Chapter 65- Irate Customer

802 40 3
                                    

Ito na po yung another update jacquelyncaharop ,
applefabiala ,
metallicaborn . Thank you for reading :)

Alex POV

Nasaan na kaya yun? Sabi niya mag-uusap daw kami ngayon. Gusto ko kasing sabihin sa kanya yung mga nangyayaring progress sa project namin.

"Angela!"

"Alex ikaw pala, may kailangan ka ba?"

"Alam mo ba kung nasaan yung magaling mong kaibigan?"

"Si Liz ba? Ah sorry hindi eh kanina kasabay ko siya pero naghiwalay din kami kasi may kailangan daw siyang puntahan."

"Saan naman kaya nagsu-susuot yun? Sabado ngayon at umaga lang ang class namin, balak ko pa sanang ispend yung natitira kong araw kasama siya."

"Mauna na ako Alex, may bibilhin pa kasi ako sa national."

"Salamat. Kapag nakita mo siya o nakausap sabihan mo ako kung nasaan siya para sundan ko dahil nangako yung kaibigan mo na tutulong sa project namin ngayon."

Tumango na lang si Angela at saka umalis. Hoy babae san ka ba? Hay may problema kaya siya ever since kasi nung araw na.. Ayts ano ba itong mga iniisip ko, Alex! Umayos ka nga nakilala mo lang si Liezel at nalaman mo na siya yung babae sa panaginip este sa past mo kung ano-anong emosyon na ang pinapakita and it leaves you so vulnerable to pain and sadness.

"Lex! Nandyan ka pala kala namin nakauwi ka na."

"Si max?"

"Babalikan ko sa coffee shop near lang dito sa university, may pinakuha lang si labs sa council room niyo."

"Coffee shop? Yung nasa may carpark ba?"

"Hindi, marami na kasing tao doon kaya lumabas kami, sakto naman may malaking coffee shop lang na malapit-lapit dun na kami nag-stay. Tara sumama ka na."

I agreed to come with him, wala na rin akong gagawin lalo na at hindi ko na makita si Liezel. Sinundan ko na lang si Al papunta sa sinasabi niyang shop.

😳

What the! Why is she here?

"O ano nangyari bakit ka natigil?"

"Si Lie..."

"Ah oo kaklase natin siya di ba? Kahapon pa siya nagstart dito nagulat nga din kami ni labs eh! Halika na kanina pa nag-aantay yun."

Grabe! Dito ko lang pala siya makikita.

"Labs hulaan mo kung sino kasama ko?"

"Ay naku labs kitang-kita naman kung sino eh! Hi Alex, lika samahan mo kami dito." sabi ni Max sa akin

Umupo ako sa tabi ni Al at patuloy pa rin nakatingin sa counter.

"Dapat sinabihan niyo ako na nandito pala yung partner ko."

"Naks partner talaga Lex, sorry di kami nainform." pang-aasar ni Al

"Hinahanap ko kasi siya dahil may pag-uusapan kami, nagtanong na nga ako sa bestfriend pero ang sabi lang ni Angela naghiwalay na sila kanina at tila nagmamadali."

"Part timer siya dito, kakasimula lang niya kahapon, kakilala ko kasi ang may-ari nito, kaysa sa carpark na maraming tao dito na lang kami tumatambay ni Al." pagpapaliwanag ni Max

I Love You Inday (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя