Chapter 44- Meet the Classmate

1.1K 46 1
                                    

Alex POV

"Sorry, akala ko kasi...." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya agad.

"Anong akala mo ha! Na okay lang sa akin yang pang-aasar mo. Arghh! Makaalis na nga tutulungan ko pa sina Inay sa iba pang bisita."

Gusto ko sanang mag-sorry pero huli na, kasi agad siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Ano ka ba naman Alex sana pinigilan mo ang sarili mo, ayan tuloy nagalit at mukhang mahihirapan ka pang kausapin siya.

"Excuse me, pwede ba namin malaman kung sino ka?"

Bago ko sagutin yung tanong nung babae hinarap ko muna sila, nakakahiya naman kasi kung talikuran ko sila at iwanan sa labas, mamaya ko na lang siguro sundan si Liezel baka kasi lalong magalit.

"Hi, I'm Alex, classmate ni Liezel sa university."

"Bakit nga pala nandito ka? Kasabay ka ba nila pumunta dito? Nakatira ka ba kayna Liezel? sunod-sunod na tanong nanaman nung isang babae

"Hi ako nga pala si Colleen bestfriend ni Liezel."

"Hi I'm Alona, ito nga palang matanong at chismosang babae na ito ay si Precious mga kaibigan kami ni Liezel."

"Ah, may kailangan kasi kaming pag-usapan na dalawa, Ahm? T-Tungkol sa project, tama tungkol dun kasi nga pinag-pair kaming dalawa ayoko naman ako lang ang gagawa, kaya nung nakausap ko yung kaibigan niyang si Angela sabi umuwi daw sa probinsya."

"Kaya sinundan mo siya? Wow iba ka din ah, sabihin mo nga talaga bang para sa project yung pinunta mo dito o dahil sa friend namin?" asar naman tanong ulit nung Precious

"E-Eh p-parehas kasi hindi ko naman magagawa yung project ng wala siya kaya kasama din siya sa rason kung bakit ako nandito."

"Aysus palusot ka pa, di bale kung katulad mo namang gwapo ang manliligaw ni Liezel, approved ka na sa amin." sabi ni Precious

"Hindi ako manli.."

Ano ba ang meron sa mga tao bakit ang hilig nilang sumingit kahit hindi pa natapos magsalita yung tao.

"Tama na nga, mukhang busy yang kaklase ni Liz huwag niyo ng guluhin. Romeo pala pare."

Lumapit siya sa akin para abutin yung kamay niya, kinuha ko naman pero kung kayo ang nasa pwesto ko mapapansin niyo na hinihigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Alam niyo halos lahat yata ng nakilala ko ang buong akala lalaki ako, di ko naman na din sila masisi kaya hinahayaan ko na lang. Okay lang naman sa akin eh!

😉

"Sige guys papasok na ako sa loob, kailangan ko na kasi talaga siyang makausap. Baka di pa namin matapos bago yung first deadline. It was nice meeting you all, lalo ka na pare. I'll see you around."

"Yeah see you around Alex, nice to meet you too." pahabol ni Precious habang papasok ako sa bahay nila Liezel

Nakapasok na ako sa loob nakita ko nga si Julio kalaro yung ibang bata baka yun yung mga apo ni Nanay Luz, itanong ko kaya sa kanila kung nakita nila yung babaeng kanina ko pa hinahanap.

"Julio, nakita niyo ba kung nasaan si Ate Liezel niyo?"

"Hindi ko po napansin eh!"

"Ako nakita ko inutusan ni Lola si Tita Liz na ilabas yung pulutan nina Lolo baka nasa labas pa po." sagot naman nung isang batang babae.

"Salamat."

Pinuntahan ko na si Liezel sa labas at iniwan ko ang mga bata na patuloy pa rin sa paglalaro. Agad naman nagsalita si Nanay Luz

"Jesus may ipakikilala ako sa iyo, Alex iho halika dito."

Naglakad ako papunta sa tabi ni Nanay Luz, sakto din at nahagip ng mga mata ko kung nasaan si Liezel may mga kausap yata siyang mga lalaki, matandang lalaki.

"Alex si Jesus asawa ko at Tatay ni Liezel, Jesus si Alex kaklase ng anak mo sa bagong school niya."

Hala bakit ganito kinakabahan ako. Ilang minuto din bago ako nakapagsalita.

"Hello po, ako nga po pala si Alex classmate po ni Liezel."

"Aba hindi ko alam na meron pala kayong kasama pabalik dito. Iho halika dito, umupo ka at samahan mo kaming uminom."

"Naku huwag mo nga yayain baka lasingin mo lang." sabi ni Nanay Luz

"Mag-uusap lang kami, hindi ba iho?"

"A-Ah eh kasi p-po, h-hindi p-po a-ako.."

"Tay! Nay! Si kuya ayaw akong tigilan kanina... Anong ginagawa mo dito?"

"Alam mo ilang beses ko na naririnig yang tanong na yan ngayon araw na ito. Ah Sir at Nanay Luz aalis po muna kami ni Liezel, kailangan ko po kasi talaga siyang maka-usap. School related po."

"Basta ba alam namin kung saan mo dadalhin itong anak ko. Huwag din kayong masyadong magpa-gabi, kapag natapos ay iuwi mo agad." sagot ni Nanay Luz

"Sandali lang pwede naman kayong dito na lang mag-usap, baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa inyong dalawa lalo na diyan sa anak ko. Mahirap na lalaki ka pa naman, pasensya na pero gusto ko lang na hindi mapahamak yang kaisa-isang anak kong babae. Dito na lang kayo at mag-iinuman pa tayo."

"Sir wala naman po kaso sa akin kahit saan kailangan ko lang talaga siyang makausap. Tungkol po sa i-inuman p-paano p-po k-kasi, h-hindi p-po k-kasi."

"Ano ba yan Alex bakit parang kinakabahan ka, natatakot ka ba sa amin, o sa akin?"

Paano ko ba sasabihin na hindi nakaka-offend. Hindi naman kasi ako sanay uminom baka kung ano pa ang mangyari sa akin, may masabi o magawa nanaman ako na tsak ikakahiya ko the moment I wake up.

"Itay, hindi po kasi umiinom si Alex at may pag-uusapan pa nga kami, tara doon Alex." sabay turo sa labas ng gate nila

"Sige po sir mauna na po kami, salamat po."

Nauna na akong maglakad papalabas, habang si Liezel naman ay nasa likod ko. Naririnig ko nga yung pang-aasar ng mga kapatid niya. Sagot naman niya na kaklase lang niya ako. Ang nakakapagtaka bakit kaya hindi niya sinabi na babae ako hindi lalaki ? Nakalimutan niya kaya?
Nakalabas na din kami at sa wakas makakausap ko na din siya.

Humarap ako sa kanya at magsasalita na sana pero naunahan niya ako.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo at pinuntahan mo pa ako dito?"

Tinignan ko lang siya ng seryoso at kinausap muna ang sarili ko. Sasabihin ko ba ang totoong dahilan kung bakit ko siya pinuntahan o magsisinungaling ako at idadahilan ko ang project namin?

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Forty Fourth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now