Chapter 41- Ang Pamilya Ko

1.2K 42 0
                                    

Liezel POV

6:00 am....
Nagising ako ng maaga kasi nga excited din akong makita lahat ng mga taong naiwan ko dito sa Santa Barbara, balak ko din magikot-ikot kasi bakasyon na rin ito at isa pa marami kayang mapupuntahan dito sa amin. Gagawin ko yun kapag naayos na namin ang problema ni Itay na hanggang ngayon ay wala pa din nababanggit pero alam kong napag-usapan na nila Inay iyon. Pagkababa ko naman galing sa kwarto napansin ko na maingay na pala sa baba, ang aga-aga may bisita na agad.

"Uy! Bunso kasama ka pala ni nanay na umuwi dito?"

Iyan si Kuya Juan panganay sa aming magkakapatid kasama niya ang asawa niyang si Ate Shirley at ang anak nilang si Juan Jr. Isa lang ang anak nila kasi ayaw yata ni Ate na madagdagan pa sa hirap na din daw ng buhay, ang tanging pinagkukunan nila ng pera ay ang maliit na sari-sari store sa baba ng bahay nila. Ewan ko ba kay Kuya ang laki-laki ng katawan pero ayaw maghanap ng ibang trabaho tumutulong lang siya sa tindahan nila.

"Ay naku kuya baka nakalimutan na tayo niyan, ilang buwan ba naman nanirahan sa maynila."

Siya naman si Kuya Jeff second to the eldest, security guard sa bagong bukas na mall dito, kasama niya ang asawa niya at tatlong anak. Si Ate Badet short for bernadette ay housewife lang kasi nga bata pa yung mga anak nila, kapapanganak lang niya last year kambal at pinangalanan nilang Leo at Luis 1 year old pa lang. Yung panganay naman nila si Bella.

"Nay, Tay, nandito na po kami, pasensya na po at ngayon lang kami nakarating ang hirap kasing gisingin nitong apo niyo."

Si Kuya John pala yan ang pangatlo sa limang magkakapatid, mabait yan, siya kaya ang palaging nagtatanggol sa akin lalo na kapag inaasar at kinukulit ako ni Kuya Miggy. Yung mga taong nasa likod niya yan ang pamilya niya si Ate Nora ang asawa niya at si Nita ang nag-iisang anak nilang babae, pero magkakaroon na yan ng kapatid buntis kasi si Ate.

"Hay! Akala ko nga mag-uuwi din ng boyfriend yan si Jen eh! Galing ba naman Maynila, naalala niyo ba yung anak ng kapitbahay natin nagpunta lang ng maynila pagbalik dito buntis na!"

Nakatikim ng batok si kuya Miggy galing kay Itay, ayan ang kulit kasi.

"Siraulo kang bata ka ah! Huwag niyo nga pagpapansinin ang sinasabi nitong si miggy, nasa kusina lang ang inay ninyo, antayin na lang natin."

Yung nabatukan kaninang lalaki ay ang pinaka-makulit, pasaway, at palabiro kong kuya miggy, siya yung sumundo sa amin ni Inay kagabi. Dito siya nakatira sa amin at mukhang wala pang balak magkapamilya. Maraming nililigawan pero laging basted, feeling gwapo kasi. Minsan mabait yan kasi naalala ko nung maliit ako pinagtanggol niya ako sa mga batang lalaki sa may plaza, ayun inaway niya pero nandoon pa din yung pagka-pilyo isigaw ba naman na siya lang ang may karapatan na asarin at awayin ako.

"Anak pakitawag na nga ang inay mo sa kusina para maibahagi na itong mga pasalubong at maligpit na yung mga pinaglagyan." sabi ni itay sa akin

Bago ko puntahan si inay, gusto ko muna sanang ipakilala sa inyo si Itay, ang pangalan niya ay Jesus. Mabait at masipag yan at siya ang pinaka-dakilang ama sa buong mundo, kahit na ilang problema pa ang dumaan at maranasan namin ay siya ang naging haligi. Kung mapapansin niyo lahat ng kapatid ko na lalaki ay J ang simula ng pangalan yun kasi ang gusto ni Itay para sa magiging anak nila kung lalaki naiba lang kay kuya Miggy kasi hindi nila akalain na lalaki ulit yung magiging anak nila ipinangalan na lang sa Lolo namin na kakamatay lang nung mga araw na ipinanganak siya. Syempre ako ang nag-iisang babae kaya L ang simula ng pangalan ko parehas ng kay nanay Luz. Nakapasok na ako sa kusina namin, patapos na rin pala si Inay.

"Nay pinapatawag na po kayo ni Itay, nandoon na po sina kuya at kumpleto na po."

"Sige anak susunod na ako ilalagay ko lang itong ulam sa lalagyan. Liezel nak palagay naman sa mesa sa labas yung mga naluto na, huwag mong kalimutan takpan baka malangaw yung pagkain. Ako na bahala maglagay ng mga kubyertos mamaya kapag natapos na tayo sa labas."

Sinunod ko si Inay at nilabas ko na yung mga ulam na naluto ni Inay pati na rin ang kanin na kakatapos lang masaing. Pumunta ako sa cabinet para ilabas ang mga kubyertos, nilabas ko lang naman para di na mahirapan si Inay, siya pa din ang mag-aayos. Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na din si Inay mula sa kusina at nilapitan na kami sa sala.

"Mabuti naman at nandito na ang mga anak at apo ko. Kanina pa naman kayo inaantay, salamat at kumpleto tayo ngayon dahil panigurado matatagalan pa ulit bago kami makabalik ni Liezel dito."

"Oo nga po nay, baka nga sa pasko na namin kayo makita ni Inday." singit ni kuya Jeff

"Hindi natin alam anak, pwede naman kami maki-usap dahil mababait naman ang amo namin. Baka sa susunod hindi ko muna isasama si Liezel dahil may pasok siya sa university." sagot ni Inay

"Bunso maiba ako kamusta nga pala yung university na pinapasukan mo? Balita ko sikat daw yun at maganda ang turo." tanong ni kuya Juan

Sinagot ko naman siya na ayos lang medyo naninibago pa din pero kakayanin. Patuloy lang kami sa pag-uusap at pagkwe-kwentuhan habang nilalabas at ipinapamahagi ni Inay ang mga pasalubong nila. Kahit ganito masayang-masaya kami kapag kumpleto parang walang problema. Mahal ko talaga ang pamilya ko at hindi ko sila ipagpapalit sa kahit anong yaman.

"Nay Luz since tapos naman na tayo dito pupuntahan ko lang po si Lola Fely, baka gusto po nila tayong saluhan sa agahan natin angdami din po kasi eh!"

"Sige anak ayos lang marami nga akong nailuto, mabuti pa at tumawag ka na rin ng iba pa nating kapit-bahay at kaibigan nagdala ng pansit at pritong manok ang kuya Juan mo marami din yon."

Pagkalabas ko sa bahay inuna ko na lang munang puntahan at imbitahin si Lola malapit eh!

"Lola Fely! Kamusta na po ka..."

😳😳

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa laki ng pagkakagulat ko sa taong nasa harapan ko. Bakit siya nandito at sa bahay pa talaga ni Lola Fely. Kilala kaya ni Lola kung sino itong bisita niya. Nagsalita ako para naman malaman kasi kung nakatunga-nga nanaman kami walang mangyayari.

"Anong ginagawa mo dito."

"Wow! Grabe ang swerte ko naman ngayon araw na ito. Hindi ko akalain dito pa kita matatagpuan ms. Clumsy."

Arghh ano ba naman akala ko ba back to square one kami bakit nang-asar kaagad. Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at kinausap si Lola.

"Lola, kakauwi lang po namin ni Inay gusto po sana namin kayo imbitahan ni Julio para kumain sa bahay at magkwentuhan."

"Inday, matagal ka din nawala mabuti naman at naisipan mong umuwi dito sa probinsya. Siguro naman nag-iingat ka sa Maynila di ba?

"Oo naman po nag-iingat po ako lagi at sumusunod kay Inay. Tara na po, dadaan din po ako dun sa iba para maimbitahan."

"Sige pupunta na lang kami. Isasama ko na rin si Alex ha Inday."

"A-ah E-eh k-kayo po ang bahala. Mauna na po ako sa inyo punta na lang po kayo sa bahay."

Nagmamadali ako umalis dahil ayokong maka-usap yung babaeng iyon. Lagot ako nito kapag sinama ni Lola si Alex sa amin panigurado ako hindi ako titigilan nung mga iyon. Ano ba kasi ang ginagawa niya? Hay!!!!!! Bahala na, mapuntahan na nga yung isang kapit-bahay at mga kaibigan ko.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Forty First chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Where stories live. Discover now