na tayo kaya kumain na lang tayo para mapawi ang gutom natin."

"Manong pabili nga ho ng isaw at barbeque

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Manong pabili nga ho ng isaw at barbeque."

"Sige mga iha kuha lang kayo diyan tapos mamaya na yung bayad basta sa barbeque (15 pesos), sa isaw (5 pesos) meron din balot kung gusto niyo (14 pesos)." sabi ni manong

"Kuha na Ange, kumakain ka ba ng isaw? Baka meron pang iba dito sa paligid, bibili lang ako nitong isaw at barbeque tapos hanap pa tayo ng iba."

"Hindi ako kumakain niyan eh, pero okay ako sa barbeque. Go din ako kung makakaikot pa tayo, marami pa yata sa kabila."

"Mga iha ito na, bale (20 pesos) lahat."

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now