Chapter 63- Maldita

762 41 2
                                    

Here's another update applefabiala ! Thanks for reading the story :)
Enjoy everyone !!!!

Liezel POV

"Nay tapos na po ako."

"Anak kanina pa tumutunog yung telepono sa sala paki sagot naman may ginagawa pa yung iba."

Mabilis akong nagpunta sa sala. Si Sir Antonio pala ang tumatawag hinahanap si Mam Chelsea at Sir Tristan.

"Sandali lang po Sir tatawagin ko lang po si Mam Chelsea nasa labas lang po siya."

Ibinaba ko muna ang telepono at lumabas ako para tawagin si Mam Chelsea.

May kausap yata, sino kaya yun?

"Mam Chelsea may...."

"Ikaw!"

Bakit kaya siya nagagalit at sa akin pa talaga. Ako itong kakarating lang tapos idadamay ako. Nilapitan niya ako na parang mananakit nang humarang si Alex.

"Itigil mo yang binabalak mo, kapag itinuloy mo yan ako ang makakalaban mo." galit na sabi ni Alex

"Pumasok ka na nga Inday! Hindi ka namin kailangan dito." pasigaw na sabi ni Mam Chelsea

"Pero mam may...."

"I said leave!!!"

"Pumasok ka na sa loob Liezel. Ako na bahala sa kanya." yun na lang ang huli kung narinig sa kabila ng pangyayari

Sana naman magbati na sila at huwag pang idamay ang mga tao sa paligid.

Paano kaya ito, nakakahiya naman kay Sir Antonio.

"Hello po sir? Pasensya na po kung pinag-antay ko kayo, Ahm?..

*Toot!**Toot!*
*Toot!**Toot!*

Patay! Wala na siya sa linya. Hindi ko pa naman alam kung anong number ni Sir, kasi naman ngayon pa sila nag-away ayan tuloy. Hayz!! Magpapaliwanag na lang ako kay Sir Antonio mamaya.

Makabalik na nga.

"A-Aray! Ano ba?"

"Saan ka naman pupunta babae ka?"

"Bitawan mo ako Chelsea. Ano ba nangyayari sa iyo?" sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niya sa buhok ko

"Dapat lang sa iyo makalbo, mang-aagaw!"

"Wala akong kaalam-alam kung bakit mo ito ginagawa sa akin pero lalaban ako, anong akala mo basta-basta na lang kita hahayaan na saktan ako. Tumigil ka na!!"

Natanggal ko na ang mga kamay niya at napa-upo naman siya sa sahig dahil sa impact ng pagkakatanggal ko.

"Bumalik ka dito Inday ka!!"

Tumayo siya at papalapit na sa akin ng dumating ang ibang mga kasamabahay para pigilan si Chelsea na sumugod.

"Mam tama na po iyan."

"Pag-usapan niyo na lang po ni Liezel kung ano man ang pinag-aawayan niyo." sabi naman nung isa

"Awatin niyo muna sila tatawagin ko lang sina Manang Luz." sabi nung pangatlong katulong habang pabalik sa kusina

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon