Chapter 32- Starting Over Part One

1.3K 46 0
                                    

Liezel POV

"I am sorry."

"I am sorry."

"I am sorry."

Hindi ko alam kung anong klaseng utak ang meron ako kasi ba naman yung mga katagang sinabi niya ay nagreplay lang sa isip ko. Sa totoo lang mabuti na rin at walang nakakakita sa amin dito dahil mukha lang ako siraulo. At isa pa baka kasi may magsumbong kay Chelsea eh nag-uusap lang naman kami.

Ilang minuto na rin ang nakalipas hanggang ngayon wala pa rin nagsasalita sa amin, titigan ang labanan. Kung sabagay gwapo naman itong nasa harapan ko kaya sino ba ang mauumay kakatitig.

Hala siya! Ano ba itong naiisip ko.

Bago ko pa ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa isip ko bigla na lang nagsalita si Alex.

"W-wala k-ka b-bang sasabihin?" utal na tanong niya

Nung nagsalita siya pinipilit kong magsalita pero wala pa din, yung isip ko panay naman ang salita.

"Liezel Guinto, I'm sorry sa nagawa ko nung nakaraan."

Ngayon naman seryoso siya at di na nauutal. Pero ang pinagtataka ko lang bakit parang kinakabahan siya at ano ba yung nagawa niya?

🤔

"Sandali nga lang, Ano ba ang hinihingi mo ng tawad?"

"Wala ka bang natatandaan, alam ko naman hindi ka lasing ng time na yon dahil nga madalas sa iba tumatama yung bote siguro dalawa o tatlong beses ka lang nakashot."

Sa totoo lang hindi ko maalala nung una at nagtataka talaga ako kung bakit siya biglang nag-sorry ngunit nang mabanggit niya yung tungkol sa inuman at bote bigla ko na lang naalala ang lahat, yung bang pilit kong kinakalimutan. Buti nga yung ibang mga tao tumigil na, pero ito, yung taong sanhi ng chismis nasa harapan ko at unti-unting pinaalala.

"I mean t-the k-ki..."

"Stop!"

Nakita ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko kaya hindi na rin niya natapos ang sasabihin niya. Alam ko na, kaya tumigil ka na, yun ang gusto kong sabihin pero nanaig nanaman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ganito na lang ba kami sa tuwing mag-uusap ang hirap nito.

Naglakas loob akong magsalita kasi alam kong walang patutunguhan ang pag-uusap namin kung walang magsisimula, sinabi ko sa kanya na okay lang at mas mabuti pang kalimutan na lang iyon dahil isang malaking pagkakamali ang nangyari at dapat binabaon na lang sa nakaraan upang hindi na maungkat. Hindi naman nawala sa paningin ko ang naging reaksyon niya dahil halatang-halata sa kanyang mukha ang lungkot, dahil kaya yun sa sinabi ko? Pero bago ko pa ipagpatuloy ang pakikipagdebate sa isip ko bigla naman siyang nagsalita at napansin kong wala na yung lungkot sa mukha niya at mas naging seryoso na siya.

"Good, gusto ko lang na malinaw ang lahat between us pati na rin kay Chelsea ayoko kasing magkagulo tayo lalo pa at nakatira ka kasama siya. Huwag ka din mag-alala kakausapin ko siya pagkatapos ng pag-uusap natin."

"Wala yun lasing ka last time marami na akong nakita na mga kaibigan ni itay sa baryo na nakakagawa ng hindi nila normally ginagawa kapag nakakainom. Sige kung wala na tayong pag-uusapan mauna na ako sa iyo tutulong pa kasi ako kay Ange dahil yung last batch ng orientation gaganapin mamayang 4pm."

"Sandali lang Liezel!"

Tumalikod na ako sa kanya papaalis pero bigla ko na lang naramdaman na may pumipigil na sa akin. Nang tignan ko nakahawak na siya sa aking braso hindi ko alam kung anong meron pero para ang saya-saya ko sa loob nang maramdaman ko na hawak niya ako. Sinubukan kong tanggalin bago ako humarap sa kanya pero wala din akong nagawa.

"Alex kung pwede lang bitawan mo ako kung may gusto ka pang sabihin, dito lang ako wag ka mag-alala."

"Pasensya na, baka kasi hindi na kita ulit makausap kapag hindi pa kita pinigilan. Halatang-halata pa naman na nilalayuan mo ako."

"P-paano mo naman nasabi na nilalayuan k-kita at isa pa hindi rin naman tayo ganoon magkakilala at ka-close para laging mag-usap."

"Kasi. Sige ganito na lang Liezel kung maari at pahihintulutan mo ako, I want to be friends with you and start over again. Kalimutan mo na yung banggaan, bangayan, asaran, at yung nangyari sa atin nung party, isipin mo na ito yung una nating pagkikita at pagkakakilala. Okay ba sa iyo yun?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kasi alam ko mali ito kapag sumang-ayon ako sa kanya.

"Kung ang iniisip mo ay kung anong sasabihin ng ibang tao, para sabihin ko sa iyo wala na silang paki-alam doon dahil kahit na sino man ay pwede kong maging kaibigan ganoon rin naman siguro ikaw."

Tignan mo Liezel alam niya ang pinag-aalala mo diyan, kaya mag-agree ka na lang sa kanya, friendship lang pala ang hanap nung tao nag-aalangan ka pa diyan. Aish! Letche! pagiisip ito nakisingit nanaman. Hindi lang naman iyo eh!

"Wait alam ko na, si Chelsea ba?"

  😳 

"Okay ako na bahala sa kanya kakausapin ko muna siya then babalik ako sa org room niyo mag-usap ulit tayo after that."

Naglalakad na siya papalayo sa akin, ako naman ang mismong pumigil sa kanya, hinarap niya ako.

"Bakit?May sasabihin ka ba?"

"K-kasi p-pwede bang d-dito ka na l-lang m-muna" utal-utal kong sagot sa kanya

  😮

Naku naman bakit ganito ako, kung ano-ano tuloy yung nasabi ko nakakahiya. Ang gusto ko lang naman ay wag na niyang puntahan si Chelsea baka ako pa ang mapagalitan mamaya at isa pa mag-aalala nanaman si inay kapag may nangyari sa aming dalawa tulad nung nakaraan.

"Sinabi ko na sa iyo wag kang matakot hindi ba palaban ka naalala ko pa nga nung meeting noon at nang pinipigilan mo ako kanina sa pagbubuhat ng mga boxes ang tapang mo kaya para kang tigre. hahahaha!"

  😳

Uy! Tignan mo nga naman Liezel nababasa yata niya itong isip mo eh, weird pero ang cute niyang tumawa at isa pa parang nakakahawa. Tumigil ka nga diyan at manahimik panggulo ka lang eh ginagawa mo akong baliw. Pero ano sa tingin mo pumayag na ako, kung friends lang, okay lang ba yun? sabagay magkaklase din naman kami at ito pa nga partners sa isang group project kaya malamang sa malamang eh madalas kami magkasama. Ang awkward naman kung magkakanya-kanya kami wala  pa kaming matapos pag-nagkataon.

Aish ano ba! Bahala na nga!

"Sigh! Okay payag na ako." seryosong sagot ko sa kanya

"Talaga! Yes! Okay I'll start, Hi ako nga pala si Alexandra Monique Monteverde, Alex na lang ang itawag mo sa akin at wag na wag mo akong tatawagin na Monique nakakababae eh."

  😂 

Oh! my god baliw ba ito, natawa ako doon ah.

"O bakit sobra ka makatawa diyan?"

"Hahahaha! Kasi ba naman para sabihin ko sa iyo babae ka talaga kaya bakit mo sasabihin na yung Monique ay masyadong pambabae." pagpapaliwanag ko

"Hindi pa ba halata sa iyo, atsaka wala ka bang naririnig na chismis sa paligid kung anong preference ko."

Nagtaka ako dun sa sinabi niya pero biglang pumasok sa isip ko, oo nga pala...

"I like Girls no let me rephrase that I love Girls." sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- Second chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang