Chapter 18- Truth or Dare

1.7K 68 0
                                    

Angela POV

Nandito ako ngayon guys sa isang birthday party, honestly ayaw kong pumunta dahil nga wala naman din akong kasama at makakausap dito but luckily for me nakita ko yung isang kaibigan ko. Strict ang parents ko kaya minsan nakaka-attend ako lalo na kung kilala nila yung magulang pero kung hindi naman eh sa bahay lang ako. In this case, friend ni Papa yung parents ng birthday celebrant.

"Liz halika dito ito lamesa kumain na tayo para mahanap na natin si Chelsea."

"Mabuti pa nga."

"Kasabay mo ba si Chelsea dito nung dumating ka, baka naaalala mo pa kung saan kaya nagkahiwalay. Andami din kasing tao ngayon kaya baka mahirapan tayo."

"Naku hindi ko siya kasabay, si Tristan ang kasabay kong dumating dito. Alam ko may nagsundo sa kanya kanina, nauna kasi silang umalis sa amin. Di ko nga lang kilala kasi ang nabanggit lang sa akin ni maam Beth na meron daw kaming makakasama na magbabantay na din."

"Hayz! Yung babae talagang iyon kung saan-saan nagsu-susuot. Hayaan mo dalawa naman tayong maghahanap at magtatanong kaya madali lang din yan." sabi ko na lang sa kanya

Naubos na ang mga pagkain na kinuha namin kaya niyaya ko na si Liz na hanapin si Chelsea. Kung kani-kanino kami nagtatanong, san-san na rin kami napupunta dahil sa mga tinuturo nila. Dapat nga madali lang ito dahil Chelsea is one of the most popular girl in the university kaya kahit saan siya magpunta dito mapapansin mo kaagad siya.

"Ange halika doon sa may pool, nabanggit kasi nung Clara na nandoon daw siya kasama nung celebrant."

Pinuntahan na namin sina Chelsea sa pool sana naman walang mangyaring masama, para kasing kinakabahan ako.

............................................................................................................

After a few minutes........

Liezel POV

Nang makarating kami sa pool area napansin ko ang mga taong nakaupo habang nag-iinuman at nakababad sa tubig ang mga paa.

"Chelsea, kanina ka pa namin hinahanap." sabi ni Ange

"Excuse me sino ka?" tanong naman nito

"Excuse me ka diyan, hindi ba nasabihan ka naman na siguro na kasama mo si Liezel sa party." sagot naman ni Ange

"I don't care at isa pa kasama naman niya na dapat si kuya, siya ang plus one niya di ba. And I don't need a babysitter besides nandito na si Alex para magbantay sa akin. Di ba sweetie."

"Nakakainis itong babaitang ito." pabulong na sabi ni Ange

"Lumayo na nga kayo guluhin niyo na lang si kuya Tristan kaysa ako."

"Tara na nga Liz, wala naman na tayo magagawa dahil matigas ang ulo ni Chelsea. By the way Katherine Happy Birthday." sabi ni Ange habang hinahatak ako papalayo.

Pinigilan ko siya bago pa kami makaalis ng area, pinaki-usapan ko na lang siya na within the pool area na lang din kami mag-stay para ba nakikita ko ang kilos ni Chelsea. Noong una pinipilit pa rin niya akong lumayo malaki naman na daw si Chelsea hindi na kailangan ng yaya pero ang sagot ko na lang sa kanya ayos lang kahit iwanan na lang niya ako dito kasi di ko talaga pwedeng hindi bantayan si Chelsea baka ako naman ang malagot o worst matanggal sa trabaho si inay. In the end naiwan na lang din siya kasama ko.

"Ay! Naku kung hindi lang kita kaibigan, eh naiwanan na kita dito. Sasamahan na lang kita hanggang mamaya."

"Salamat Ange, pasensya na sa abala pati ba naman ikaw napabantay na rin."

"Ayos lang at least may makakakwentuhan ako dito."

Mula dito sa kinau-upuan namin ay makikita ang ginagawa ni Chelsea at ang mga kasama niya. Nandoon pala si Ms. President at yung iba pang miyembro ng cheer squad, yung iba naman di ko kilala.

