Chapter 60- Give me a chance

1K 40 4
                                    

Liezel POV

"I love you."

Nagising ako dahil sa panaginip na iyon.

Hay! Ano ba Liezel sino ba ang niloloko mo, kahit paulit-ulit kong sabihin totoong nangyari at hindi lang basta-bastang panaginip yun.

Ahm? Ano ito parang may nakayakap sa akin at ang bigat ah! Sinubukan kung tumalikod ng dahan-dahan buti na lang hindi gaano kahigpit ang pagkakahawak sa akin

😳

Ha? B-bakit s-siya n-nandito? Pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw baka magising itong katabi ko.

Tinitigan ko lang ang mukha niya

"Inis na Inis ako sa pagmumukha at ugali mo noon pero aaminin ko gwapo ka at may pagkakwela." pabulong kong sabi habang hinahawakan ang pisngi niya

"Kahit anong iwas ko, pinagtatagpo talaga tayo, well magkaklase din naman kasi tayo." dagdag ko

"Siguro nga nahuhulog na ako sa iyo pero yun naman ang kinatatakutan ko."

Gumalaw naman siya kaya bigla akong tumalikod.

Mukhang gising na siya kasi may naramdaman akong kamay sa noo ko.

"Sa wakas mababa na rin ang lagnat mo."

May lagnat ako? Aray! ano kaya yun ang sakit.

"Mabuti pa yata palitan ko na itong gauze sa paa mo medyo madumi na din at puno na ng tuyong dugo."

May sugat pala ako.

Ilang minutes din ang tinagal niya bago malinis ang sugat ko at matapalan ng gauze, pagkatapos nun ay lumabas na siya ng kwarto.

Umupo ako sa higaan the moment she went out, ngayon naiwan akong nag-iisip, nagtatanong kung ano na ang gagawin ko dahil maraming mangyayaring pagbabago sa aming dalawa.

Wala naman akong problema sa third sex ang iniisip ko lang yung sasabihin nila nanay lalo na si Kuya, ayoko namang masira ang pagsasamahan naming pamilya na dahil lang nagkagus..

"Bakit tumayo ka na agad? Alam mo bang mataas ang lagnat mo kagabi baka masinat ka niyan."

Nagulat ako sa kanya hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya.

"Di bale na nga mabuti na rin at gising ka na, ito nagdala ako ng breakfast mo well brunch na siguro ito late na kasi."

"A-ah e-eh s-salamat, ano ba ang nangyari sa akin?" tanong ko na parang walang alam

"Nagkasakit ka at nasugatan ka pa. Nahulog ka sa bangin hindi naman gaano kalalim kaya nakita kita agad. Nagtamo ka ng sugat kaya pinatawag ko yung doktor. Nagbigay siya ng mga listahan ng gamot na dapat mong inumin kaya kumain ka na muna." sabi niya habang papalapit sa akin

Akma na niya akong susubuan nang pigilan ko siya

"A-anong gi-ginagawa mo?" utal kong tanong kay Alex

"Tinutulungan ka, ganito din naman ang ginawa ko sa iyo kagabi."

Ha? Ano ba yan pagkatapos kong mahulog wala na ako maalala.

"Sige hayaan na lang kitang kumain, basta ipangako mong uubusin mo yan ha, pagkatapos uminom ka ng gamot ihihiwalay ko na ang iinumin mo."

Umalis ulit siya. Maalaga pala si Alex.

"Plus point sa atin yan. Aeeeh!"

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now