RD 2

121K 4.4K 2K
                                    

Phase 2

"How many times do I have to tell you, he won't do any good for you, Sovie!" Stelios fumed.

Nauna akong lumabas ng sasakyan sa kanya at mabilis ding naglakad pero sinundan talaga ako ng kanyang mga sermon hanggang sa makapasok kami ng bahay nila.

"Wala namang masamang makipag kaibigan, Stelios. Hail is a kind man—"

He cut me off.

"Kind? Sa dami ng babaeng naloko nun, kind pa talaga ang tingin mo? He's a bad guy, Sovie. Kailan mo ba maiintindihan 'yan? Ilang beses ko ng nakikitang kausap mo 'yon, hindi ka nakikinig sa akin."

"He's kind to me. Pagod ako, aakyat na ako." malamig kong sinabi at tinalikuran na siya.

Palagay ko'y wala si Lola ngayon, mayroon siyang tindahang binabantayan sa palengke tuwing walang magawa sa bahay. Ang mga magulang naman ni Stelios ay wala talaga parati dahil sa business na hinahawakan sa ibang lugar, mayroon silang malaking hardware sa Maynila. May bahay din sila roon pero rito sa Laguna ang main.

Hinila niya ang aking siko kaya napabalik ako, huminga siya ng malalim at binaba ang tingin sa akin.

"I'm just telling what is not good for you, I'm just protecting you."

Nangunot ang noo ko pero malamig lang ang tingin sa kanya. "I don't need anyone's protection, Stelios. Kaya kong dalhin ang sarili ko, kaya kong mag-ingat."

He sighed massively and nodded as he bowed his head, mukhang naoffend siya roon pero wala akong pake kaya binawi ko ang braso at dumiretso na sa itaas para tumuloy sa kuwarto.

I honestly can't understand his way of protecting me, nakakatawa na lang dahil wala namang dahilan para protektahan ako. I know how to handle people around me even with just the innocent veil of red herring, no one can fool me. I've learned my lesson once and I won't be there again to look preposterous.

I swiftly unzipped my skirt and unbuttoned my white uniform, huminga ako ng malalim at naupo sa kama. I looked at my door to double check if it's locked, nakalock naman iyon kaya hinayaan ko ang sariling walang ibang kasuotan bukod sa underwear. Dumapa na ako sa kama at pinikit ang mga mata, I stared at the window side and my vision got blinded by the plumate ray of the sunset outside.

Napaiwas ako ng tingin sa magaang araw nang tumunog ang cellphone ko, kinapa ko lamang iyon sa kama at kinuha upang basahin ang laman ng mensahe. Kumunot ang noo ko dahil wala iyong pangalan, hindi naman ako mahilig mag save ng numero pero may thread pa rin ng conversation, hindi gaya ngayon na wala pa kaming naging usapan kahit isa.

Unknown Number:

Hi.

Tss, maybe this is Hail's spare contact number. Hindi ko na sinagot at binasa ang ilang texts nila Girbaud at Zoren, hetong dalawa lang ang palagi kong kinakausap dahil sila ang mga una kong naging kaibigan dito sa Laguna. Katorse pa lang ako ay magkakaibigan na kami, matanda sila ng apat na taon sa akin kaya mga tapos na sa pag-aaral at petiks na lang sa buhay ngayon. Mayaman din kasi ang pamilya, hindi kailangan maglunod sa trabaho para mabili ang gusto nila.

Girbaud:

Wala kang pasok bukas, right? Race.

I smiled and replied.

Me:

Okay, see you.

Binuksan ko naman ang kay Zoren. Zoren is also good at driving fast motorcycle, he has two Ducati and I was verily fascinated by it.

Zoren:

Raes, miss you. Punta ka sa shop, nandito si Girbaud parati.

I smirked while typing. May bago pa ba roon? Lagi naman silang magkasamang dalawa, kung hindi lang nagbalik sa ang klase ay naroon din ako parati at kasama sila panigurado. Minsan na rin akong nagpart time doon bilang mekaniko, I know how to operate normal cars pero hugas kamay na ako sa mga sports car na nagiging customer doon, kung hindi ko alam ay nanunuod na lang ako. Zoren likes dressing cars, while Girbaud is good at operating. They are both racers, sumasali sa illegal drag racing at kung ano pang masalihan na may pustahan. Madalas sa ilang tagong lugar ng Laguna ginaganap ang ganoong kumpetisyon, hindi ako nawawala sa panunuod.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon