Chapter 28 - In Control

1.3K 46 1
                                    

Alex POV

Ano ba naman, bakit ba palaging ganito dito sa manila di pa nga rush hour ang traffic na agad. Sana makarating din ako on time kundi lagot ako kay dad, kanina ko pa rin naririnig na tumutunog yung phone ko panigurado ko assistant ito ni dad pinapahanap na ako. Tatawagan ko na lang kapag paakyat na ako sa office, maaga na ako umalis sa lagay na yan siguro dito lang ito kapag nakalagpas ako ng konti luluwag din.

Pagkalipas ng labing limang minuto.......

Yes! nakarating din, kaso late na ako ng 20 minutes, nagpark na ako sa basement 2 habang papaakyat tinawagan ko na rin yung isa sa mga assistant ni dad to tell him I'm on my way up nasa elevator lang.

"Kanina pa po kayo inaantay ng daddy niyo pasok na lang po kaya agad, do you need anything po? Juice, Snacks?"

"No thank you I'm good."

Kumatok muna ako bago ako pumasok. Nakita ko si dad at tito Antonio talking while Chelsea is listening.

"Alex you're late."

"Sorry dad natraffic po, tsaka meron po nangyari aksidente sa daan."

"I know you are aware here in the Philippines particularly Manila prone na talaga sa traffic kaya dapat umalis ka kahit 1 hour or even 2 hrs ahead of time."

"Hayaan mo na pare buti na lang at nakarating siya dito we still have plenty of time to talk about the business and besides natapos naman na natin ang signing siya na lang ang inaantay. Halika na dito Alex, you have papers to sign and we have a lot of thinks to discuss."

Umupo na ako sa tabi ni dad, he handed me some papers to sign, hindi ko na rin binasa tutal nagsign na ang parehong party wala naman na ako magagawa. Pagkatapos ko sa papers they started talking about the small island bought by Tito Antonio.

"Tulad nga ng sinasabi ko kanina Alex sa dad mo the island has been transferred under my name since the last time we proposed the partnership and just yesterday si Chelsea na ang may-ari kaya pwede na kayo magsimulang dalawa sa pag-aayos at pagde-design nito." sabi ni Tito Antonio

"Mabuti pa nga dahil mas magandang open na ito to the public by next summer, paniguradong maraming magpupunta dahil nga bakasyon yun." sabi ni dad

"Well Tito Xander may few ideas na nga po ako on how it will look at kung anong services and amenities it will offer." singgit naman ni Chelsea

"That's good, let us here it para makita natin kung may maidadagdag pa for ideas. Since nakita ko kanina malaki-laki din yung island kaya marami ka pwedeng ipatayo." sagot ni dad

Nakikinig lang ako sa kanila, sa totoo lang angdaming suggestions ni Chelsea and I don't think na matatapos iyon kaagad before next summer. Para sa mga readers ito po yung mga suggestions niya, dahil malaki yung place she is planning on having a hotel with 250 rooms, grabe ang laki nun para nga sobra -sobra sa normal na hotel sana nga maoccupy lahat and build a few cottages near the beach small cottages lang naman para dun sa mga walang balak magstay overnight at gagamitin lang ang amenities during the day. Magpapatayo pa siya ng Spa at Pool. For the activites naisip niyang ioffer ang iba't ibang sports activities, particularly yung mga water sports like diving, surfing, kayak, banana boat at kung ano-ano pa. Marami pa siyang nabanggit pero sa sobrang dami tumigil na ako sa pakikinig. Agree na lang ba ng Agree. Si Dad at Tito Antonio nakikinig sa kanya may presentation din kasi siyang ginagawa together with her team, nagbibigay sila ng suggestions and comments pero overall okay naman kasi prepared siya at mukhang seryoso siya sa business na ito. At the end of the presentation nga ang nakalagay na goal niya is to make it the best destination in the Philippines both locally and international biruin mo balak pang talunin ang boracay.

"Alex kanina ka pang walang imik diyan di mo ba nagustuhan yung mga ginawa at suggestions ni Chelsea. Wala ka man lang comment or suggestions?" biglang tanong sa akin ni dad

"Ah! Ahm! Dad honestly I was surprised di ko akalain na this will be the extent of her plans, maraming dapat pagtuunan ng pansin and we should make a time table para sa bawat gagawin natin. Sa tingin ko din hindi natin aabutin ang next summer vacation kung ngayon pa lang tayo magsisimula although pwede na natin iopen to the public yung ibang natapos na para mabawi natin yung mga nalabas nating pera. I can coordinate with some of my friends and contacts regarding the construction and equipments. By the way in addition to the sport activities and amenities you mentioned maganda siguro kung meron din tayong offer for company's team building para mas maraming pang ma-attract na customers. But most of all kailangan ma preserve yung place para di sya matulad sa boracay na overcrowded na at unti-unti na nasisira yung natural look nito."

"I agree with everything you said Alex. Regarding sa pag preserve naisip ko na gawing exclusive yung place para di siya overcrowded pero syempre to offer atleast once or twice for the common people." sagot ni Chelsea

"See pare, sabi ko sa iyo this will work tama talaga na lumapit ako sa inyo at tama rin na ang anak nating dalawa ang mag-aasikaso." sabi ni Tito Antonio

Nag-agree na lang si dad sa sinabi ni Tito Antonio, and we continue to discuss the future plans for the business. Inabot kami ng dalawang oras simula nang dumating ako just for planning and brain storming of ideas, after nun nagpaalam na sina Tito Antonio at Chelsea.

"Mauna na kami Xander it was nice talking to you and Alex. I'll make sure this will be a successful partnership"

"Salamat din Antonio, yes I also think that kaya hayaan na natin ang mga bata sa iba pang kailangan."

Palabas na sila nang biglang nagsalita si Chelsea

"Alex if you have time next week weekend puntahan sana natin yung island para masurvey natin at makapagsimula na tayo."

"Ayos lang sa akin hindi naman ako busy during those times at wala akong class next week saturday kaya pwede tayong umalis ng maaga."

"Great, thanks looking forward on the trip."
😊

Nakaalis na sila, kami na lang ni dad ang natira sa office

"Alex hindi ko nagustuhan iyong pagdating mo kanina, nakakahiya sa kanila pinag-antay mo yung mga partners natin paano kung malaking investor ang ka-meeting natin and just because traffic nawala ang isang malaking deal. Next time ayoko ng mangyari ulit ito be mindful of your time."

"I'm sorry dad I tried leaving early pero kailangan ko pa kasi magbigay ng speech for the closing ceremony at school. Nagmadali naman po talaga ako yung nga lang hindi ko akalain na ganoon na katraffic sa mga oras na iyon wala pa nga pong rush hour."

" Wala akong paki-alam kung ano ang nangyari sa iyo o ano man ang ginawa mo basta sa susunod when I say something you do it on time or even ahead of time. Kaya di umaasenso ang ibang tao palaging late hindi marunong gamitin ng tama ang kanilang oras."

"Yes po dad, it will never happen. I will follow you po."

"Good now you know who is in control."

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong twenty-eighth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now