Chapter 38- I Will Follow You

1.2K 42 0
                                    

Alex POV

Nagmamaneho ako ngayon papunta doon sa condo na kaka-purchase ko pa lang. Nakakainis kasi si Dad, hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na iyon. Kaya nagpagdesisyonan ko na hindi muna umuwi sa amin baka magkasagutan lang kaming dalawa. Kayo ba naman ipagkasundo sa taong hindi mo mahal syempre maasar ka di ba?Argh!!! bigla ko tuloy naalala yung pag-uusap namin kanina.

"Stop it! Tigilan mo yang kadramahan mo, naalala mo naman siguro yung nangyari sa iyo dati nung sundin mo yang tibok ng puso mo at sinuway ang utos ko. It only brought you pain and suffering gusto mo bang mangyari sa iyo yun ulit?"

"Dad! Iba naman iyon, yes nasaktan ako pero natuto. Ngayon nagmahal ulit kaya sorry, lahat ng utos mo sinunod ko at susundin ko pero pagdating sa pag-ibig hindi ko na hahayaang diktahan mo ko."

"Its final at kung hindi mo susundin makakalayas ka na at walang tutulong sa iyo kahit na sino."

Dahil sa sama ng loob ko umalis na lang ako agad at iniwan si Dad. Naisipan ko ng puntahan si Mom sa puntod niya pero ayoko naman itapon sa kanya lahat ng problema ko. Mabuti na lang din at malapit lang itong condo sa makati.

                                                        PS

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

                                                        PS. Nakuha lang po sa google images di ko pagmamay-ari

One message received....

Alex kamusta? Saan ka ba nagpunta? Hinahanap ka kasi sa amin ni Tito Xander baka daw kasama ka namin. Kung may problema ka puntahan mo kami ni Al dito sa condo niya at pag-usapan natin yan.

Max

Ibang klase din si Dad hinanap kaagad ako, nakarating na siguro siya sa bahay. Kahit anong gawin niya at sabihin niya hinding-hindi muna ako uuwi doon, hanggat pinagpipilitan pa rin niya ang proposal na iyon.

I texted Max na ayos lang ako at sa susunod ko na lang ikwe-kwento kasi wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino. Agad naman siyang sumagot at sinabi huwag daw akong suicidal kundi siya daw ang papatay sa akin. Natawa ako ng sobra sa sinabi niya kaya nagreply ako na nababaliw nanaman siya at hinding-hindi pumasok sa isip ko na gumawa ng masama. Maliligo na muna ako para mawala lang itong init na nararamdaman ko buti na lang din kumpleto na lahat ng gamit ko dito.

After 20 minutes......

Nagbabad ako sa bathtub muntikan na nga akong makatulog pero nag-vibrate yung phone ko kaya nagising ako.

Hinahanap ka sa akin ni dad baka daw kasi tumawag ka o kaya nag-text, pero ang sabi ko wala pa naman akong nare-receive kaya ako na ang nag-text sa iyo. Saan ka ba? Badtrip na Badtrip kaya siya pagdating dito. Wala pa yung isa.

AJ

Hayaan mo na yan si Dad, lilipas din yan. Nagalit kasi hindi ko sinunod yung gusto niya. Nandito ako sa condo ko hindi na muna ako uuwi diyan hanggat ganoon pa din ang desisyon ni Dad. Naku hayaan mo na din si Andy sanay naman na iyon pati nga tayo sanay na sa ugali niya. Huwag mong sasabihin kung nasaan ako pero alam ko hindi alam ni Dad na bumili ako ng sarili kong condo, so baka di niya ako mahanap agad.

Sent

Binaba ko muna yung phone ko sa may kitchen counter, makahanap nga ng pagkain. Pagbukas ko ng ref wala kahit anong laman, tsaka ko lang naalala hindi pa ako nagro-grocery. Aish!! Konti pa naman yung nakain ko dun sa dinner namin with Chelsea's family, alam ko meron yatang convenience store na malapit dito sa condo pupunta na lang ako doon. Palabas na ako ng condo ko nang biglang nag-vibrate nanaman yung phone ko.

One message received....

Alex sorry ngayon lang ako nakapag-text sa iyo paano ba naman hindi mo man lang binigay sa akin yung number mo. Nagtanong pa ako sa ibang classmate natin buti na lang alam nila. Umuwi sa Zambales sina Liezel at nanay niya alam ko sa Iba sila brgy. Santa Barbara. Kung pupuntahan mo siya magtanong-tanong ka na lang doon sa mga taga-doon kasi hindi ko talaga alam yung exact address nila, mas maigi magtanong ka dun sa palengke na located sa Santa Barbara kasi may pwesto yung itay niya dun tsak kilala sila.

Angela

Oo nga pala dapat mag-uusap kaming dalawa ni Liezel pero di ko na siya naabutan kanina. Ano kaya kung....

One message received....

Papunta na diyan si Dad, hindi ko alam kung papaano niya nalaman na may binili kang condo pero paalis na siya dito sa bahay.

AJ

Ano ba naman yan ang bilis, marami talagang connections. Mabuti pa umalis na muna ako dito, well naisip ko naman na kanina kung hindi lang ako pinatawag ni Dad, kaya itutuloy ko na yung balak ko tapos sa daan na lang din ako kakain. Oo guys balak kong puntahan si Liezel, hindi pa kami tapos mag-usap noh! at may project pa kami.

😊

Sige AJ, salamat at nasabi mo sa akin agad, kung pwede lang din gumawa ka ng paraan para maya-maya pa umalis si Dad para di niya ako maabutan dito mag-aayos pa kasi ako. Hindi ko na rin muna sasabihin sa iyo kung saan ako pupunta para hindi niya malaman, papatayin ko muna yung phone ko baka ma-track kasi niya alam mo naman ang kayang gawin ni Dad.

Sent

Nagtext din ako kay Angela para sabihin na maraming salamat sa info bago ko ibaba ang phone ko at mag-ayos ng mga dadalhin ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay ready na ako umalis, ni-lock ko na yung condo at nagtungo na sa basement 2 para kunin yung sasakyan ko.

Alam ko late na rin para mag-biyahe pa ako pero mas okay na din na lumayo-layo muna ako. Nakakapagod na rin kasi at isa pa mas magiging close ko pa si Liezel kapag ginawa ko ito. Ngayon lang ulit ako na-excite ng ganito, tamang-tama bakasyon ko na rin. Liezel antayin mo lang ako I will follow you. Aish ano ba naman yan ang corny ko, makaalis na nga.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- eighth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora