Chapter 43- Kababata

1.1K 40 0
                                    

Liezel POV

"Liz kamusta buhay sa maynila?" tanong ni Colleen

"Oo nga sa ating magkakaibigan ikaw lang ang nagkaroon ng pagkakataon makapag-aral doon tapos sosyal na school pa." singit naman ni Precious

"Ayos naman, noong unang linggo ko doon naninibago pa ako kasi nga mas sanay ako dito sa atin. Pero wala din palang pinagkaiba mababait din yung mga tao doon, tsaka matulungin."

"Talaga? Balita ko lahat ng mga pumupunta doon bumabalik din sa probinsya dahil sa hirap ng buhay doon. Parang yung anako ni Lola Fely di ba Colleen, naalala mo yung pinag-chismisan sa harap ng tindahan niyo."

"Ay naku precious tama na nga yan. Kalimutan mo na yun mamaya sabihin gumagawa ka na naman ng kwento." sagot ni Colleen

Magsasalita na sana ako ulit kaso biglang dumating si Alona at parang may kasama pa.

"Tignan niyo kung sino itong nakita ko."

"Romeo?"

"Naks laki ng pinagbago mo ah, last ka namin nakasama highschool pa ba yun?" sabi ni Precious

"Oo nga highschool yun precious. Malapit na nga tayong makagraduate noon Romeo pero hindi ka na tumuloy."

"Kasi Colleen alam mo naman gipit ang pamilya ko kaya kinailangan kong tumigil at tumulong sa kanila."

"O tama na yan nagugutom na ako kumain na muna tayo. Ituloy na lang natin ang kwentuhan habang kumakain." ani ni Alona habang papaupo

Habang kumakain panay ang kwento ni Precious tungkol sa university nila. Sina Precious, Colleen at Alona mga kaibigan ko na simula nung maliliit pa lang kami alam niyo bang naging kapit-bahay ko sila pero habang tumatanda kami nagkahiwalay-hiwalay din, meron pa din naman communication kaya nga close pa din kami. Sa iisang university lang sila pumapasok, kaya yung mga kwento ni precious alam na alam na nila.

"Eh! Ikaw Liezel kamusta ka na? Balita ko maganda daw yung napasukan mong eskwelahan ah!"

"Maganda, malaki, pero mahirap din kasi maraming pinapagawa yung mga professors." sagot ko habang nakatingin kay Romeo

"Ganoon ba. Kamusta naman yung mga kaklase mo? May mga kaibigan ka ba?"

"Wala naman problema sa kanila kasi mababait at kapag may tanong ka nasasagot naman nila. Meron akong close friend matagal na siyang nag-aaral sa university gradeschool pa nga lang dun na siya. Masaya siyang kasama at madalas nga niya akong ilibre kaya medyo nakakahiya na din."

"Mabuti naman. E-eh L-Liz m-may nanli.."

"Ay naku alam ko na yan, oo nga Liz may boyfriend ka na ba? Sikat yang university na pinapasukan mo kaya panigurado maraming gwapong boylets." singit ni Precious

"Baliw ka talaga, hindi pa nga tapos mag-usap yung dalawa sumingit ka na agad." suway ni Colleen

"Yun din naman ang itatanong ni Romeo eh, di ba?"

"A-ah E-eh O-Oo baka lang may nanliligaw o boyfriend, p-pakilala mo naman sa amin, mahirap na rin pagkatiwalaan taga-maynila eh."

"Ano ba kayo, wala naman akong kasintahan o manliligaw sa pagkakaalam ko. At isa pa marami pa akong pangarap para sa sarili ko at sa pamilya ko. Hindi ko pa pumapasok sa isipan ko ang pag-ibig na yan."

"Hahaha! Kayo talaga parang hindi niyo kilala si Liezel. Tama na nga muna yan lumalamig yung pagkain."

"Ikaw Alona puro pagkain nanaman ang nasa isip mo kaya hindi ka pumapayat eh!" pang-aasar ni Precious

😆😂😁😃😋

Nagtawanan lang kami. Nakaka-miss din pala ang ganito, mga kalokohan, kwentuhan at asaran sa kanila ko lang nakikita. Nandiyan yung isang kaibigan na maarte pero mabait hindi siya katulad ni Chelsea pero may similarities din. Meron pang kaibigan na kahit ganyan ang itsura nagagawa pa din tumawa at magpatawa. At syempre yung bestfriend na kahit magkalayo kayo at bihira na lang magkita nananatili pa ring katuwang sa kahit anong hirap sa buhay. Well yung isa kasi kababata ko rin naman, palagi kong nakakasama lalo na kapag dinadala ako ni Itay sa palengke. Maalaga lalo na sa pamilya niya, kahit na minsan laging sinasaktan ng tatay niya kapag nalalasing. Nagkalayo-layo kami nang matapos ang highschool graduation, dapat pare-parehas kami ng papasukan na eskwelahan kaso di naman namin akalain na may mga makakapasa meron hindi pero buti na lang close pa din kami. Sila ang mga kaibigan ko si Colleen ang bestfriend ko, sina Alona at Precious na naging kaibigan ko matapos kong makilala si Colleen, syempre nandiyan din si Romeo.

"Liz, kailan kayo babalik ng inay mo sa maynila? Alam kong karatating niyo lang pero pasukan pa kasi pero absent ka na agad, baka mahirapan kang humabol niyan." tanong ni Colleen

"Wala pang balak si Inay na bumalik agad kasi nga may problema pa sa palengke, kapag natapos na iyon pwede na kami makauwi. Hindi naman ako mahihirapan ka-txt ko kasi yung kaibigan ko tungkol sa mga assignments at topics namin, kaya updated ako."

"Atleast may nakakausap ka para hindi makakasama sa grade mo tandaan niyo last year na natin sa college." ani ni Alona

"Ikaw ba Romeo wala ka ng balak bumalik at tapusin ang pag-aaral mo? Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong ni Precious

"Alam niyo naman mahirap pa rin ang buhay ngayon. Isa pa kapapanganak ulit ni Inay nung nakaraan kaya nadag-dagan nanaman kami ng isang batang pakakainin, wala naman kaso sa akin yun kaya lang napapadalas ang pag-aaway ni Itay at Inay. Ngayon busy ako sa bukid nung haciendang pinapasukan ko mababait naman yung may-ari."

Patuloy lang sila sa kwentuhan tungkol sa mga ginagawa nila sa eskwelahan, sa trabaho at pati nga rin yung chismis dito sa baryo pinag-uusapan pa nila. Ubos na itong pagkain ko mabuti pa at puntahan ko muna sina Inay baka kailangan nila ng tulong lalo na at maraming bisita.

Nagpaalam lang ako sa kanila ng sandali at sabi ko babalikan ko din sila agad. Patayo na ako ng biglang may nagsalita.

"Ms. Sungit, ay este Ms. Clumsy..."

Tinignan ko siya ng masama buti na lang tumigil siya.

"Pwede ba Alex tigilan mo nga yang pagtawag sa akin ng ganyan, may pangalan ako."

"Sorry, akala ko kasi...."

"Anong akala mo ha? Na okay lang sa akin yang pang-aasar mo. Arghh! Makaalis na nga tutulungan ko pa sina Inay sa iba pang bisita."

Iniwan ko siya agad mula sa kinatatayuan niya, sino ba naman kasi ang magiging masaya kung tawagin ka sa kung ano-anong tawag eh may sarili ka namang pangalan. Bakit kaya ganito kapag nakaka-usap ko siya o nakikita naiirita ako kahit sa mga simpleng bagay. Dala na siguro ito ng pagbabanta ni Chelsea.

"Nay, may kailangan po ba kayo?"

"Ay sige anak patulong nga, ilabas mo ito kasi naubos na yung pulutan nina Itay mo."

"Sige po nay, ako na po ang maglalabas."

Bahala na mabuti pa huwag ko na lang siyang pansinin baka lalo lang masira ang araw ko.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Forty Third chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now