"Bakit nga pala wala ka kahapon?" biglang tanong ni Ange sa akin

"Ah! Eh! madami lang trabaho nakakahiya kasi kay inay ilang araw na din ako di nakakatulong sa kanya, kaya naisip ko aabsent na lang ako kahapon tutal dalawang subject lang naman ang namiss ko."

"Gagawin mo ba yan every Saturday? Baka naman maapektuhan niyang ang grade mo yung isang subject pa naman major."

"Naku hindi marami lang talagang ginagawa kahapon kaya naisipan kong tumulong. Sinubukan ko naman humabol at makapasok kaso late na din pala kaya di ko na tinuloy."

"Guys tara laro tayo Truth or Dare" narinig kong sabi ng celebrant

Nagulat na lang ako kasama na kami sa laro dahil nga yung iba sa kanila di maglalaro. Sino ba naman ang makakatanggi kapag yung birthday celebrant na ang nagyaya. Ang mga kasama namin ni Ange na maglalaro ay sina Katherine, Chelsea, Clara, AJ, Tina, Claire, Jen, Toni, Josie at get this di ko akalain na sasama siya ang tinutukoy ko guys ay si a.k.a ms. Antipatika, a.k.a ms. President.

Ang mechanics daw ng game, spin the bottle once na tumama sa iyo you need to drink the beer first and then you need to choose Truth or Dare. Malalasing pa pala kami dito.

Nagsimula kay Katherine ang pag-spin ng bottle syempre siya ang star ngayong gabi kaya dapat lang mauna siya. Tumigil naman ito kay AJ, siya pala ay kapatid ni ms. President.

"Nice AJ, drink! drink! drink!" sabi naman nila

"Okay AJ, Truth or Dare?" tanong ni Katherine

"Truth!"

"Hayaan niyo na guys simula pa lang din naman marami pang chance. Truth? Ahm sige ito AJ "Who here would you most like to make out with?"

"No one." maikling sagot niya

"Boo! ano ba yan AJ yung totoo wala talaga. Wala na boring na." sabi ni Josie yung isa pang bakla sa squad

"Okay lang guys, yun ang sagot niya wala naman tayong magagawa. Tuloy lang, AJ iikot mo na yung bote." sagot ni Katherine

Nagpatuloy lang ang laro mostly Truth ang nangyayari pero meron din naman Dare. Katulad nung nag-dare si Toni inutusan tuloy siya ni Chelsea na magbabad sa pool, ngayon basang-basa na siya. Yung kanina naman na-dare si Tina to let the group pose her in an embarrassing position and take a picture, at sinunod naman niya. Last dare na nangyari ay ginawa ni Josie, si Claire naman ang nag-utos yung bang give someone from the group your phone and let him/her send one text to anyone in his contacts.

Lahat na yata sa group ay natapos na pero ako hindi pa. Halata din na lasing na ang mga tao dito. Si Chelsea na ang magpapa-ikot sa bote at saktong tumigil kay Alex.

"Aba kung siniswerte ka nga naman Chelsea." pasigaw na sabi ni Toni

"Baliw kang bading ka, pagpasensyahan mo na sila Alex." sabi ni Chelsea habang nakatingin sa kanya.

Lasing na lasing na yata itong si ms. President mukhang di sanay sa alak.

"Truth or Dare?" tanong ni Chelsea

"Truth" sagot naman nito agad

"Ano ba yan Alex KJ ka naman sige na para sa akin, please choose Dare. Birthday ko ngayon kaya pagbigyan mo na ako." singit ni Katherine

"Oo nga regalo mo na yun" sabi naman nung ibang squad members

"Kaya bahala pero please discreetly." yun na lang ang nasabi niya

"Sweetie para sa Dare mo, "you need to kiss one person from this group"

Tumayo na siya sa pwesto niya kinikilig na parang ewan yung mga tao na makita nilang papalapit na siya kay Chelsea pero nagulat na lang ako sa mga nangyari.


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong eighteenth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin