Chapter 59- I ❤️ U

1K 36 4
                                    

Alex POV

"A-Alex naaalala mo ba yung pangalan nung batang babae?" utal na tanong niya sa akin

"Base dun sa panaginip ko Liz"

"S-sandali p-parang, L-Liz? as in Li-Liezel, i-ikaw ba yun?"

Tumango naman siya.

Hindi ako makapagsalita sa nalaman ko pero yung puso ko kanina pa tumatalon at nagdidiwang. Akalain mo ba naman yung taong madalas kong mapanaginipan at ang taong unang nagpatikbo sa puso ko ay iisa.

"T-tara na bago pa magsimulang bumuhos ulit ang ulan."

Pinigilan ko siya makalabas.

"A-alex please bitawan mo ako."

Hindi ko siya sinunod at bigla ko na lang siyang niyakap.

"A-alex nakikiusap ako bi.."

"Hayaan mo lang muna akong gawin ito. Wala naman masama di ba? Masaya lang talaga ako lalo na at matagal ka ng gumugulo sa isip ko."

"P-pero hi..."

"I love you."

😳

"A-ah e-eh."

Pati ako nagulat sa sinabi ko pero iyon ang totoo and if I'm not gonna say it I will end up regretting it for the rest of my life.

Tahimik ang buong paligid namin, ni ingay ng mga hayop wala akong marinig.

Marahas niyang tinanggal ang mga kamay kong nakabalot sa kanya at dali-daling lumabas sakto namang paglabas niya ang pagbuhos ulit ng malakas na ulan.

"Liezel sandali wag kang tumakbo baka mapano ka. Liezel!" sigaw ko habang hinahabol siya

Tsk! Nasaan na siya, ang bilis naman yata niya. Sana walang masamang mangyari sa kanya ngayon pang napakadilim na at lalong lumalakas ang ulan.

"AHHH!"

Boses ni Liezel yun ah! Please Lord sana ligtas siya kapag may nangyari sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Liezel! Liezel! Nasaan ka? Sagutin mo ako Liezel!!"

Kaasar paano ko siya mahahanap, nilabas ko ang telepono ko ngunit wala pa ding signal.

Takbo lang ako ng takbo nababakasakaling makita ko siya.

"Liezel!!!!!!"

Kanina pa ako hanap ng hanap pero ni anino niya hindi ko maki....

Teka parang may...

"Liezel! Gumising ka Liezel, please."

Binuhat ko siya dahil hindi ko siyang pwedeng iwanan dito mag-isa.

Dalian mo Alex, argh bakit kasi umulan ulit ang hirap tuloy tumakbo ngayon ay maputik ang daan.

Good nararamdaman kong humihinga pa siya mabagal pero atleast hindi ganoon ka severe ang nangyari.

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now